Part 2. Kris Aquino resigns from ABS-CBN shows; denies rift with James Yap was triggered by adoption papers of Bimby

Inanunsiyo ni Kris Aquino sa kanyang panayam sa TV Patrol na magre-resign na siya sa lahat ng kanyang shows sa ABS-CBN at tatalikuran na ang kanyang showbiz career. Sabi ng tinatawag na Queen of All Media, “Hindi ginusto ni Bimby na maging ganito ang sitwasyon ng buhay niya. Pero, at five years old, I owe him a future.”


Isang rebelasyon ang pinakawalan ni Kris Aquino sa gitna ng panayam sa kanya ni Ted Failon sa TV Patrol ngayong gabi, March 21.

Magre-resign daw si Kris sa lahat ng kanyang shows sa ABS-CBN.

Ito ay dahil daw sa kasalukuyang kontrobersiyang kinasasangkutan nila ng kanyang ex-husband na si James Yap at sa pagnanais niyang maprotektahan ang anak nilang si Bimby.

Saad ni Kris, "My sisters don’t know that this is what I’m going to say. My lawyer doesn’t know that this is what I am going to say.

“Humihingi na ako ng paumanhin sa mga bosses natin.

“I asked myself on my way here, because ilang beses kong nakausap si Bim, ilang beses siyang tinanong dahil alam kong malalaman niya ang pagsasalitang ito.

“Tinanong ko siya, ‘Bim, is it okay if Mama will talk?’”

Umiiyak na ipinagpatuloy ni Kris, “That’s what broke my heart. Kasi ang sinabi ng anak ko, ‘Mama, just say it’s for Bim.’

"Sinabi ng anak ko na siya na lang daw.

“Ganun kalaki ang pagmamahal niya para sa akin.

“So I asked myself, ‘Paglaki niya, kaya ko ba siyang harapin at sabihin na lahat kinaya kong isakripisyo para sa kanya?’

“I’m stating this now, categorically, I have to make a sacrifice.

“We don’t deserve this.

“I sadly don’t deserve this suffering.

“I don’t want to be selfish for the rest of my life.”

Umiiyak na namang sinabi ni Kris, “Humihingi ako ng paumanhin, lalung-lalo na dun sa lahat ng mga katrabaho ko na nandito ngayon.

“Pero sana maunawaan ninyo ako. I have to do this for my son—and that means sacrificing this career, sacrificing job.

“Inisip ko, e, bago ko sabihin ‘yan, may sapat na ba akong naipon para maging kumportable kami?

“Siguro ito na ang sinasabi ng mom ko dati na, ‘Sana matuto kang maging simple.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The only [way] I can tell my son when he is an adult, na ‘Bim ginawa ko ang lahat para sa ‘yo. Isinakripisyo ko ang lahat para maging tahimik ang buhay mo’—is kung kaya kong talikuran yung trabahong pinakamamahal ko.

“Dahil sa totoo lang, e, kung pribado kaming tao, hindi kami pagpipiyestahan.”

Dito na sinabi ni Kris ang kanyang malaking desisyon: “I’m giving up my shows.”

Tatlo ang umeereng programa ni Kris sa ABS-CBN ngayon: ang daily morning magazine-talk show na Kris TV, ang primetime drama series na Kailangan Ko’y Ikaw, at ang talent search na Pilipinas Got Talent.



BIGGER SACRIFICE. Saad pa ng 42-year-old TV host-actress, “Hindi ko sinasabi ‘yan just so I can say that I’m the one making the bigger sacrifice, no.

“Tinatalikuran ko ang mundo na kinilala ko, na bumuhay sa akin, dahil higit sa karera ko, mas mahal ko ang anak ko.

“At paglaki ng anak ko, gusto ko na talagang malaman niya, ibinigay ko ang lahat.

“Dahil nung nabubuhay ang mommy namin, ibinigay niya ang lahat para sa amin.

“So, ibinibigay ko ang lahat para sa anak ko.”

Diin ni Kris, “It’s not between James and me and who is telling the truth. It’s about how much I love my son.

“Tama naman yung sinabi ng mga tao, ‘Kawawa na si Bimby.’

“So, kailangan kong gawin ito para sa kanya.

“I’m tendering my resignation.”

Hindi raw alam ng top executives ng ABS-CBN ang kanyang desisyon na ito.

“They didn’t know that. Hindi ko sila kinausap about this, hindi ko sinabi sa lawyers ko.

“But it’s a decision I made on the way here because my heart was breaking seeing how much my son was suffering.

“Hindi ginusto ni Bimby na maging ganito ang sitwasyon ng buhay niya. Pero, at five years old, I owe him a future,” naiiyak na namang pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nilinaw ni Kris kung agad-agad siyang aalis sa mga show niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-resign o iniwan ni Kris ang mga programa niya sa ABS-CBN.

Noong 2010 ay nag-resign siya sa showbiz-oriented shows na The Buzz at Showbiz News Ngayon pagkatapos maiproklama ang kapatid niyang si Noynoy Aquino bilang bagong Pangulo ng Pilipinas.

Ginawa raw niya ito upang maiwasang magbigay ng kanyang komento sa mga show na ito na maaaring makaapekto sa kanyang kapatid.

Sa panayam niya kanina sa TV Patrol, tinanong ni Ted si Kris kung panghabambuhay na ba ang desisyong ito na iiwanan niya ang kanyang career.

Hindi nagbigay ng malinaw na sagot si Kris. Aniya, “I don’t know. I can’t think about forever. I can only think what’s best for my son.

“At sa ngayon, sa puso ng isang nanay, eto yung idinidikta sa akin—gagawin ko ‘to para sa anak ko.”



KRIS AS A MOTHER. Hiningan din ng reaksiyon ni Ted ang mga kapatid ni Kris. Si Pinky Abellada ang nagsalita.

Ipinaalala niya ang paglaki nilang magkakapatid na wala ang ama nilang si dating Senator Ninoy Aquino, na ikinulong ng rehimeng Marcos at pinaslang noong 1983, sa ilalim pa rin ng rehimeng Marcos.

Ngunit lumaki raw silang maayos dahil mayroon silang isang matatag na ina, sa katauhan ni yumaong President Cory Aquino.

Ito raw ang kanilang role model.

Sabi pa ni Pinky, “Tinuruan niya kami na kung anumang unos ang dumating sa buhay, malalampasan ‘yan.”

Pagkatapos nito ay inilarawan niya si Kris bilang isang ina.

“May fault si Kris, hindi siya perpektong tao… [pero] sobrang motherly nito.

“Alam ko, ginagaya niya ang ways ng mom.

“Naglalagare sa shooting—show number one, show number two. Tatakbo sa training ni Josh, sa eskuwela ni Bimby… nakikita namin ‘yon.

“Hindi dahil kapatid siya, kundi nakikita ko how she is doing that for her boys.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinegundahan naman ito ni Ballsy.

Aniya, gagawin daw ni Kris ang lahat para sa kanyang dalawang anak at ipaglalaban niya ang mga ito.



HOLD-DEPARTURE ORDER. Kinuha rin ang reaksiyon ni Kris sa pagpa-file ni James ng hold-departure order para hindi makaalis ng bansa ang TV host-actress at ang kanilang anak na si Bimby.

Kasalukuyan pa raw kasing dinidinig ang petition for Permanent Protection Order (PPO) na isinampa ni Kris laban kay James.

Matagal bago nagsalita si Kris nang tanungin tungkol dito.

Aniya, “Kami ang nabigyan ng Temporary Protection Order, he was the one told to stay away from us.

“Why is he depriving my son of an opportunity to spend vacation when he himself, hindi naman siya puwedeng lumapit dun sa bata?

“Bakit ganun na lang siya ka-selfish? Na pini-prevent niya yung anak ko to be in a place na mabibigyan kami ng katahimikan.”



ADOPTION PAPERS. Isa pang pinasagot ni Ted kay Kris ay ang paratang na ang lahat ng ito ay nag-ugat dahil ayaw raw pirmahan ni James ang adoption papers na gustong papirmahan sa kanya ni Kris.

Ang adoption papers na ito ay upang legal na maampon ni Kris ang kanilang anak na si Bimby.

Dahil napawalang-bisa na ang kasal nina Kris at James, lumalabas na “illegitimate child” ang kanilang anak.

Sagot ni Kris, “Categorically, I deny that. Hindi totoo. Again, kasinungalingan.

“Hindi ito nag-ugat dahil do’n… dahil minsan lang pinag-usapan after our annulment, because of the illegitimacy of Bim.

“Never brining up uli. Hindi namin pinursue [pursued].”

Pero inaamin ba ni Kris may proseso siyang ginagawa para ma-adopt niya si Bimby?

Tugon ni Kris, “It’s not about illegitimacy, this is about safeguarding what is right for my son.

“My sisters told me huwag pag-usapan ang pera. I must bring this up…

“Hindi ko naalagaan si Josh. Kung ano ang dapat ang mapunta kay Josh, na nag-settlement kami ni James, nakuhanan pa si Josh."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ibig sabihin dito ni Kris ay bahagi ng napuntang halaga o property kay James, bilang resulta ng settlement sa kanilang paghihiwalay, ay para sana kay Josh.

Si Josh ang panganay na anak ni Kris mula sa dating karelasyon nitong si Phillip Salvador.

Dagdag pa ni Kris, “Natututo na ako. I want to safeguard my children. I want to safeguard kung ano ang dapat mapunta sa mga anak ko.”

Ano naman ang masasabi niya sa pahayag ng kampo ni James na ang lahat ng ito ay “drama” lamang ?

Kalmadong sagot ni Kris, “Kilala na niya ang pamilya ko, lahat kayo kilala ninyo na rin kami. Hindi kami nagda-drama.”

Sa alitan nilang ito ni James, bakit siya ang dapat paniwalaan?

“You don’t have to believe me, you just have to believe my son,” maikling sagot ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN