Alice Dixson’s divorce approved: "I’m smiling now but that’s just because you try to hide the pain."

Naaprubahan na ang divorce papers ng aktres na si Alice Dixson, kaya opisyal na silang hiwalay ng kanyang asawang si Ronnie Miranda. Ito raw ang dahilan ng kanilang hiwalayan: "long-standing irreconcilable differences that, over time, were difficult to work out."


Divorced na ang aktres na si Alice Dixson at ang businessman na si Ronnie Miranda.

Sa ulat ng ABS-CBN News kahapon, March 22, inamin ni Alice na ang kanyang petition for divorce sa Vancouver, Canada, noong December 2012, ay na-grant na nitong Pebrero.



TRYING TO HIDE THE PAIN. Ayon sa 44-year old actress, "It’s bittersweet, because nobody wants to have a failed anything, a failed relationship.

“It’s very difficult for both parties, but anybody who’s been through this would know what kind of experience it is. It’s very difficult.

"I’m smiling now but that’s just because you try to hide the pain."

Tungkol naman sa dahilan ng kanilang diborsiyo, ito ang sinabi ni Alice: "long-standing irreconcilable differences that, over time, were difficult to work out."

Sinabi rin ni Alice na bagamat hindi sila magkaaway ng asawa, maaga pa masyadong sabihin kung magiging magkaibigan sila.

Saad niya, "At this point, it’s so very early. It’s amicable, but it’s hard to stay friends.

“I’d like to stay friends, of course, but it’s quite early, pero hindi naman kami nag-aaway."



DATING ANEW? Sa ngayon, inamin ni Alice na may mga bago siyang nakakasama pero ayaw niyang i-label ito bilang “dating.”

Nakatakdang mapanood ang TV5 contract star sa isang epsiode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.

Nagpahayag si Alice ng kanyang pasasalamat sa mga executives ng TV5 sa pagpayag nito na lumabas siya sa ibang istasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN