Christian Bautista is now a Kapuso; signs three-year contract with GMA-7

Pagkatapos ng ilang linggong hulaan, nakumpirma na nga na si Christian Bautista ang "malaking artista mula sa ABS-CBN" na lilipat sa GMA-7. Pumirma ng three-year contract si Christian sa Kapuso network ngayong araw, March 20.


Pumirma na si Christian Bautista ng three-year contract bilang bagong Kapuso artist sa GMA-7 kaninang hapon, March 20.

Ayon kay Christian, matagal niyang napagdesisyunan ang kanyang paglipat ng network.

Pero hindi na niya idinetalye kung ano ang tunay na dahilan kung bakit niya iniwan ang ABS-CBN.

Ang dami raw kinausap ng singer bago niya ito napagdesisyunan, at pati sa Diyos at humingi rin daw siya ng sign.

Sabi ni Christian, “Parang tetris na parang dumadating nang dumadating. Mas nabubuo, until nabuo yung sagot.”

Sa Linggo, March 24, ay bibigyan ng mainit na pagsalubong si Christian sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Ang Party Pilipinas ang katapat na programa na pinanggalingan ni Christian sa ABS-CBN—ang ASAP Live.

Sabi ng singer, excited na siya sa kanyang paglabas sa Party Pilipinas.

“I’m excited with the songs that I’m gonna sing.

"I’m gonna sing with Janno, sina Jaya.

“Si Mr. Ogie yata is in America, e. So, I’ll just wait for them,” sabi nito.



RACHELLE ANN GO. Alam niyang isa sa inaabangan ay ang pagkikita at ang production number na gagawin nila ng kanyang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go, na dati rin niyang kasama sa ASAP.

Kuwento ni Christian, “Nagkausap nga kami nung isang araw for the MYX Awards.

“One of the things that I look forward to is to work with her again.”

Napapangiti pa niyang pahayag, “I’m sure pag nasa stage na kami, babalik na yung chemistry.

“Hindi naman nawala yun, e, pag nasa stage kami. Nandiyan pa rin.

“The friendship, nandiyan pa rin.

“Na-silent lang sandali, pero nagba-vibrate. Hindi naman mawawala yun, e.

“Kapag kami nagdu-duet sa stage, makikita naman ng lahat na merong something sa performance.”

Bukod sa Party Pilipinas, mapapanood din daw si Christian sa Eat Bulaga! tuwing weekend.



BETTER ACTOR. Ang isa pang gustong gawin ni Christian sa Kapuso network ay ang umarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One of my goals is to be better as an actor, kasi I’m mainly as a singer.

“Pero I wanna explore.

“While there is opportunity, I wanna work with sina Dingdong [Dantes], sina Marian [Rivera]…

“And if there is an opportunity also to work also with my friends Mark [Bautista], Rachelle… maybe a musical, that would be nice,” saad ng dating Kapamilya talent.

Kaya excited daw siya sa pagsisimula niya sa GMA-7 at nagpapasalamat ito sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso network.

Bukod sa paglipat niya sa Kapuso network, nakatakda ring gawin ni Christian ang musical play na Cinderella sa Resorts World na kung saan siya ang gaganap na Prince Charming.



STAGES. Nagpadala naman ng statement ang talent management company na namamahala sa career ni Christian, ang STAGES, kaugnay ng paglipat ng singer sa Kapuso network:

“STAGES is happy to announce that Christian Bautista is officially a Kapuso. He signed a three-year exclusive network contract with GMA this afternoon. Christian will be part of network projects that will further his local and international career.

“We also would like to express our gratitude to ABS-CBN for being Christian’s home for the past 10 years.

“We also would like to give special acknowledgement to all of Christian’s supporters for all the love all these years, and we pray for everyone’s continued support to Christian.”

Nagsimula si Christian sa showbiz nang sumali siya sa singing talent search ng ABS-CBN, ang Star In A Million, noong 2003.

Pagkatapos nito ay naging regular na siya sa musical-variety show ng Dos na ASAP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN