Sheena Halili on posing for FHM: “Hindi ko kaya. Hindi ko pa nakikita yung sarili ko.”

Naghihintay ba si Sheena Halili na kumbinsihin pa siya ng kaibigang si Marian Rivera na mag-pose sa FHM? Sagot niya: “Hindi naman, hindi naman. Baka huli niya akong i-convince kasi alam niyang late bloomer ako, e.”


Wala pa sa isip ni Sheena Halili ang mag-pose para sa FHM.

“Hindi ko pa naiisip ‘yan, e,” sagot ni Sheena sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) in our recent interview with the actress sa set ng Indio, kung saan gumaganap siya bilang si Mayang.

Pero inamin niyang naalok na siya ng naturang men’s magazine mula sa Summit Media.

“Tinatanong ako ng [GMA] Artist Center."

Ayaw ba niya talaga?

“Hindi ko kaya. Hindi ko pa nakikita yung sarili ko.

“Ayokong magsalita ng patapos na ayokong magpo-pose sa ganoon,” ayon pa rin kay Sheena.

Kasi marami naman ang nagsabi ng “no” pero nandoon na.

“Tingnan natin, di ba? Why not? Kung ili-lead ako doon.”



FRIENDLY PERSUASION. Malapit na kaibigan ni Sheena si Marian Rivera, na naging cover girl ng February issue ng FHM.

Balita pa ngang si Glaiza de Castro na co-star ni Marian sa Temptation Of Wife ay kinumbinsi rin ni Marian na mag-pose for FHM.

Kinumbinsi rin ba siya ni Marian?

Sagot ni Sheena, “Hindi naman, hindi naman.

"Baka huli niya akong i-convince kasi alam niyang late bloomer ako, e.

“Ako yung pinaka-late, e, sa lahat ng bagay!”



FIRST AWARD. Sa Golden Screen Awards last March 1 sa Teatrino sa Greenhills, pareho silang tumanggap ng acting trophies ni Marian.

Si Marian bilang Outstanding Performance by An Actress in a Drama Series para sa Amaya, at si Sheena bilang Outstanding Supporting Actress in a Gag or Comedy Show para sa Tweets For My Sweet.

“Di ba, perfect? Kaya lang hindi ko na siya naabutan [sa awards night].

“Kasi ano, may six a.m. ako dito sa Indio so umalis ako agad kasi alas-tres ang alis ko, e.”

Ano ang pakiramdam na makasugit ng first acting award?

“Ano... nandito pala ako... alam mo yun? First ko.

“Masaya! Blessing, first ko, napansin din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TWO-YEAR CONTRACT. Biniro namin si Sheena na dahil may acting award na siya ay puwede na siyang magtaas ng talent fee niya.

Pero aniya, “Kakaano nga lang ng contract ko e, kakaayos pa lang.”

Ilang taon?

“Ano e, next year, hanggang next year.”

Isang taon lang ang kontrata niya?

“Actually hindi. Nakapirma na ako pero parang inayos lang yung kontrata ko.”

Naging dalawang taon na ang pinirmahan niyang kontrata sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN