Raymart Santiago says he and Claudine Barretto will become stage parents in case their children join showbiz

Nananatiling loyal si Raymart Santiago sa GMA-7. Paliwanag niya, “Sabihin na lang natin na hindi naman nila ako pinababayaan since nagsimula ako dito in 2002 sa Kool Ka Lang. Hindi ako humihingi ng project, tinatawagan na lang nila ako kapag may story na bagay sa akin.”


Isinabay na sa pictorial ng upcoming fantasy series na Home Sweet Home ang pocket interview ng buong cast sa Studio 1 ng GMA Network Center noong Sabado, March 23.

Unang binati ng entertainment press ang magandang pangangatawan ngayon ni Raymart Santiago, isa sa mga bida ng bagong telefantasya ng GMA-7.

Bakit nga ba ganun pa rin kaganda ang katawan niya? Nagda-diet ba siya?

“I’m turning forty years old na rin, hindi ako nagda-diet,” sagot ni Raymart while eating his lunch.

“I can eat anything, kaya lang may sukat lahat ’yon—vegetables, meat, fish—kung ilang calories ang dapat kong makain in a day.

“May gumagawa sa akin noon… may exercise din ako."



LOYALTY. Naungkat naman kung bakit nananatili siyang loyal sa GMA Network sa loob ng mahabang panahon.

Mula noong 1998 ay nananatiling Kapuso si Raymart.

“Napansin ninyo? Hindi ko napansin,” masayang sagot ni Raymart.

“Sabihin na lang natin na hindi naman nila ako pinababayaan since nagsimula ako dito in 2002 sa Kool Ka Lang.

“Hindi ako humihingi ng project, tinatawagan na lang nila ako kapag may story na bagay sa akin."

Patuloy niya, “October pa iyong last drama series ko, book one and two ng Luna Blanca.


“Dapat gagawin namin iyong Mrs. Snow White a month ago, pero sa storycon pa lang, nag-decide na kaming huwag ituloy dahil masyadong mahirap for Carla Abellana.

"All throughout ng serye, naka-prosthetics siya.

“Siguro kung movie, puwede, pero sa TV, kung sixteen weeks ito tatagal, three times a week taping, kawawa naman si Carla.”



KEEPING BUSY. Sabi pa ni Raymart, kung may offer man daw sa ibang network, hindi niya ini-entertain dahil wala naman siyang balak lumipat.

So, ano ang pinagkakaabalahan niya kung wala siyang ginagawang project?

“Bukod sa mas may time ako sa family ko, sa mga anak ko, personal din akong nakakapag-manage with my friends ng restaurant naming Red Garlic sa Katipunan Road sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Soon, magbubukas na kami ng branch nito sa The Fort.

“Hindi rin ako nawawalan ng raket sa aking Helivision company… na kumukuha ng mga aerial shots na hindi kayang i-shoot ng camera kung gagamit lamang ng crane.

“Ilang taon ko na ring ginagawa ito using a small helicopter na may kamera.

“Mahusay ang piloto ko at ako ang nasa monitor… through remote control ako ang nagsasabi sa piloto kung ano ang gagawin.

“May mga commercials na rin akong nagawa, weddings... tulad ng kasal noon nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez."

Ilan daw sa mga pelikula na ginamitan ng HD 500 ay ang Thy Womb, “Lost Command” episode ng Shake, Rattle & Roll 14,at El Presidente.

Katatapos lang din daw nila ng Raketeros na idinidirek ng kapatid niyang si Randy Santiago.

“Ako rin ang kumuha ng aerial shot ni Rhian Ramos na nasa itaas ng bundok sa Indio at ang Little Champ ni Senator Lito Lapid sa Channel 2.

“Kinukuha sana ako ni Direk Maryo J. de los Reyes para sa shooting niya ng Bamboo Flower sa Bohol, pero hindi ko tinanggap dahil magsisimula na kaming mag-taping ng Home Sweet Home sa Bulacan this week.”



SOMETHING NEW. Ano ang bago sa gagawin niyang telefantasya?

“Nang sabihan nila akong may gagawin akong bagong project na siyempre will cater for the children and sa families, bago ako pumunta sa meeting namin, tinanong ko muna ang mga anak kong sina Sabina at Santino kung ano ang gusto nilang mapanood sa TV.

“Kaya katulong ako sa conceptualization ng story.

“Parang may adventure kami dito ng anak kong si Jillian Ward sa loob lang ng bahay na maraming pinto…

“At bawat pinto, kapag binuksan mo, doon mangyayari ang mga adventures.

“Mahirap i-explain, abangan na lang ninyo kami simula sa April 22."

Kasama rin sa cast sina Roxanne Guinoo, Jake Vargas, Bea Binene, Gladys Reyes, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Patricia Ysmael, at Celia Rodriguez. Mula ito sa direksiyon ni Gil Tejada.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STAGE PARENTS. Tinanong din si Raymart kung totoo ang balita na babalik sa ABS-CBN ang misis niyang si Claudine Barretto, matapos hindi mag-renew ng kontrata nito sa GMA-7.

“Naku, ayaw kong pag-usapan iyan!” natatawang sagot ni Raymart.

Ngayong gagawa siya ulit ng drama series, dadalaw rin kaya ang dalawa niyang anak sa set?

“Sigurado... mahilig ang mga anak naming mag-artista kaya lang ayaw namin ni Claudine.”

Kung sakaling magpilit sina Sabina at Santino na mag-artista, magiging stage father ba siya o si Claudine ang magiging stage mother?

“Tiyak kaming dalawa!” tawa nang tawang sagot ni Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN