John Prats shocked by Jason Francisco’s "demonic" behavior; wants to teach former PBB housemate a "lesson"

PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg">

PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg">

Sa ngayon ay sarado pa ang pinto ni John Prats sa posibleng pagpapatawad niya kay Jason Francisco matapos siyang sapakin nito. Sabi ng aktor, “Sa ginawa niya? Ano? Ganun? Sorry na lang?” sagot ni John. E, kung sapakin ko din siya, tapos sabihin ko na sorry din? Ganun lang ba yun?"


Nakatanggap ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pasado alas-sais kagabi, March 21, na may gulo raw nangyayari sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.

Sangkot daw rito ang dalawang artista ng ABS-CBN.

Hanggang sa napag-alaman namin na ang mga artistang ito ay sina John Prats at Jason Francisco.

Sinuntok diumano ni Jason si John, at agad na tumakbo ang una pagkatapos ng insidente.

Si John naman ay dumiretso sa San Juan Police Station, sa may P. Guevarra St., upang maghain ng reklamo laban kay Jason.

Doon sa presinto nadatnan ng PEP ang Kapamilya actor.

Naabutan din namin doon ang rumored girlfriend niyang si Isabel Oli, ang kanyang manager na si Arnold Vegafria, at ang kanyang ama at bunsong kapatid.

OUT OF NOWHERE. Nagpaunlak ng panayam si John sa PEP at iba pang miyembro ng media, at dito niya ikinuwento ang nangyaring engkuwentro nila ni Jason.

“We were taping for Banana Split Music Museum episode," pagtukoy niya sa gag show nila sa ABS-CBN.

“Nandoon kami sa stairs nang dumating si Jason Francisco… kasama ko sina Direk Jemster [Reyes], at Enrique Gil was there also, kuwentuhan kami.

“Tapos dumating siya, binati ko siya, pero I saw him na may different mood na… medyo parang…may something, e… parang bad trip, ganyan.

“Grineet ko naman siya tapos binati niya rin naman ako pabalik.

“And then, when we are about to enter the Music Museum, in-invite ko pa siya, kami nina Direk Jemster.

“Sabi ko, ‘Doon tayo sa loob.’ Mainit sa labas, e.

“Pumasok na kami ni Direk Jemster… nauna na kami.

“Nanonood kami ng rehearsal, katabi ko si Jemster saka yung isang director pa namin. Masaya kaming nagkukuwentuhan.

"Until may sumampal sa kanan ko, from my back!

“May sumampal sa kanan ko… sobrang lakas!

“Tapos may sumapak sa kaliwa… at isa pa, bago ako nakatayo talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I was so shocked!

“Pagtingin ko, si Jason Francisco na parang demonyo na na-possessed talaga!

“Sabi ko, ‘Anong problema mo?’

“Tapos nung pa-attack na ako sa kanya, inawat na siya…

“Basta yung isang fan, yun yung kasama niya… yung fan niya na matandang babae, hinawakan na siya.

“Hinawakan na siya nung mga tao, pinaghihiwalay kami.

“Hanggang sa ako, hinawakan ako ng mga dancers.

“Pero, alam mo yung initial reaction na makabawi?

"Para akong natraydor, e.

“Parang sinapak mo ako nang nakatalikod, di ba? Na hindi mo alam kung saan ka nanggaling.”

UNINVITED GUEST. Dating kasamahan nina John sa Banana Split si Jason, ngunit hindi na ito kasama sa cast ngayon.

Pero ang ex-girlfriend ni Jason na si Melai Cantiveros ay nandoon pa rin.

Guest ba si Jason sa episode nilang iyon kaya nagpunta ito sa Music Museum?

Sabi ni John, “Hindi nga siya welcome, e. Kumbaga, everyone is welcome, pero hindi siya invited.

“Hindi siya pang-guest sa show namin. Two years na siyang wala.

“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila ni Melai."

Ang sinasabi ni John dito ay ang balitang nagkabalikan na sina Jason at Melai.

Kuwento niya ulit, “Hanggang sa paglabas ko, hinahabol ko siya… nailabas na pala siya.

“Doon na nag sink-in sa akin na, ‘Ano ba yung nangyayari?’

“Sobrang… until nung natapos yung pangyayari, hindi ko alam kung saan nanggagaling yun.”

Hanggang napag-alaman daw ni John mula sa ibang tao ang pinanggalingan ng pananakit sa kanya ni Jason.

“Apparently, yun, nung nakausap ko si Jayson Gainza, sabi niya, tumawag siya kay Melai.

“Then, si Melai, pinakausap si Jason Francisco kay Jayson Gainza.

“Ang statement daw… well, it’s a second-hand information na nakarating sa ‘kin, na may hinaing daw siya sa amin, kasi daw parang lagi daw naming inaasar si Melai, tinutukso.

“So, para sa amin, ‘Brad, barkadahan tayo, e, di ba? Parang…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Si Zanjoe [Marudo] nga, tinutukso natin na malaki ang nguso. Si Jayson Gainza, malaki ang ulo. Ako, maliit. Di ba?

“Parang, ano ba yun?

“Hindi namin alam, bakit hindi mo kami kinausap.

“And you don’t do that…you just go there, manapak ng tao dahil lang dun.

“Tapos sinabi niya pa kay Melai yata daw, ha, diumano, na parang sinabi pa ni Jason Francisco kay Melai na, “Panoorin mo itong gagawin ko.’

“So, I want to teach Jason a lesson na… you just don’t do that.”

MELAI CANTIVEROS. Ibig sabihin ba nito ay nagsusumbong si Melai kay Jason sa mga pambibiro nila sa komedyana? At nang malaman ito ni Jason ay pumunta ito sa Music Museum para gantihan si John?

Sabi ni John, “Yun ang hindi ko pa rin alam. I want to know yung side ni Melai.

“Hindi ko alam kung nagkukuwento siya or nagsusumbong siya kay Jason.

“Pero kung nagsumbong man si Melai kay Jason, ay… We feel bad.

“Pamilya tayo rito, we should talk about it, di ba?

“Lahat naman problem na pag napipikon… di sabihin mo.

“Ako rin naman, napipikon din naman ako, pero I don’t do that.

“Kumbaga sa normal, hindi lang sa Banana Split, may asaran, e.”

Ano ang nararamdaman niya ngayon para kay Melai?

“Hindi ko rin alam, e. Ayaw ko rin kasing magsabi kung ano yung nararamdaman ko para kay Melai kasi hindi ko pa siya nakakausap.

“The last time I checked, we were okay.

“So, di ko alam talaga kung ano’ng nangyayari sa kanila, sa ligawan nila, sa pagbabalikan nila, kung ano ang dapat patunayan nila sa isa’t isa…

“At huwag ninyo akong idamay doon!”

Pagkatapos ba nito ay kakausapin niya si Melai, at tatanungin kung ano ang talagang nangyari?

“Oo, gusto ko talagang malaman kung ano talaga yung nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang di ko talaga alam kung saan talaga nanggaling yun.

“Para siyang bangungot na… nakatalikod ka pa…

“Tanong ko sa sarili, ‘Totoo ba itong nangyayari?’”

NO REASON. Nagkaroon ba sila ng tampuhan o may pinag-awayan ba sila ni Jason bago nangyari ang pananapak nito sa kanya?

“Wala, e,” sagot ni John.

“Saka, ako naman kasi, kumbaga, buhay nila yun, e.

“I have new friends, kasa-kasama ko sila sa set, e.

“Ayun nga, hanggang sa dulo, nag-iisip ako kung may naagrabyado ba ako? Wala naman, e.

“At yung nangyaring rason niya, e, napakababaw naman nun, di ba?”

Inulit ni John na nagbatian pa sila ni Jason nang dumating ito sa Music Museum.

“Binati niya pa ako, binati niya pa ako.

“So, hindi ko alam kung ba’t dun pa lang sa ibaba, hindi niya ko hinamon? Bakit kailangang nakatalikod ako.”

Napansin ba niya kung nakainom o lasing si Jason that time?

“Hindi ko alam, e. Pero napansin ko lang na iba ang hitsura niya—na parang bad trip na kung ano.

“Hindi ko kasi napansin, e. Mas marami pa akong dapat isipin kesa sa kanya.”

TEACHING HIM A LESSON. Desidido raw si John na maghain ng reklamo laban kay Jason.

“Basta ako, I just want to file a case against Jason Francisco.

“Paano kung hindi ako? Hindi puwedeng gawin yun ng kahit na sino…na puntahan ang isang artista at manapak.

“E, di puwede pala yun, na pumunta ako sa set ng ano…at manapak na lang ako!

“At rason na ganun? Napakababaw naman.

“Na pupunta ka sa set ng Banana Split at gagawin mo yun? Hindi dapat yun!”

Ano ang kasong isasampa niya laban kay Jason?

Sabi ni John, “Well, pag-uusapan pa namin ng lawyer namin. Maybe we will give you statement after naming mapag-usapan.”

Halimbawang humingi ng tawad sa kanya si Jason, mapapatawad ba niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ginawa niya? Ano? Ganun? Sorry na lang?” sagot ni John.

“E, kung sapakin ko din siya tapos sabihin ko na sorry din? Ganun lang ba yun?

“Siguro dapat talagang dumaan sa law, at pagbayaran niya talaga ang ginawa niya, at hindi puwede ang excuse na dahil probinsiyano siya.

“Ano yun? Dini-degrade mo yung mga probinsiyano na ganun ang pag-iisip?

“Hindi lahat ganun, di ba? Hindi lahat ng probinsiyano ganun.”

Si Jason ay mula sa Oriental Mindoro at produkto ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother, kunsaan nagsimula ang “Melason” love team nila ni Melai.

WASTED TIME. Pinanghihinayangan din ni John ang oras na sana ay nagte-taping sila ng Banana Split, pero nandoon siya sa presinto.

“I feel bad, kasi ang laki ng ginawa niyang damage!

“Na magso-show kami sa Music Museum… malaking event ito pero ginawa niya ito.

“Wala kaming Zanjoe today… wala kaming Angelica [Panganiban]… tapos ginawa niya sa kin ito.

“Ano ‘to? Pinadala ba ito para i-sabotage yung show namin?

“But the show must go on, nandoon naman sina Pooh at Jayson Gainza to do the show, e.

“For you to do a comedy, dapat masaya ka, e.

“Pero dahil sa ginawa niya, sobrang sinira niya yung araw ko.

“Sa twenty-one years ko sa industriya, first time na may gumawa sa ‘kin ng ganito.”

May mensahe ba siya para kay Jason?

“Honestly, wala. Ayaw kong magsalita. Gusto ko umaksyon.”



ISABEL OLI. Nagkaroon din ng pagkakataon ang PEP na makausap ang girlfriend ni John na si Isabel Oli tungkol sa pangyayari.

Sumugod daw siya agad sa presinto nang malaman niya ang nangyari kay John.

Sabi pa ng Kapuso actress, “Nakakalungkot lang kasi alam ko naman, na si John, hindi naman siya ganung klaseng tao.

“Kung iiwas siya sa gulo, iiwas talaga ‘yan. Nakakalungkot lang.”

Anong suporta ang ibinibigay niya kay John?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito, ’andito lang ako hanggang matapos.

“Mamaya kasi may mga process na ginagawa para sa isinasampang kaso, like yung pagpapa-check-up niya para sa medical report.

“Sasamahan ko lang siya.”



JASON APOLOGIZES. Sa ulat naman ng Bandila kagabi, humingi na ng paumanhin si Jason kay John.

Sabi ni Jason, “Humingi ako ng paumanhin sa iyo na sana patawarin mo ako sa nagawa ko kasi alam ko na may pinagsamahan tayo.

“Sana mapatawad niya ako at ng pamilya niya.”

Umaasa ang former PBB housemate na makapag-usap sila ng dati ring PBB celebrity housemate na si John upang personal na makahingi ng paumanhin.

PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg">


PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg"> PBB housemate a "lesson"" data-url="https://www.pep.ph/news/37989/john-prats-shocked-by-jason-francisco39s-demonic-behavior-wants-to-teach-former-pbb-housemate-a-less" data-desc="Jason Francisco apologizes to John Prats." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f2ed280e2.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN