Loren Legarda on PNoy’s admission that he had a crush on her before: “Nasorpesa ako dahil naalala pa niya.”

Isa raw sa plano ni Loren Legarda kapag nanalo siyang muli bilang senador ay pagyamanin ang sining at kultura ng Pilipino. Aniya, "... ano pang mga bagong panukala ang maaari kong gawin sa aking susunod na termino para engganyuhin o magkaroon ng insentibo ang mga filmmakers, independent filmmakers..."


Patuloy ang suporta ni Senator Loren Legarda para sa pelikulang Thy Womb.

Isang special screening ng naturang pelikula ni Nora Aunor ang idinaos sa pamumuno ng dating brodkaster nitong Biyernes, March 15, sa The Podium cinema.

Ayon kay Senator Loren, “Ang Thy Womb ay pagtalakay sa mga detalye ng buhay sa pananaw ng isang Badjao na komadrona.

“Ito ay nagpapakita ng mga makabuluhang aspeto ng buhay at tadhana ng mga kababayan nating Badjao, lalo na ng mga kababaihan.”

Aniya, mas magiging aktibo raw siya sa mga ganitong proyekto kapag nahalal siyang muli bilang senador.

“Ang gagawin ko sa aking susunod na termino, I will focus on Filipino culture and arts. I will focus and give full support to the Filipino artists.

“Kung siya man ay filmmaker o artista, iskultor man o folk arts or visual arts or performing arts, I will focus my last term, my third and last, on the Filipino artist.

“Meron sooner na darating... Dahil meron kaming Buhos on climate change, may ginagawa si direk Brillante Mendoza ngayon, currently halfway na, ang title ay Ligtas, on my advocacy on disaster reduction,” ang kuwento pa ni Loren tungkol sa pangalawang kolaborasyon nila ng Thy Womb direktor.

Isa ring documentary/instructional video ang Ligtas.

“So, tsina-challenge ko siya, e... sabi ko, ‘Direk, ito United Nations advocacy ko,’ ipinapaliwanag ko sa kanya.

“So, a Brillante Mendoza na expertise niya ay pelikula, biglang instructional video... ayan tingnan natin,” ang nakangiting sinabi ni Senator Loren.

At saka ito nagkuwento tungkol sa anak niyang si Lance na nasa London at “sinusundan ang buong career ni direk.”

Dugtong ni Loren, “Nanood pa siya ng Kinatay, nakatira siya at nag-aaral sa London at lahat ng pelikula ni direk Brillante, sinusundan niya.

"Siya pa ang nagbabalita sa akin, tuwang-tuwa siya kay direk Brillante.

“Palagi nga niyang iniimbita si Lance, hindi lang nakakapunta kasi nag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Idolo siya ng aking anak.

“He [Dante] makes me proud as a Filipino.”

Kaya naman, kasa sa plano niya ay ang pagtulong sa mga filmmakers na may kakayanang gumawa ng dekalidad na pelikula.

Aniya, “Gusto kong konsultahin si direk Brillante Mendoza at iba’t-ibang producers at directors kung ano pang mga bagong panukala ang maaari kong gawin sa aking susunod na termino para engganyuhin o magkaroon ng insentibo ang mga filmmakers, independent filmmakers, mga bata na nagnanais na maging isang direk Brillante.”

SURVEY. Nadako ang usapan sa kanyang kandidatura, kung saan, sinasabi sa survey na isa umano siya sa top contenders.

Bulalas ng senadora, “Hindi ako kampante! Alam ninyo ang aking kasipagan… kasi being number one has a greater responsibility.

“Nararamdaman mo ang pagmamahal ng taumbayan, ang kanilang patuloy na tiwala at suporta.

“Kaya lalo lang akong nagtatrabaho at pinaparating ang mga magagandang batas na napapakinabangan nila.

“If I may say, gaya ng Universal Health Care, alam niyo ba na ang maganda rito, itong taong ito, twenty-five million sa pinakamahihirap na Pilipino ay sakop na ng PhilHealth na wala silang cash-out, gobyerno na ang magbabayad.

“Dahil sa aking Universal Health Care Bill, kalusugang pangkalahatan.

“Kung ngayon ay may nasisante na tatay, may nanay na sampu ang anak, may ulila na bata, mamamatay na lang kung walang panggamot o pang-opera.

“Sa ilalim ng aking batas, libre na ang lahat ng pinakamahirap na Pilipino, twenty-five million Filipinos will benefit.

“So, I’m so happy."



PNOY’S CRUSH. Aniya, sineseryoso daw niya ang "number one" tag.

Sa pagpapatuloy ng dating ABS-CBN anchor, “So, being number one is not just a matter of numbers. Ang pagiging number one ay mas malaki ang responsibilidad dahil mas malaki ang dapat gawin.”

Ano naman ang masasabi niya sa personal endorsement sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino, na nagsabing cursh niya raw dati si Loren?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumawa muna si Senator Loren bago sumagot, “I mean, nasorpesa ako dahil naalala pa niya. Naku baka iyan ang istorya ninyo, hindi yung Thy Womb, ha?

“Nasorpresa ako dahil that was 35 years ago. Hindi ko alam.

“Thank you,” ang tumatawang pasasalamat niya kay PNoy. “Naku iyan ang istorya ninyo, nakakahiya kay Presidente.”


UPCOMING ELECTION. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang unang gagawin ni Loren pagkatapos ng eleksyon kung sakaling mananalo siyang muli.

“Magpapasalamat!" ang mabilis niyang sagot.

"Una, magpapasalamat sa Diyos, pupunta sa Blessed Sacrament, tatawagan ang anak ko, magpapasalamat sa ama kong 80 years old na nangangampanya sa akin, at nagga-’Gangnam’ pa sa entablado.

“Itong anak ko ring ito, si Leandro [na kasama niya sa Thy Womb screening] ay kasama ko rin sa kampanya.

“Ipupulong ang mga mahal ko sa buhay, kasama na ang aking 79 years old na nanay na nangangampanya rin sa Ilocos at magtatawag sa lahat ng mga lider at mga kaibigan all over the country.

“So, magpapasalamat siguro, hindi muna pahinga.

"Siguro pupunta sa iba’t-ibang lugar at magpapasalamat sa mga taong tumutulong dahil napakaraming nagsasakripisyo at tumutulong."

THY WOMB SCREENINGS IN U.S. AND EUROPE. Pagkatapos daw nito ay magsisimula na siyang magtrabaho.

“And then back to work! Tatapusin namin yung mga plano namin ni direk at gaya ng sinabi ko, ngayon ko lang naisip nga, magandang idea na dalhin ang Thy Womb sa East Coast at gusto ko, ako ang mag-sponsor sa Yale University, with my son who is an officer of the student council para imbitahin ang mga malalapit na… University of Pennsylvania maybe, Harvard, at saka Yale, ang mga Ivy League schools, magpakita ng isang great Filipino film at puwedeng mag-Q & A kay direk Brillante.

“I think that would be interesting for the youth of America.

“Tapos, puwede ko ring dalhin sa Europa dahil sa April 9 hanggang July 12 ay meron akong tinutulungan sa Musée Du Quai Branly, na mga pre-colonial Philippine artifacts na ilalabas sa museo sa Paris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa dami na ng kaibigan ko dun o dahil mas marami siyang kaibigan dun sa akin, gusto kong kung meron tayong event dito sa Podium, gusto kong gumawa rin, either in Paris or maybe in Berlin, ng isang showing ng Thy Womb, maybe connected with what’s happening in Mindanao now, for a greater understanding of our culture.

“Maybe with the help of the DFA [Department of Foreign Affairs] we can have something like that because I’m Chairman of the Foreign Relations Committee.

“Kaya maraming planong kayang gawin. Importante we have a good product and that good product is Thy Womb.

Marami raw siyang balak kasama si direk Brillante, isa na rito ay pagkakaroon ng proyekto tungkol sa human trafficking.

“Yung ating batas tungkol sa Expanded Anti-Trafficking In Persons Act, yung pagbabawal ng pagkalakal, pagbenta ng bata at babae.

“Maraming mga case studies diyan. Nakakaawa ang mga bata, 12 years old na binebenta, ginagawang sex slave, forced labor.

“May mga case studies kaming pinag-aaralan at sinasaliksik pa na maaaring gawing pelikula.

“Nagre-research pa kami.

“In the meantime tinatapos niya yung Ligtas, yung United Nations advocacy ko on disaster reduction. Pagkatapos ng Buhos sa climate change, Ligtas naman— disaster reduction instructional video material,” pangwakas na banggit ni Loren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN