Dolphy’s grandson arrested on drug possession

Isa sa mga apo ng Comedy King na si Dolphy ang inaresto pagkatapos ng isang drug raid sa Sta. Cruz, Laguna noong Marso 19. Kinilala ang inaresto bilang si Rodlfo "Thirdy" Quizon III, anak ni Dolphy Jr. (nasa larawan).


Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang apo ng yumaong Comedy King Dolphy noong Martes, March 19.

Ang inaresto ay kinilalang si Rodolfo "Thirdy" Quizon III, 29.

Siya ay isa sa anim na anak ni Dolphy Jr., anak naman ni Dolphy kay Engracia Dominguez.

Ayon sa report, nag-serve ng search warrant ang operatives ng PDEA, sa pangunguna ni Director Jeffrey Bangsa, sa tahanan ni Thirdy sa Barangay Palasan, Sta. Cruz, Laguna.

Natagpuan daw sa loob ng pamamahay ay eight grams ng marijuana, 16 tablets ng Valium, at iba pang drug supplies.

Mahaharap si Thirdy, pati na ang kasamahan nito sa bahay na nagngangalang Jayar Salac, 28, sa kasong possession of dangerous drugs at possession of drug paraphernalia.

Ang ama ni Thirdy na si Dolphy Jr. ay isa nang Born-Again Christian pastor pagkatapos nitong makalabas ng kulungan noong 1998.

Nakulong si Dolphy Jr. dahil sa kasong arson at may history rin ito ng paggamit ng ipinagbabawal na droga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN