Jack Enrile says he couldn’t afford Coco Martin’s 35-million-peso TF

Aminado si Jack Enrile na mahilig sa kasiyahan ang mga Pilipino, kaya naman, pinag-aralan daw niya kung paano sumayaw ng "Gangnam Style."


Hindi sinasadyang mabanggit ni Cagayan Representative at senatorial candidate Jack Enrile na 35 million pesos daw ang presyo ni Coco Martin kapag kinuha bilang celebrity endorser ng isang pulitiko.

At dahil wala raw siyang ganung kalaking budget, hindi raw ito nag-attempt na kunin ang Kapamilya actor.

Ang bulalas niya sa ilang piling press na kasama niyang nag-lunch sa Passion restaurant ng Resorts World.

Pakiusap ni Jack, sana raw ay huwag masyadong mahalan ng mga artista ang kanilang presyo kapag kinukuhang endorser ng pulitiko.

“Something needs to be done as far as the cause of running for office. Masyadong mahal! Hindi abot-kaya ng mga taong naghahangad magsilbi. Mahirap po,” ang deklara niya.

Pero aminado siyang malaki ang naitutulong ng mga artista sa kampanya kaya nga kino-consider naman daw talaga niyang kumuha.

“Kami talaga, gusto talaga namin kasi we believe, importante para sa aming mga kandidato na mapalapit kami sa mga tao.

“Kaya nga parati kaming sumasayaw, parating kumakanta si Presidente Erap [Joseph Estrada], pati si Vice-President [Jejomar] Binay, nagcha-chacha.

“Para sa amin, that is a way to show to the public na tao kami.”

Aniya, likas daw ang pagkahilig ng mga Pinoy sa entertainment.

“Masayahin tayong kultura, e. Mahilig tayo sa mga nagpapasaya, so kami naman, we have to reach out to our base.

“And our base really is the people who like these kind of stuff.

“So, kami, pag pinapasayaw kami ng ‘Gangnam,’ sumasayaw.

“Yung bago ngayon na ‘Harlem Shake’? Hindi ko pa alam yun," natatawa niyang sabi.

COCO’S SIDE. Samantala,isang malapit sa actor ang nagsabi na libre talaga ang pag-i-endorso nito sa napiling kandidato.

Aniya, "Hindi naging isyu ang pera para i-endorso ni Coco si Sonny Angara.

"Coco is one person na hindi mo puwedeng diktahan. May sarili siyang prinsipyo at paniniwala.

“Kaya kung malaki ang ibinibigay niyang suporta ngayon kay Sonny Angara, ibig sabihin, naniniwala siya sa kakayahan ni Sonny na maging isang mabuting Senador.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Angara, may ilan pang kandidato na susuportahan si Coco. Nariyan sina Grace Poe, na tumatakbo ring senador; Richard Gomez, na tumatakbo bilang mayor ng Ormoc City; at Anton Lagdameo, asawa ni Dawn Zulueta at tumatakbo bilang congressman sa second dikstrict ng Davao del Norte.

May statement din ang head ng ABS-CBN corporate communications na si Bong Osorio, na pinabulaanan ang balitang may talent fee si Coco for endorsing Angara.

“In fact, Coco was asked in August last year [by Angara] and he said no. Then in December, after getting to know Sonny, he agreed to endorse for free.”



DUGONG SHOWBIZ. Back to Jack, kahit may dugong showbiz ito dahil tita niya si Armida Siguion-Reyna, hindi raw siya nakumbinsing pumasok sa pag-aartista.

Maraming nagsasabi sa kanya na noong kabataan daw niya, puwedeng-puwede siya given his height and good looks.

Pang-leading man din daw ang dating ng anak ni Juan Ponce Enrile pero mas gusto raw niya ang magsilbi sa taumbayan kaya ang pinasok niya ay ang mundo ng pulitiko.

Magkaiba man sila ng mundo ng kanyang tita Armida ay nagsusuportahan naman daw sila, kasama ang pinsan niyang direktor na si Carlitos Siguion-Reyna at asawa nitong si Bibeth Orteza.

“They are offering their help. They will create a new ad for me perhaps for the last three weeks of the campaign.

“So, ako’y natutuwa na kahit paano, mayroon kaming kapamilya na nasa showbiz na handang tumulong.

“Dahil alam po nila kung gaano kamahal po talaga ang production. At mahirap naman po talaga para sa isang kandidato na maraming iniisip na pati ‘yun ay maghahanap pa tayo ng pera para makapagbayad,” ang saad pa ni Jack.

Paano naman niya matutulungan ang industriya pag nanalo siya bilang Senador?

Sagot niya, “Tulungan niyo ako kung ano ang problema sa showbiz na kailangang tugunan. Gumawa kayo ng draft para masimulan, mapag-aralan, at isusulong natin sa Senado pag nanalo tayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN