PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?

PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg">

PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg">

Kris Aquino and James Yap’s marriage, declared null and void on January 9, 2012, because of "lack of authority of solemnizing official," makes James Yap Jr., or Bimby, an illegitimate child. The only way to make the child legitimate is if he gets adopted. Under the Family Code, only husband and wife are granted joint adoption. The law also states that a child can only be adopted once.


Ang paghain ni Kris Aquino ng temporary restraining order (TPO), noong March 15, laban sa dating asawa niyang si James Yap ay nagdagdag na naman ng isang kabanata sa buhay ng dalawang kilalang personalidad na ito.

Ang TPO, na agad na naaprubahan noong March 16, ay nagbabawal sa 31-year-old San Mig Coffee Mixers star player na lumapit kay Kris at sa anak nilang si James Yap Jr., o mas kilala sa palayaw na Bimby, “at such a safe distance but not less than 100 meters.”

Ang nagtulak diumano kay Kris na humiling ng TPO ay ang isang insidente na naganap noong Disyembre 3, 2012, nang dumalaw si James sa condo unit ni Kris bilang parte ng kanyang three-day visitation rights kay Bimby.

Ang inakala raw ni James na “pagbibiro” lamang ay nagamit ng kampo ni Kris laban sa kanya.

Inakusahan ng 42-year-old TV host-actress si James ng “overstepping his boundaries and of attempting to seduce her while visiting her home, and of inflicting psychological harm on their son Bimby.”

Dagdag pa sa petisyong inihain ng aktres, gumawa raw ng “overt sexual advances” ang dating asawa at umakto rin na “as if he was still entitled to his matrimonial rights” kahit na hindi na sila kasal.

(CLICK HERE to read related story.)

Noong March 20, inilathala sa isang broadsheet ang petisyon ni Kris para sa isang permanent protection order (PPO) laban kay James.

Isang hearing sa April 8 ang naka-schedule kaugnay ng petisyon na ito.

Kapag na-grant ang PPO laban kay James, mangangahulugang hindi makakapiling ng basketbolista si Bimby hanggang tumuntong sa edad na 18 ang bata.

Si Bimby ay kasalukuyang limang taong gulang at magdiriwang ng kanyang ika-anim na kaarawan sa April 19.

Sa panayam ni PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) Editor-in-Chief Jo-Ann Maglipon kay James at sa legal counsel nitong si Atty. Sonya Castillo ng Kapunan Garcia & Castillo Law Office noong March 20, nabanggit ni Atty. Castillo ang posibleng nagtulak kay Kris sa pag-file ng PPO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ay dahil sa pagtanggi ni James na pirmahan ang Affidavit of Consent para sa adoption ni Bimby.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Kris sa panayam niya sa TV Patrol kagabi, March 21.



ILLEGITIMATE. Ang mas malaki at mabigat na anggulo sa kasalukuyang alitan sa pagitan nina Kris at James ay maaaring nag-ugat sa "illegitimate legal status" ni Bimby.

Sa isang komprehensibong ulat ng YES! magazine sa Abril 2012 issue nito, nabanggit na sa pagdedeklara ng korte na null at void ang kasal ay magiging “illegitimate” ang legal status ni Bimby.

“The concern now is, how do you make him legitimate?” sabi ni Atty. Lorna Kapunan sa YES!.

Si Atty. Kapunan ang head legal counsel ni James.

Ang tanging paraan lamang daw para hindi maging illegitimate si Bimby ay ang pag-ampon sa bata.

Ngunit sino ang may karapatang mag-adopt sa bata?

Dahil wala pang pitong gulang si Bimby, sinasabi sa batas na nasa custody pa siya ng kanyang ina.

Gayunpaman, sinabi ni Kris sa February 6 report ng PEP: “There are legal steps that I must take to protect both Josh and Bimby.

"Ang next step kasi rito, I need to adopt my children. That is very complicated at mawi-weird-an ang mga tao.

"Pero under Philippine Law kasi, if a child was born na hindi kasal ang nanay, illegitimate siya…

“I need to adopt them para no question for inheritance later on.”

Nabanggit sa YES! April 2012 issue na ang balak din ni James ay ampunin si Bimby.

Dito nagkaroon ng kumplikasyon.

Ayon sa Family Code at Republic Act No. 8552, o ang Philippine domestic adoption law, ang adoption ay pinapayagan lamang sa mag-asawa.

Nasasaad din sa mga ito na isang beses lamang puwedeng i-adopt ang isang bata.

Ayon sa YES!, concern daw ni Kris ang isyu ng mana o inheritance dahil si Bimby ay isang "illegitimate child."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Article 176 ng Family Code, kalahati lamang sa mamamana ng legitimate child ang makukuha ng illegimate na anak—bagay na poproblemahin ni Kris sakaling siya ay mag-asawa at magkaanak muli.

Ganito rin ang mangyayari kay Bimby sakaling mag-asawa muli si James at magkaanak.



JAMES’S FIGHT. Sa panayam ng PEP kay James at kay Atty. Castillo noong March 20, sinabi ng abugado na dahil hindi pumirma si James sa Affidavit for Adoption, “hindi nag-progress yung adoption.”

Sabi pa ni Atty. Castillo, “Yung adoption will not push through kung hindi nag-consent iyung isang parent.

“It’s a prerequisite. By simply not signing, hindi po nag-progress yung adoption. Ayaw ni James, e.”

Sa hindi niya pagpirma, naniniwala si James na ipinaglalaban niya ang kanyang anak.

Mariin na sambit nito, “Masira man ako, ano man ang mangyari sa akin, at least alam ko sa sarili ko na ipinaglaban ko yung anak ko.

“Ipinaglaban ko dahil mahal ko yung anak ko…”

Kinontra ni Kris ang paratang na kaya siya naghain ng petisyon for PPO ay dahil ayaw pirmahan ni James ang pinapipirmahan niyang adoption papers.

Sabi ni Kris sa TV Patrol, “Categorically, I deny that. Hindi totoo. Again, kasinungalingan.

“Hindi ito nag-ugat dahil do’n… dahil minsan lang pinag-usapan after our annulment, because of the illegitimacy of Bim.

“Never brining up uli. Hindi namin pinursue [pursued].”

Ayon naman kay Atty. Castillo, "The last time the adoption papers were given to James was only recently. Iyon iyong hindi pinirmahan ni James."



BACK STORY. Matatandaang ginulat ni Kris ang publiko noong April 2005 nang inanunsiyo niya sa The Buzz na siya ay isa nang Mrs. James Yap.

Ngunit isiniwalat ito ni Kris isang taon na ang nakalilipas pagkatapos ng kanilang civil wedding.

Ginanap ang simpleng civil wedding nila sa bahay ng matalik na kaibigan ni Kris na si Boy Abunda noong July 10, 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ito ang ikalawang beses na pagpapakasal dahil una raw silang ikinasal, sa isang private civil wedding, noong May 28, 2005.

Nakuha raw nila ang kanilang marriage license pagkatapos ng dalawang araw, May 30.

Matapos ang halos anim na taong pagsasama, inanunsiyo ni Kris ang hiwalayan nila ni James noong June 27, 2010 sa The Buzz pa rin.

Wika ni Kris, “Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, I’m saying, is over, the only person I will owe an explanation to, and the only person who can demand from me na bakit kayo naghiwalay, is my son.”

Matapos ang isang linggo, naglabas naman ng pahayag si James: “Ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don’t think na ngayon pa kami susuko.”

Noong August 9, 2010 ay nag-file ng petition for the declaration of nullity of marriage si Kris sa Makati Family Court.

Ayon sa dating abugado ni Kris na si Atty. Liza Logan, "The marriage was void from the beginning, so there was no marriage from the beginning.

“When you say legal separation, the marriage bond is not dissolved, so they can be separated, in fact, but they cannot marry anyone else."

Dito rin unang nabanggit na ang ground ng nullity ng kasal nila Kris at James ay “lack of authority of the solemnizing officer.”

Isang linggo matapos ang pag-file ng petisyon ni Kris ay kaagad namang nag-file ng “urgent motion for provisional award of visitation rights” si James.

Matapos ang isang hearing sa pagitan ng dalawang kampo, napagkasunduan na makakabisita si James sa kanyang anak tatlong beses sa isang linggo—tuwing Miyerkules, Biyernes, at Sabado.

Matapos ang dalawang taon, ang desisyon na “null and void” ang kasal nina Kris Aquino at James Yap ay idineklara noong January 9, 2011 ni Judge Cristina Javalera-Sulit ng RTC Branch 140 ng Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg">


PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg"> PEP SPECIAL REPORT. Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?" data-url="https://www.pep.ph/news/37978/pep-special-report-kris-aquino-and-james-yap-who-will-win-the-fight-for-bimby" data-desc="It’s more than a protracted lovers’ quarrel between Kris and James." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bfd2554bb.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN