Eula Valdes on reprising her famous Amor Powers role: “Hindi na, huwag na lang, huwag nang galawin yun, di ba? Masaya na ako dun.”

Eula on the continuing popularity of her Amor Powers character: “May friend nga ako [from Malaysia] nagkuwento siya sa akin, na parang may pinuntahan siya and nanghihingi siya ng discount and siyempre tiningnan yung passport niya na nung nakitang Filipino sabi daw, ‘You Know Amor Powers? I will give you discount if you know Amor Powers.’ E, kumare ko siya, ipinakita daw niya yung picture namin.”


Back to being sporty ngayon ang magaling na aktres na si Eula Valdes kaugnay na rin sa kanyang bagong seryeng Cassandra: The Warrior Angel ng TV5.

Kuwento niya, “Sporty na talaga, dati pa bata pa lang ako. Member ako ng track and field ng UST high school, nag varsity din ako ng volleyball, nung grade school and noong hindi pa nag open yung track and field nung girls dun sa UST, nag volleyball muna ako.”

Sa ngayon, sa Muay Thai naman naka-focus si Eula.

Kuwento niya, “Siyempre ayoko namang magmukhang tanga, pagka gumawa ng mga fight scenes at saka nag Muay Thai na ako before pero ano lang yun... with friends, hindi ko naman siya tinuloy at ito nga recently na may chance na nakapag Muay Thai ulit.”

Ito daw ay bilang paghahanda niya sa kanyang role sa nalalapit na serye ng Kapatid Network na Cassandra: The Warrior Angel na pinagbibidahan ni Eula Caballero.

Aniya, “A, ano ito, e... mga warriors kami na may mga special powers ganyan-ganyan... siyempre labanan ng masama at mabuti ganyan, marami kaming mga fight scenes.

Hindi naman daw ito ang unang pagganap niya bilang warrior dahi, “Meron na akong nagawa before hindi lang masyadong na-magnify yung warrior na character, i think dito mas seryoso.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Ang Latest si Eula sa dressing room ng TV5 Broadway Studio last Tuesday, March 19 kung saan isa siya sa mga guest judges ng Talentadong Pinoy.

WORKING WITH NEWBIES. Kilala sa pagiging versatile si Eula, puwede siyang maging bida at puwede rin siyang maging kontrabida at kahit saan man sa dalawa siya isabak, napatunayan na niyang kaya niyang ipakita sa publiko ang husay niya.

Pero, dito sa bagong serye ng Kapatid Network, marami siyang makakasamang baguhan, paano kaya ang atake ni Eula dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang-una sabi niya, “Nag-workshop na kami two days and yung una bonding, tapos yung pangalawa in character na namin dun sa soap ang winorkshop namin.”

Hindi naman daw siya magdadamot na mag-share ng kanyang mga natutunan sa pag-arte kung ito ay hingin sa kanya.

Lahad niya, “Only when I’m asked to, kung anong opinyon ko or whatever pero yung unsolicited advice hindi, kasi para namang ang yabang ko naman... siyempre kanya-kanyang diskarte yun.”

Hindi naman daw nahirapang mag-adjust si Eula sa panibagong tahanan niya dahil “same old faces” naman daw halos ang kanyang mga makakasama.

Saad niya, “Okay naman kasi some of the people that I’m going to be working with nakasama ko na before kahit noong nasa Dos [ABS-CBN] pa ako.

“Mga taga-Dos din yung iba na lumipat, eventually nag-Siyete [GMA-7] and dun din ako and then nandito rin sila sa singko [TV5], mga nakatrabaho ko na rin, mga mababait sila.”

‘AMOR POWERS’ IN MALAYSIA. Maglalabing-dalawang taon na mula nang matapos ang matagumpay na seryeng Pangako Sa’Yo ng ABS-CBN kung saan gumanap siyang Amor Powers pero hanggang ngayon ay patuloy pang hinahangaan ang kanyang character sa iba’t ibang bansa na ipinapalabas ang soap.

Sa ngayon nga, patuloy pang napapanood sa Malaysia ang Pangako Sa ’Yo.

Lahad niya, “Oo matagal na yun, and yung latest na nakakataba ng puso ay yung Malaysia, gagawa sila ng sariling version with Malaysian actors.”

Dagdag pa niya, “May kakilala ako sa Malaysia and sinasabi niya na parang inuulit-ulit ngayon sa hapon at gabi or umaga at hapon yata yung pagpapalabas dun sa isang araw.”

At sabi niya, ikinuwento sa kanya ng kanyang kaibigan kung gaano kasikat si Amor Powers sa naturang bansa.

Saad pa nito, “Oo, may friend nga ako nagkuwento siya sa akin, na parang may pinuntahan siya and nanghihingi siya ng discount and siyempre tiningnan yung passport niya na nung nakitang Filipino sabi daw, ‘You Know Amor Powers? I will give you discount if you know Amor Powers.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, kumare ko siya, ipinakita daw niya yung picture namin.”

Pero, nanghinayang naman si Eula na hindi niya mapagbigyan ang imbitasyon sa kanya sa Malaysia para makahalubilo ang kanyang mga fans dahil nakatakda nang mag-taping ang new soap niya sa TV5.

Lahad niya, “Merong invitation dapat itong March 28 pero nagka problema kasi nga magsa-start na kami sa taping ng Cassandra. Siyempre ito muna para maka take off muna yung bagong palabas, kaya sayang.”

Willing kaya siya to do another Amor Powers? Wika niya, “Hindi na, huwag na lang, huwag nang galawin yun, di ba baka nga makakasama pa or ano okay na yun, masaya na ako dun.”

STAYING POWER. Ano kaya ang sikreto ng staying power ni Eula kung bakit magpahanggang ngayon ay in-demand pa rin siya sa mga markadong karakter sa telebisyon?

Lahad nito, “Siguro pakikisama lang, ganun naman kasi siyempre pag marunong kang makisama gusto ka ring makasama ng ibang taong nakakasama mo, di ba? And ganun na nga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN