Marion Aunor on being an Aunor: “Yung advantage ko, kasi nga Aunor ang apelyido ko kaya parang kilala kaagad nila.”

Nilinaw ni Marion Aunor na kakaiba naman ang kanyang brand of music kaysa sa kanyang Tita Nora at Mommy Lala. Sabi niya, “Pero pag narinig naman nila ang songs ko, yung boses ko, alam nila na iba naman ang genre ko. So, I believe na hindi nila directly mai-compare.”


Nagkaroon ng kulay ang singing career ni Marion Aunor buhat nang maging finalist siya sa nakaraang 2013 Himig Handog Pinoy P-Pop Lovesong competition ng Star Records at ABS-CBN.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Like noong sa Himig Handog Pinoy, first time ko lang to go on an arena...

“Kasi lagi lang naman ako sa school kumakanta kasi may banda ako noon.

“Kaya ninerbiyos talaga ako at alam ko na-notice yun ng maraming tao.

"And I’m just glad I was able to finish the song!”



GUEST PERFORMER. Matapos noon, kinuha si Marion ng Star Records at ngayon ay kasama siya sa world tour ng Be Careful With My Heart cast sa Dubai at Abu Dahbi.

Sabi niya, “It’s very exciting. Kaga-graduate ko lang sa Ateneo and now I signed up as an artist for Star Records.

Si Marion ay nagtapos ng kursong Communication Technology Management sa Ateneo University nitong March 23.

“And, yeah, ang plan nila sa akin ay magkaroong ng solo album by April.

“Right now, I’m part of the world tour ng Be Careful with My Heart cast.

“It will be on the 28thsa Abu Dhabi and the following day naman sa Dubai.

“The whole cast will be with us, including Ser Chief [Richard Yap] and Maya [Jodi Sta. Maria].”

Guest performer siya sa tour bilang unang hakbang na rin ng Star Records para magkaroon ng awareness ang local and Asian market sa kanya.

Nang makausap siya ng PEP noong March 26, sa Edsa Shangri-La Hotel, ay nakatakda siyang umalis with the group papuntang Abu Dhabi as their first stop.

Sabi niya, “I feel like everything is falling into its right places.

“Sobrang laki ng change kasi bago pa lang ako sa showbiz."



AUNOR LEGACY. Si Marion ay anak ng dating teen singing sensation during ’70s na si Maribel “Lala” Aunor at pamangkin ng Superstar na si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Being the daughter of Lala at bilang pamangkin ni Nora, advantage or disadvantage ba ito para sa kanya?

“Pareho silang may pros and cons,” sagot ni Marion.

“Yung advantage ko, kasi nga Aunor ang apelyido ko kaya parang kilala kaagad nila.

“Kaya somehow, I’m using the name for personal reasons din.

“I guess the disadvantage part ay yung epectations nila sa akin. Kung kasing galing ba ako ng Tita Nora ko o ng mom ko.

“Pero pag narinig naman nila ang songs ko, yung boses ko, alam nila na iba naman ang genre ko.

“So, I believe na hindi nila directly mai-compare.”



DIFFERENT GENRE. Kung sina Nora at Lala ay parehong pang-masa ang dating, siya naman ay pang-high end?

Tanggi ni Marion, “I don’t think of it naman, e. Kasi, di rin ako namimili kung sino ang susuporta sa akin.

“Ibang generation na rin kasi yung kina Tita at Mommy. But I’m good with everyone.

“I don’t see myself as sosyal or anything o kung pangmasa ba sila.

“Yung sa akin is that, we all love to sing and I hope ma-appreciate din nila ako the way they appreciated them.”



TEACHINGS. To what extent ba nakikialam ang kanyang ina pagdating sa kanyang career?

“Wala naman. Lagi lang niya sinasabi na just do my best.

"Basta dapat lagi akong mabait sa mga tao lalo. Hindi lang daw sa mga fans ko kundi kahit yung mga tao behind the scenes.

“Hindi naman siya nangingialam sa career ko kasi hinahayaan niya si Tito Vehnee [Saturno], who is my manager, and Star Records run my career.”

NOT CLOSE TO NORA. Bilang isa ring Aunor, gaano siya ka-close kay Ate Guy?

Pag-amin niya, “Honestly, I am not really close kay Tita Nora.

“Kasi, noong lumalaki na ako ay nasa States naman siya. But when I did meet her, she’s kind naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think last year pa yung huli kaming magkita.”

Ano ang saloobin niya na nagiging very sickly ang Tita Nora niya lately?

“I’m not really aware,” nagulat na sabi ni Marion.

“But I hope she gets better. Siyempre, I wish her the best of health kasi marami pa siyang mae-entertain na tao.

“Kumbaga, the industry needs her.”

Dagdag pa niya, “Either way ay legend pa rin siya kahit ano ang mangyari.

“It’s so hard for anyone na mapantayan ang kanyang achievements—kahit sa music o sa acting, she’s really great.

“Kahit sino ay magsasabi na idol talaga siya ng lahat,” pagmamalaki niya.



INTRIGUES. Bilang newcomer, hindi maiiwasang maiintriga rin si Marion. Handa na ba siya kung sakali?

“I hope ‘wag muna.

"I don’t know of any intrigue pa naman sa akin. Naku, ’wag naman sana!

“Yeah, right now, I still don’t know how to handle it. Pero alam ko na part ito talaga ng showbiz.

“Well, magiging brave na lang ako,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN