Makati RTC junks James Yap’s petition for hold departure order against ex-wife Kris Aquino and son Bimby

Tuloy na ang pag-alis bukas, March 23, ni Kris Aquino at ng dalawa niyang anak na sina Bimby at Josh matapos ibasura ng Makati RTC ang petition ni James Yap para sa hold departure order para kina Kris at Baby James.


Ibinasura ang petisyon ni James Yap para makakuha ng Hold Departure Order (HDO) para sa dating asawang si Kris Aquino at sa anak nilang si Bimby, kaya wala nang hadlang sa nakatakdang European vacation ng mag-ina, kasama si Josh, ang panganay na anak ng TV host-actress.

Nakatakdang lumipad sina Kris, Bimby, at Josh papuntang Europe bukas, Sabado, March 23.

Ayon sa report ni Zhander Cayabyab sa DZMM kanina, inilabas ni Judge Liza Marie Picardal-Tecson ng Makati Regional Court Branch 144 ang desisyon matapos ang ilang oras na pagdinig nito.

Matatandaang nauna nang naglabas ng gag order ang korte kina James, Kris, at sa kani-kanilang mga abogado upang huwag nang magsalita pa tungkol sa kaso.

Kinumpirma ng abogado ni Kris, na si Atty. Frank Chavez, ang naturang pagbasura ng korte sa petisyon ni James, pero hindi na ito nagbigay ng anumang detalye tungkol dito alinsunod na rin sa gag oder ng korte.

Hindi rin nagpaunlak ng panayam ang huwes na si Judge Liza Picardal-Tecson.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan pa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kampo ni James, sa pamamagitan ng kanyang abugadong si Atty. Lorna Kapunan, kung ano ang reaksiyon nila sa pagbasura ng korte sa kanilang petisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN