Heart Evangelista on her parents’ disapproval of Chiz Escudero: “Kung gusto n’yong magkahiwalay kami, hayaan n’yo na lang akong makapagdesisyon nun, please!”

Heart Evangelista on her parents’ allegations against Senator Chiz Escudero: “Because gusto nila kaming paghiwalayin. Lahat naman siguro ng ginagawa nila ngayon dahil para maghiwalay na kami. Iyon lang siguro yung nakikita kong dahilan. Wala na akong ibang nakikitang dahilan.”


Live na nag-guest si Heart Evangelista sa H.O.T. TV ng GMA-7 kaninang hapon, March 24, upang sagutin ang mga katanungan hinggil sa isyu sa pagitan nila ng kanyang mga magulang na sina Cecilia at Rey Ongpauco bunga ng pagpapatawag ng mga ito ng presscon upang isapubliko ang pagtutol ng mga ito sa kasintahan niyang si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Unang tinanong ng H.O.T. TV host na si Raymond Gutierrez kung bakit nagdesisyon na sa wakas si Heart na magsalita tungkol sa eskandalo.

“Siguro dahil masyadong madami nang nasasaktan, aside from me siguro.

"Nahihiya na rin ako sa ibang mga taong nadadamay kaya I decided to speak today,” ang umpisang pahayag ni Heart.

Matapos nito ay ipinalabas ang videos ng interviews kay Mrs. Ongpauco, at kitang-kita sa kamera na panay ang iling at iyak ni Heart habang pinapanood ang interview sa kanyang ina.

Paano nakakaapekto sa kanila ni Senator Chiz ang kontrobersiya?

Sagot ni Heart, “I think si Chiz, siyempre nai-stress siya, it’s election pero mas concerned siya sa akin kasi pamilya ko yung nasa TV ngayon, so…

“Hindi naman kami masyadong nagpapadala siyempre, kailangang matatag pero mahirap lang talaga para sa akin.”

Sa Twitter account ni Heart ay nag-post ang aktres ng mensaheng ito: “Today, tomorrow and the next will bring me heartaches. Why try to take away my happiness.”

Sa tingin ba niya ay pilit na inaalis ng kanyang mga magulang ang kanyang kaligayahan?

“Sa tingin ko, dahil magulang ko sila, gusto nilang mapunta ako sa mabuti at gusto nilang maging masaya ako.

“Sa umpisa okay lang po iyon dahil siyempre hinahanap mo pa yung sarili mo, kung sino ka talaga sa mundong ito.

“You grow and you learn but there comes a time when you have to choose what makes you happy,” umiiyak nang sabi ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So medyo mahirap, actually mahirap na nandito ako ngayon dahil mahal na mahal ko sila, mahal na mahal ko yung magulang ko at ginagawa ko ang lahat-lahat.

“Pero sana, hayaan na lang nila akong maging masaya, yung walang kokontra at walang pipigil kung anong nagpapatawa sa akin.

“Ngayon lang naman ako humingi ulit.”



WHAT STARTED IT ALL? May insidente ba na nag-trigger para biglang magpatawag ng presscon ang kanyang mga magulang?

“Wala," tugon ni Heart.

"Nung umpisa walang problema, yung una silang nagkita... in fact walang problema yung daddy ko, naging maayos kami, pumunta pa nga kami sa beach house niya.

“Naging maayos talaga kami, ito lang talagang nakaraang araw biglang naiba.

“Sa mommy ko alam kong mahal na mahal niya ako at sa lahat ng mga pinagdaanan ko nandiyan siya para sa akin.

“Pero siguro hindi lang siya ready ako i-let go.

“Kung may isang tao na makakaintindi sa kanya, ako yun dahil anak niya ako.

"Kaya nga pag may nasasabi tungkol sa kanya nasasaktan ako dahil mahal ko siya.

“Kaya sana matapos na lang ito kasi wala naman din akong ginagawang mali... wala.

“Kung may ginagawa akong mali, I’m sorry, hayaan n’yo na lang akong matuto on my own.”



DENIES ALLEGATIONS AGAINST CHIZ. Totoo bang naging bastos si Senator Chiz sa kanyang mga magulang? Na hindi ito bumabati sa mga magulang niya kapag dumadalaw sa condo nila o sa set ng Forever na show ni Heart?

Sabi ni Heart, “Hindi talaga totoo.

"Senator siya, kung ibang tao nga ginagalang niya, yung mas mababang tao nga nandiyan siya para sa kanila, ano pa kaya yung magulang ng taong mahal niya?”

Meron bang kahit isang insidente na medyo hindi naging karapat-dapat ang mga aksyon ni Senator Chiz sa harap ng kanyang mga magulang?

“Wala, wala talaga.

"Kung may incident siguro, yung ako na lang siguro nahihirapan ako dahil nahihirapan yung isa, tapos yung iba ayaw sa kanila, hindi namamansin, gustong lumapit nung isa pero ako na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiipit ako pero wala talagang incident na… wala,” diin niya.

Meron daw drinking problem si Senator Chiz; lagi raw itong lasing?

“That is a lie!” mabilis niyang tanggi.

“At lahat ng… ayokong sabihin it’s a lie kasi ayokong insultuhin sila.

"Ang hirap talaga ng posisyon ko ngayon pero kung anuman ang nasasabi tungkol sa amin at sa kanya, hindi totoo yun.

“Ang saya-saya namin, e... ang saya-saya ko ngayon. Hindi ko maintindihan,” ang patuloy pa ring humahagulhol na sinabi ni Heart.

“Kung gusto n’yong magkahiwalay kami, hayaan n’yo na lang akong makapagdesisyon nun, please!”

Isa pa raw sa mga dahilan kung bakit ayaw ng mga magulang ni Heart kay Senator Chiz ay dahil wala pa itong church annulment.

May plano na ba silang magpakasal?

“Tulad ng sinabi ng mommy ko, wala nga siyang church annulment, pero lahat naman siguro ng papasukin mong relasyon, gusto mo iyon ang ending.

"Darating din yun, alam naman namin yun.

“Bakit pa kailangang gamitin yun laban sa amin?”

Sa gitna ng eskandalo, umalis si Heart sa kanilang tinitirhang condo.

Paliwanag niya, “Nahihirapan ako. Bahay ko yun, e. Wala akong gamit pero paano ako uuwi sa ganun?”

Sa palagay ba niya ay overprotective ang mga magulang niya sa kanya ng walang dahilan?

“May reason sila dahil mahal nila ako, at ako lang siguro ang makakaintindi noon.

"Mahal na mahal nila ako at mahal na mahal ko din sila.

“Tama na!”



REASONS BEHIND ALLEGATIONS. Sa sinabi ng mga magulang niya na "bastos" si Senator Chiz at "laging naglalasing," sinabi ni Heart na iyon ay kasinungalingan. Bakit kaya ito nasabi ng kanyang mga magulang?

“Because gusto nila kaming paghiwalayin," sagot niya.

"Lahat naman siguro ng ginagawa nila ngayon dahil para maghiwalay na kami.

“Iyon lang siguro yung nakikita kong dahilan. Wala na akong ibang nakikitang dahilan,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ng ina niya na mahilig ni Heart sa “you-and-me-against-the-world” syndrome na nangyari rin daw sa kanyang mga nakaraang relasyon.

“It’s not true!" bulalas ng aktres.

"Sino bang gustong malayo sa iyo yung taong mahal mo? Ibinibigay ko sa kanila lahat ng gusto nila para maging masaya sila.

“Madaming mabubuting tao… I’ve lost a lot of great people in my life because I chose them [her parents].

“Who would want a ’you and me against the world?’

“Ang saya-saya kong tao, gusto ko lahat masaya.

“Sino naman ang may gusto nun?” dagdag niya.

Ano ang reaksiyon ng kanyang mga kamag-anak at family members sa sitwasyon?

“Nahihirapan sila.

"Tulad ng sinabi ko kanina, kapag lumalabas ito, kami lang siguro ang makakaintindi at masasaktan din para sa mommy ko at sa daddy ko, so halu-halo ang nararamdaman namin ngayon dahil mahal namin sila.

“Paano kami… magagalit ka, masasaktan ka, and at the end of the day, maaawa ka din dahil mahal lang nila ako.

"Ako lang ang makakaintindi nun.”

Ayon sa mga magulang ni Heart ay hindi raw sila nakikialam sa lovelife niya.

Sagot dito ni Heart, “Everytime a relationship would end, a big reason would be dahil nahihirapan akong ihati yung sarili ko sa mga taong nagmamahal sa akin at sa taong gusto kong ipagtanggol.

“Pero hinahayaan ko na lang, nagpaparaya na lang ako dahil pareho kong naman silang mahal.

"Para maging masaya na kung sinuman ang kasama ko nun at huwag na siyang mahirapan hahayaan ko na lang siyang umalis.

“Para maging masaya na lang yung magulang ko, dahil mahal mo sila... dapat ganun ang pamilya, di ba?”

Kapag in love daw ang isang tao ay bulag ito sa ilang mga bagay; may kapintasan ba si Senator Chiz na hindi nakikita ni Heart dahil nagmamahal siya?

“Hindi na siguro ako ganung mag-isip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Madaming beses na rin akong umiyak sa mga taong nawala sa akin. Marami na rin akong natutunan sa buhay.

"Hindi na rin ako bata para hindi makita ang mga bagay na hindi para sa akin.

“All they just have to do is to trust me, that I need to live my life.

“Kung sa tingin ko tama po ako, gagawin ko, kung magkamali ako, di magkamali pero sana nandun pa rin sila kahit mangyari yun.”

Sabi nga niya ay gusto silang paghiwalayin ng mga magulang niya; bakit hindi siya kinausap ng mga ito nang pribado? Sinubukan ba ng mga magulang niya na kausapin siya in private bago nagpatawag ang mga ito ng presscon?

“No. siguro baka… hindi ko alam kung bakit nila ginawa yun.”



MIRIAM’S SENTIMENT. Ipinarinig din kay Heart ang phone interview kay Senator Miriam Defensor-Santiago. Kaibigan nina Heart at Senator Chiz si Senator Miriam at isa siya sa mga naging tulay upang magkalapit ang dalawa.

Ayon kay Senator Miriam, parang anak na babae na raw ang turing niya kay Heart.

“Because Heart, let’s say is my surrogate daughter if I would have a daughter, you know.

"So I thought I could have a mother-daughter relationship with her.

“I’m very, very disappointed, in fact depressed that things have turned out this way.

“I think Heart is in a state of rebellion against her parents.

“Let’s just say that in the end I’m glad I never had a daughter.

“Ang hirap pala magkaanak ng babae.

“The thing is I am close not only to Heart but also to her family, so I don’t want to take sides.

“This is a very highly emotionally-charged situation but it would impact not only the political fortune of Chiz but even the marketability or the market appeal of Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Amuin mo na lang yung mga magulang para wala ng problema. Why can’t he do that? That is our culture. May kasabihan tayo, ligawan mo ang magulang muna.

“Plus I know for a fact that the father is now seventy years old and is beset with many middle-age diseases.

“And maybe it’s time for the family to let go of Heart because she is twenty-eight.

“If she hasn’t learned anything after all those series of boyfriends that the media has publicized, she’ll never learn it.

“I told her mother, I think the best thing to do is let go.

“She has to learn her lessons her way,” giit ng senadora.

Ano ang reaksiyon ni Heart sa mga sinabi ni Senator Miriam?

Sagot ng Kapuso actress, “I haven’t spoken to her because I’m afraid that just like some people, baka kumampi siya sa kanila [her parents].

"Pero hindi naman pala, so thank you.

“Maybe… ang hirap kasi, e, maraming mga bagay na hindi ko kayang sabihin dahil ayokong masaktan ko yung mga magulang ko.

“Pero kung anuman yun, ginawa talaga namin lahat to show them na nirerespeto namin sila.

“Talagang ginawa namin lahat, ginawa din ni Chiz lahat.

"Kaya hindi ko talaga alam kung ano’ng mangyayari,” pag-ulit ni Heart.

Maapektuhan daw ang political fortune ni Senator Chiz; worried ba si Chiz dito?

“Basta nasa tama ka, wala ka dapat ikatakot.

"Pero ang mas nasaktan lang ako at mas nahihiya ako sa kanila, nahihiya ako sa pamilya niya,” at lalo na namang umiyak si Heart.

Dagdag niya, “Ang bait-bait nila sa akin para mangyari ito. Ang daming nadadamay, nahihiya ako.”



ADVICE FROM CHIZ. Ano ang payo sa kanya ni Senator Chiz?

“He said to do what I think is right.

"Na galangin ko sila, na huwag akong mag-alala dahil lilipas din ito basta gawin mo kung ano ang tama, ano’ng tama sa puso mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May gagawin bang hakbang ang senador para ma-appease o suyuin ang mga magulang ni Heart?

“Nagawa na naming lahat, e.

"Ayaw na nila sa amin. Ayaw nila kay Chiz.

"Hindi naman puwedeng ipilit ang isang bagay kung ayaw talaga.

“Siguro ang best talaga is after this, mananahimik na po ako, si Chiz, at hahayaan na lang namin na lumipas dahil lahat ng tao nasasaktan ngayon.

"Hayaan na lang nating lumipas ito and it will all fall into place in God’s time.”

Gaano katagal na lalayo muna si Heart sa mga magulang niya para “lumamig” muna ang kanyang mga magulang?

“The last time na nangyari ito, nung sa amin ni Jericho [Rosales], they didn’t want to see me for three years.

"I don’t know where and what will happen now.

“Kasi ako din nasasaktan pero dinala tayo ng magulang natin dito sa mundo para mahalin din sila at para ma-miss sila at mami-miss ko sila.

"Pero hindi ko rin alam kung paano ang mangyayari.

“Gagawin ko na lang siguro yung tama, yung hindi makakasakit ng kahit sino.”

Mahal na mahal si Heart ng ama niya, na sa ngayon at seventy years old ay may mga karamdaman.

Ano ang mensahe ni Heart sa kanyang ama na si Mr. Rey Ongpauco?

“I love you very much! I know you’re watching me now.

"Okay naman tayo, please relax and feel better kasi iyon lang ang magagawa nating lahat, ang ikalma ang sarili natin.

“At sana magdasal siya na lumabas na lang lahat ng kung ano ang totoo para malinawan siya.

"Kasi siya naman talaga yung kakampi ko kahit kailan e,” ang patuloy pa ring umiiyak na sinabi ni Heart.

HEART’S ADVICE TO HER MOM. May mensahe rin si Heart para sa kanyang ina na si Cecile Ongpauco.

“Why? Why are you doing this?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahal na mahal naman kita, hindi naman kita iiwanan. Wala naman sa usapan na iiwan kita.

“Anak mo ako, pamilya tayo, tama na! Tama na ho.

“Walang mananalo dito, lahat tayo nasasaktan, lahat tayo talo dahil nawala tayo sa isa’t isa, we lost each other.

"Walang mananalo, tama na.”

MESSAGE TO CHIZ. Ang mensahe niya para kay Senator Chiz…

“I’m so sorry, I’m so sorry. I’m so sorry kung nadamay ka.

“Napakabuti mong tao and I’m so sorry to his family at sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

"Sana suportahan ninyo siya dahil napakabuti niyang tao.

“Nahihiya ako sa inyong lahat.

“Thank you for having the courage to stand by my side dahil yung iba nahirapan, so thank you so much!”

Sa anong paraan gustong matapos ni Heart ang lahat ng ito?

“I honestly don’t know how it will end.

"All I know is I will do what is right, what is in my heart.

"I will pray a lot, powerful naman ang prayers, di ba?

“And maybe in time it will end, but I will just continue to do what I think is right.

"Basta wala akong nasasaktan at wala akong natatapakan, itutuloy ko kung ano sa tingin ko ang tama at magpapasaya sa akin at magpapasaya sa iba.”

HEART’S MESSAGE TO THE PUBLIC. Nagbigay rin ng mensahe si Heart sa publiko…

“I’m so sorry for this because… na sana matapos na siya.

“At sa mga taong nakikisakay pa, nilalapitan pa yung mga magulang ko para sa sarili nilang intensiyon, tama na!

“Nakakasira kayo ng pamilya. Malapit na nga siyang masira kung wala ako dito, kung nag-give up ako, masisira na siya kaya tama na.

“Sa mga gustong mag-abuse ng mga nangyayari sa amin para sa kanila, tama na, tama na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN