Empress Schuck on her March 2013 FHM Philippines cover pictorial: “Mukha ba namang pagrerebelde itong mukhang ito? Hindi talaga.”

Empress has just finished shooting Tuhog with Enchong Dee and Eugene Domingo, and is slated to portray another kontrabida role in ABS-CBN’s Huwag Ka Nang Mawawala.


Si Empress Schuck ang tampok na covergirl ng March issue ng FHM Philippines, at dito ay ipinakita ng 20-year old actress ang kanyang kaseksihan sa pictorial na ginawa sa Boracay.

Ano ng nagtulak sa kanya para gawin ang sexy beach pictorial for FHM?

Bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Ang Latest ng TV5, “Well, first of all, I wanted to show people that this is the new Empress. And I just turned 20, siguro naman sapat na yun, di ba?”

“Wala namang… hindi na [ako] minor and nagkataon din na nag-offer yung FHM nung concept na sa tingin ko naman tamang-tama lang for me. So nangyari yun, I grabbed the opportunity na.”

Matagal ba niyang pinag-isipan ang pagsabak sa isang mapangahas na pictorial para sa isang men’s magazine?

Lahad niya, “Kasi noong mga bagets pa ako, 17, 18, wala pa talaga siya sa isip ko. Pero since sa showbiz hindi naman talaga mawawala yun, di ba?”

“And before, hindi naman din ako ganyan ka fit, di ba, so iniisip ko na siguro darating yung time na kapag nasa tamang panahon na lahat, siguro mangyayari’t mangayayari talaga ‘to…

“So, nag-prepare na ako sa sarili ko, nung nag-18 ako, talagang nag workout ako and nag-gym and nag-diet ako para pag dumating yung ganitong pagkakataon, handa ako.

“And so now na ito... nangyari na. At least, medyo I can say naman na medyo naging handa naman ako.”

Nakausap ng PEP at ng Ang Latest si Empress sa autograph signing nito last Saturday, March 16, sa may Robinsons Galleria Movieworld, Ortigas.

PAGRE-REBELDE? Alam kaya ng mga magulang ni Empress na magpu-pose siya sa number one men’s magazine ng bansa?

Sagot niya, “Siguro yung part na yun, yung manager ko na yung kumausap sa family ko, sa parents ko pero yung parents ko naman they’re very supportive naman and so wala namang naging problema.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang manager ni Empress ay si Becky Aguila.

Masaya pa niyang kuwento na nakita na rin ng kanyang mga magulang ang kanyang cover pictorial.

Lahad niya, “Yes, si Mama natuwa, kasi natuwa siya naging maganda yung resulta na nakita niya na inaalagaan ako ng FHM, and si Papa, siyempre bilang isang lalaki, medyo nag-worry nang kaunti, kasi may alam naman siya talaga tungkol sa mga men’s magazine.

“Pero ini-explain naman [ni Mama sa Papa ko] ‘Na hindi naman [dapat mag worry] kasi naman before naman naming ginawa ’to, before naman pumayag si Empress nag-usap-usap naman talaga na this time kakaibang FHM... kakaibang concept yung gagawin nila for me.”

Pero gaano kaya katotoo ang balita na ang pagpayag niyang mag-pose sa FHM ay pagpapakita ng kanyang pagre-rebelde sa kanyang magulang?

Gulat na tugon niya, “Hindi, hindi talaga kasi mukha ba namang pagrerebelde itong mukhang ito? Hindi talaga.”

“Gusto ko lang talagang ipakita sa mga tao na, ayun, na right now…na right now kaya ko nang mag–accept ng mga more mature roles na hindi ko pa talaga kayang gawin dati. So, mas naging mature na ako bilang isang artista, bilang isang tao.”

NO PHOTOSHOP. Gaano ba ka-sexy si Empress sa inside pages ng magazine?

Saad niya, “Well, ang masasabi ko lang, wala namang masama mag-swimsuit sa Bora, di ba, kaya ito marami kaming…first time na nag two-piece [ako] sa magazine…actually hindi lang sa magazine... sa lahat.

Sa tingin ba niya, walang in-edit o pinoto-shop sa kanyang mga larawan?

Tugon niya, “Para sa akin, nakikita ko na wala talaga, ewan ko po pero feeling ko medyo may pagka-malaman nang kaunti.

“Pero sabi naman nila yung pagkakalaman parang bumagay naman, so masasabi ko na hindi nila ako masyadong pinapayat o wala silang masyadong in-edit. So, happy naman ako.”

Dagdag pang tanong sa kanya ng PEP: yung katawan ba niya ay walang retoke?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Opo naman, proud akong sabihin yun, dahil wala naman akong pinabago. Wala talaga.”

Anong gusto niyang ipabago kung sakali?

Lahad niya, “Sana hindi dadaan sa ganun ’no? E, happy ako sa binigay ni Lord sa akin, tsaka ayoko nang dumaan sa mga masasakit na karayom, kaya okay na ito.”

MORE DARING PRINCESS. Ngayong sumabak na siya sa isang sexy magazine cover, maasahan ba ng mga fans ang more mature roles at more sexy projects?

Saad ni Empress, “Definitely, more mature roles. Yung mga roles and characters na magpapakita ng versatility ko bilang artista, as an actress, more on sa mga challenging roles and characters.

Dagdag pa niya, “Yes, meron. Actually, bago ko ginawa ’tong FHM, sinu-shoot namin ito at kakatapos lang namin i-shoot.

“Ito yung Tuhog, under Star Cinema, makakasama ko si Enchong Dee dito kaya sobrang kakaiba yung Empress dito. Kasama ko rin dito sina Eugene Domingo, Leo Martinez.

“Di ba title pa lang, sexy na?”

Ano kaya ang istorya ng Tuhog?

Aniya, “Well, trilogy siya, mga tatlong istorya na magko-konek siya and yung storya, isang storya dun yung sa amin ni Enchong, mag boyfriend-girlfriend kami dito tapos yung story namin para kaming… Mga virgin kami, tapos gusto naming gawin sa first anniversary namin [yung sex].

“Dun iikot yung istorya naming dalawa, dun makikita kung magagawa ba namin, may maipapakita ba kami, may mangyayari ba… so ayun.

“Para siyang tinatawag nilang black comedy—comedy siya since andun sila Miss Eugene, pero may twist, may drama, and not sure lang kung ano yung black comedy, but definitely may comedy.”

TIRED OF WAITING FOR THE BIG BREAK? Di ba siya natakot sa desisyon niyang magpaka-daring dahil baka makatanggap siya ng mga indecent proposal? At sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa move niyang ito?

Aniya, “Well, sa akin, before ako gumawa ng kahit na anong move talaga namang kinukonsulta ko muna yung manager ko, si Tita Becky and, of course, Star Magic, and my family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And itong nagawa ko sa FHM ay siguro naman, nakita naman siguro ng lahat ng tao, na hindi naman talaga ganun kalaswa.

“At ang talaga namang pinaghandaan at pinag-isipan at kung sa akin, hindi naman ako gagawa ng isang move na hindi talaga pinag-isipan.”

Matagal-tagal na rin sa showbiz si Empress, pero hindi pa talaga siya nakapag-bida o nabigyan ng proyekto na masasabing kanya. Napagod ba siya sa kaka-antay ng kanyang break kaya ginawa niya ang paglabas sa FHM?

Saad niya, “Well, hindi naman po kasi darating at darating naman po yun, pero itong move na to isa lang po yun sa mga, kumbaga, makakatulong... or kaya pa kong ipakita.”

How far can she show of her body?

Tugon niya, “Siguro, masasabi ko po na, right now, ito po muna. Nasa umpisa pa lang tayo, so kailangan po natin siyempreng dahan-dahanin.”

Kaya na rin ba niya ang mga eksenang may bed scenes at kissing scenes sa telebisyon?

Lahad niya, “Depende po, kasi lahat naman po ng mga shows na may mga artistang umaakting inaalagaan naman po nila [production] yung artista, yung storya.

"So, depende po kung isa siyang magiging challenging role para sa akin. Why not?”

EMPRESS, THE KONTRABIDA. Kahit ilang linggo lang ang kanyang role bilang Adrianna sa ABS-CBN primetime show na Apoy Sa Dagat, maraming humanga sa ipinakita niyang galing sa pagiging kontrabida.

Masaya naman si Empress sa feedback ng mga tao sa kanyang pag-arte.

Aniya, “Ayun po, isa rin po sa pinaka-mature role for me, first time ko pong maging kontrabida.

"So, ayun masaya ako na marami akong…na maraming nagaganap sa akin nga na hindi ko pa nagawa dati, and proud naman po ako na achieve ko naman po lahat.”

Matapos daw nito, isa pang kontrabida role ang kanyang tinanggap at malapit na daw itong magsimula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang role dapat ni Jessy Mendiola, na napunta sa kanya, sa seryeng ‘Against All Odds.’

Clueless daw siya kung bakit pinalitan si Jessy, pero masaya raw siya sa panibagong hamon na ito sa kanya.

“Opo, ang title na po niya ay ‘Huwag Ka Nang Mawawala.’ Iba na po ang title niya.

“Ang role ko dun ay si Irish, anak ako ni Miss Coney Reyes and Tirso Cruz III, at kapatid ni Sam Milby. Makikilala ko si Joseph Marco bilang Leandro at siya ang magiging bago kong ka-love team.

“Kapatid siya ni Judy Ann Santos, bilang Anessa, at magiging brat ako pag makilala ko si Joseph. Pero mabait ako sa pamilya at masunurin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN