Part 1. Kris Aquino: "I felt violated as a woman."

Ipinakita ng mga kapatid na babae ni Kris Aquino ang suporta nila rito nang kasama silang humarap sa panayam ng TV host-actress sa TV Patrol ngayong gabi, March 21. Sa naturang panayam ay ibinigay ni Kris ang kanyang panig sa naging pahayag ng kanyang dating asawang si James Yap.


Isang araw pagkatapos magsalita ni James Yap kaugnay ng petisyon ng dating asawang si Kris Aquino for a Permanent Protection Order (PPO) laban sa kanya, ang TV host-actress naman ang nagbigay ng kanyang panig ngayong gabi, March 21.

Ginawa ni Kris ang kanyang pahayag sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol, kung saan ang news anchor na si Ted Failon ang nag-interview sa kanya.

Bukod kay Kris, nasa tabi rin niya ang kanyang tatlong kapatid na babae—sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, at Viel Aquino-Dee.

Naroon ang tatlo upang ipakita ang kanilang buong suporta sa pinagdadaanan ng kanilang bunsong kapatid.

Nakasuot ng itim na blouse si Kris, at light lamang ang kanyang make-up at lipstick.

Ginanap ang panayam sa isang lugar sa Scout Tuazon, Quezon City.



“I FELT VIOLATED AS A WOMAN.” Unang tanong ni Ted kay Kris ay kung ano ba ang pinagsimulan ng lahat ng ito.

Sagot ni Kris, “Contrary doon sa sinabi ni James na it’s all about the December 3 incident, in my mind and in my heart, that’s not about the December 3 incident, but about the effects of the December 3 incident."

Ang tinutukoy ni Kris na "December 3" ay ang araw kung saan naganap ang pambabastos umano sa kanya ni James sa loob mismo ng kanyang kuwarto.

“At kung tatanungin mo ako kung bakit ako nandito ngayon sa harap mo, bakit ba kami umabot sa pag-request ng TPO [Temporary Petition Order], at umabot sa korte para sa TPO.

"It was what I witnessed when I went home, March 8.

“Well, para lang klaro sa lahat ng tao, nangyari yun December 3. December 4, ipinaalam ko kay James na I felt violated as a woman.

“Para lang klaro po sa inyong lahat, I was inside my room—this happened around 7:30 at night—na nagpapahinga na ako dahil the next day, maaga ang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Visitation niya [James]… hindi pa ‘yon nakasaad sa korte, ha, that was a Monday.

“Pero okay lang, para magkita sila.

“I let them have Thursdays, nandoon sila sa dining room at sa living room, nando’n ako sa kuwarto ko.”

Patuloy niya, “Ang dami kong natutunan recently tungkol sa mga batas na nagpoprotekta sa mga babae.

“Ngayon, alam ko na, na yung pagpasok niya sa kuwarto ko, yung sinasabi niyang biro na ginawa niya, na pagtangkang paghalik sa akin, pagkuha sa braso ko, nag-react ako…

“Doon pa nga lang, sinabihan ko siya, ‘Get out! Umalis ka sa kuwarto ko!’

“The fact na nag-stay pa siya doon, na hindi na kami kasal, nilabag na niya yung batas na nagpoprotekta sa mga babae.

“Yung the fact na pinagtangkaan niya talagang saktan ako, dinuro-duro niya ‘ko, kung anu-anong masasakit na sinabi niya sa ‘kin, ginawa niya lahat ng ‘yon sa harap ng anak namin.

“Sinasabi niya na I was making faces, na umarte lang ako, para mapaniwala ko si Bimby na sinasaktan ako.

“Eto lang—matalino ang anak ko.

“Alam niya kung anong totoo, alam niya kung anong palabas lamang.

“Instinct yun ng bata, na gugustuhing protektahan ang nanay niya.

“Inuulit ko, I kept quiet.”

Si Bimby ang limang-taong gulang na anak nina Kris at James.



VISITATION ISSUE. Pagpapatuloy pa ni Kris, “Noong December, may text kay James, it’s part of what we filed, I told him, ‘Kung gusto mo pa makita si Bimb, ‘wag lang dito sa bahay namin. Libre ka, magkita kayo, [but] not here. It’s because I already feel I already did everything to be civil to you, pero paulit-ulit yung pambabastos na ginagawa sa pagkatao ko.’

“Hindi sila [James and Bimby] nagkita until February 1.

“Tama yung account niya na sinasabi niyang na-excite yung bata dahil do’n sa video games.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa totoo lang, nagpunta si Bimby to see him dahil pinangakuan na bibigyan ng laruan—wala yung laruan.

“Sinabi no’ng yaya na sinabi ni James na, ‘Pinapunta ko para makita ko.’ Pero alam niya na wala talaga naman yung toy na piinangako do’n sa bata.

“The next time we saw each other was already March 8.

“Uulitin ko, hindi ko siya pinigilan.

“Hindi ko sinabi na, “Wag kang pumunta dito.’ Ang sinabi ko lang, ‘Wag kang umakyat sa unit namin.’

“Pero libre siyang dalawin si Bimb, magkita sila sa lobby.

“When I got home because I was packed up early… dumating ako sa bahay, pumasok ako sa lobby…

“Kahit sinong nanay, alam kapag yung anak ang umiiyak.

“Iyak nang iyak ang anak ko, nanginginig.

“Ang sinasabi... lumapit ako, siyempre nando’n sila, didiretso ka… malaking lobby sa building namin.

“Nando’n sila sa bandang likod, near the elevators, tinanong ko, ‘What’s going on?’

“Ang sinabi ni Bimb, ‘Mama, Papa’s saying that he never hurt you. But he’s a liar ‘coz I saw everything. I was there, Mama, I saw it.’

“Iyak nang iyak ang anak ko dahil sinasabi sa kanya ni James, ‘Hindi totoo ‘yan, hindi ko siya sinaktan.’ And Bim was there.

“Sabi ko, ‘That’s enough, let’s go!’ Umakyat kami and that’s when I called my sisters.”



BALLSY & PINKY. Pagkatapos nito ay kinuha ni Ted ang pahayag ng panganay na kapatid ni Kris na si Ballsy.

Saad ni Ballsy, “Sa lahat ng dinaanang pagsubok ni Kris, nando’n sa tabi niya ang aming ina [the late President Cory Aquino].

“Nung laban lang niya kay James, siyempre ipinagdadsal namin siya, nando’n kami sa likod niya.

“Pero ngayon na, kung madidinig mo yung bata [Bimby], yung sama ng loob niya, yung kanyang takot…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman nagsisinungaling ang bata, e. An innocent five-year-old na ano naman ang laban ng tao?

“Dahil gusto talaga naming maprotektahan siya, at malaman…

“Mahirap lang magsalita... siguro sa tamang panahon, malalaman din nila kung ano yung nararamdaman ng bata.

“We just felt dapat talaga we have to support Kris all the way, to support Bim.

“Away nila ni James, kasi matanda na siya. Pero yung bata, nakakaawa talaga.

“Thats what really propelled me to appear. Alam mo naman na kung puwedeng nagtatago na lang kaming tatlo.

“Pero inisip ko na gusto rin ng mom na magkaisa kami rito, na samahan si Kris para sa mga karapatan ni Bimb—kasi talagang nakakaawa.”

Tinanong ni Ted si Ballsy kung nagkaroon ba sila ng pagkakataong magkausap ni James upang payuhan ito bilang nakatatandang kapatid ng TV host-actress.

Sagot ni Ballsy, “Alam mo, siguro even James would agree, na sa aming magkakapatid, ako yung pinakamadalas niyang nakausap, pinakamadalas niyang naka-text.

“Up to last month, nag-text pa ‘yan ng ‘Happy Valentine’s.’

“Sabi ko, binati ko siya, ‘Happy birthday in advance.’”

Noong February 15 nagdiwang ng kanyang 31st birthday si James.

Patuloy na kuwento ni Ballsy, “At saka there’s times that Bimb would say ayaw niya yung papa niya, nadinig ko si Kris, e, na ‘Don’t say…’

“Umabot kasi na he says, ‘I don’t like papa.’ Sabi ni Kris, ‘No, Bimbs, don’t say you hate papa.’

“Tapos kinausap ko rin siya, ‘Bimb, your papa is the one of the best basketball players. He’s so sikat, he’s so magaling! So don’t hate him because your Papa loves you.’

“Tapos siya naman, puro gano’n… Hindi naman niya ako inaaway, hindi siya nag-a-argue, but nakikiramdam.

“Sabi ko, ‘Ang dami niyang fans, ang galing- galing niya.’

“Ang sinabi niya, ‘But last night natalo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But still, sabi ko, ‘Bakit kaya ganito?’

“Maski tanungin mo sila, niyayaya namin si James— kung may mag-birthday, Christmas, dahil gusto namin naman na lumaki yung bata na may kinikilalang tatay, malapit sa tatay.

“Alam mo, kaya ang sama-sama ng loob ko nung nadinig ko kagabi na sinaktan niya ang pamilya namin.

“Na pati si Noy na, kesyo daw sinabi ni Kris na ’three years,’ parang we were not kind naman to him.”

Sa panayam ng PEP kay James noong Marso 20, sinabi nitong sinabihan siya ni Kris na pakatandaan nitong may tatlong taon pa ang kapatid niya bilang Presidente.

Sa puntong ito ay naiyak si Ballsy, at habang nagsasalita siya ay ipinakita rin sa camera si Kris na wala na ring tigil sa pag-iyak.

Dahil sa umiyak na si Ballsy, ang pangalawa sa magkakapatid na si Pinky naman ang nagbigay ng pahayag.

Saad ni Pinky, “James, I think you know in your heart ang pagtrato namin sa iyo, parang pamilya, na kahit annulled na kayo, we treated you well.

“Nagbibigay pa kami ng tips sa iyo, James, about, ‘Ito ang mga gusto ni Bimb, ito ang gawin mo.’

“Tapos ipo-portray mo kami na... baka magre-revenge kami porke’t pangulo ang kapatid niya.

“James, kilala mo kami.

“Sa dami ng pinagdaanan n’yo, nagkaroon ng settlement, wala ka talagang narinig sa amin.

“Ako rin nag-‘Happy Birthday’ din sa ‘yo last month. Kaya nalulungkot ako sa nakikita ko sa ‘yo ngayon.”



POWER. Mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Kris ang kuwento ni James na sinabihan daw siya ng dating asawa na “may tatlong taon” pa ang kuya niyang si Presidente Noynoy Aquino.

Ang pakahulugan nito ay nasa puwesto pa ng kapangyarihan ang pamilya Aquino sa mga darating na panahon.

Sabi agad ni Ballsy, “Kris kasi did not say that.”

Dagdag ni Kris, “I didn’t. Alam mo, Ted, kung kapangyarihan ang pag-uusapan natin—why is he able to hurt me so many times?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, ito lang ang sasabihin ko, ha, nung naghiwalay kami, sino ba unang pinuntahan ni James? Ang pinuntahan niya si Noy.

“Ano’ng ginawa ni Noy? Sinabihan ako ni Noy, ‘Problema mo ‘yan, e, wala kayong pre-nup [pre-nuptial agreement].’

“Never nakialam si Noy. Never kong ginamit ang kapatid ko.

“Hiyang-hiya na ako sa pamilya ko,” naiiyak na sabi ni Kris.

“Kasi sa kagustuhan lang naman nila na protektahan ang anak ko—not even about me, this is about my son.

“Tapos idye-jeopardize pa niya [James] ang magandang panunungkulan ng kapatid ko—sobra na!

"I promised my sisters I would be strong, but it is so unfair na puwede niya kaming i-accuse na, ’Kailangan tatahimik kasi kapatid niya nasa posisyon.’

"Sinisira niya ang lahat ng magagandang nagawa ng mga magulang ko, ng kapatid ko, ng pamilya namin.

“And over what?” gumaralgal nang pahayag ni Kris.

Muling itinanong ni Ted si Ballsy kung nagkausap ba sila ni PNoy tungkol sa problemang ito ni Kris, ang bunso sa magkakapatid na Aquino.

Tugon ni Ballsy, “Alam mo, kasi sa dami ng mga problema niya ngayon..

“At saka bakit naman gagawing national issue ang away, ang hindi pagkaunawaan ni Kris at ni James?

“As much as possible, I hardly text him.

“Hanggang puwedeng huwag ko siyang abalahin, hindi ko siya aabalahin.

“Pero bago kami pumunta dito, tinanong ko kay Pinky, tinext ko si Pinky, ‘Alam na ba ni Noy?’

“‘Ay, hindi ko sinabi.’

“So, tinext ko lang siya, ‘FYI, Kris will be on TV Patrol and the three of us will be there with her.’

“Alam ko nag-Bicol siya today, so I hope he got the text.

“But I felt kailangan malaman naman niya.”

Dagdag naman ni Kris, “I didn’t text him about this.

“Lalaki yung kapatid ko. Alam niya kung paano tratuhin ang mga babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tumakbo ako sa mga kapatid kong babae, hindi kay Noy.”

Sabi naman ni Pinky, “Ayaw naming makidagdag pa.

“It’s not a national issue, and sa aming tatlo, kaya pa naman namin siguro, bakit pa namin dadagdagan ang problems ni PNoy?

“Siguro kung hindi namin kakayanin, do’n lang kami tatakbo.

“But this one, ang priority niya ay ang problema ng bayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN