Wendell Ramos on running naked in an indie movie: “Marami namang artista ang naghuhubad. Bakit kapag naghuhubad ako, nagiging isyu?”

Ayon kay Wendell Ramos, okay lang na makatrabaho niya ulit si Baron Geisler. Sabi niya, “Kung anuman ang nagawa niya, or let’s say nagkaroon kami ng problema noon, before—e, tapos na yun. At saka, nangyari lang yun dahil nangyari, but not to the point na ayoko na siyang makatrabaho.”


Gumaganap si Wendell Ramos bilang si Rodel at si Graba Man sa "heroserye" ng TV5 na Kidlat.

Ayon sa aktor, mahirap gumawa ng isang "heroserye."

“Mahirap, of course, sa make-up, sa costume.

“Although, hindi naman na ganoon katagal ilagay ang make-up, pero mahirap ang suot-suot ko, e.

“Of course, nagpa-fight scene kami ng Kidlat.

“In fairness kay Derek [Ramsay], hirap din siya.

"Yung stunt director namin, si Michael Roy Jornales, magaling.

“Magaling din naman ang mga beterano, pero, ‘eto, magaling—iba ang mga galaw.

“Although mahirap, kasi nga, hindi naman normal ang mga costumes namin, hindi normal na kilos.

“Mahirap, pero masarap ang feeling.

“May ilang areas sa Pilipinas na number one siya, like sa Davao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wendell sa pocket presscon ng PPL Entertainment, Inc. Ang PPL, na pagmamay-ari ni Perry Lansigan, ang siyang management team ni Wendell, tulad din nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, at iba pa.

DEREK RAMSAY. Kumusta naman katrabaho si Derek, na gumaganap sa title role?

“Okay kami nun, walang problema. Nag-uusap lang naman kami kung may kailangan o may dapat pag-usapan.

“Kapag wala, siya, may sarili siyang business. Ako, may sarili akong business.

"Pagdating sa set, okay kami.

“Kapag may mga scene na kailangang ire-revise na line, nagsi-share kami ng ideas.”



TROUBLE. Kasama rin sa cast ng Kidlat si Baron Geisler, na nagkaroon ng kumprontasyon kay Derek sa isang taping nila.

Noon din ay nabalitang nagkaasaran sina Wendell at Baron. Okay na ba sila ngayon?

“Oo naman, nagkakatrabaho na nga kami. At saka, wala lang yun.

“Ako naman, as long as hindi ka nagiging cause of delay ng mga eksena, blockings, line.

“Actually, wala ngang problema sa akin. Kahit magkamali nang magkamali, rerespetuhin mo, artista yun.

“Wala namang on-the-spot, alam mo na ang gagawin mo.

“Sa akin naman, ina-anticipate ko na yung ilang takes. Huwag lang sigurong aabutin ng fifty takes, OA na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero magkamali ang mga kaeksena mo, okay lang yun, normal lang. Huwag lang sigurong magkakamali dahil lasing na lasing.”

Hindi pa naman nangyayari yun?

“Hindi naman,” sagot ni Wendell.

Kung mabibigyan ng pagkakataon na magkatrabaho ulit sila ni Baron, okay sa kanya?

“Oo naman, anytime!

“At saka, hindi ako para mag-judge ng artista o ng kapwa ko.

“Kung anuman ang nagawa niya, or let’s say nagkaroon kami ng problema noon before—e, tapos na yun.

“At saka, nangyari lang yun dahil nangyari, but not to the point na ayoko na siyang makatrabaho.”



CONTRACT RENEWAL. Malapit nang magtapos ang kontrata ni Wendell sa TV5, at posible naman daw na patuloy lang siyang magiging Kapatid.

Masaya daw siya sa TV5.

“Oo naman… siyempre, lahat enjoy naman ako. Vice-versa lang naman ‘yan.

“As long as nagbigay sila ng tiwala sa iyo, in return, ganoon din naman ang ibibigay mo.”

Ayaw na ba niyang bumalik sa GMA-7?

“Hindi ko naman sinasabing ayaw ko dahil wala namang pangit na nangyari sa relasyon namin sa GMA.

“Umalis ako nang maayos doon at naging maayos din sila sa akin for fifteen years—so, wala akong problema," sabi ng aktor.



NETWORK TRANSFER. Maingay ang usap-usapan na lilipat na si Ogie Alcasid sa TV5 kapag nagtapos ang kontrata nito sa Kapuso network.

Nakangiting sabi naman ni Wendell tungkol dito, “Hindi malayong magkaroon ng Tropang Bubble niyan.”

Ang "Tropang Bubble" na tinutukoy ni Wendell ay ang pinagsamang titulo ng gag show ng TV5 na Tropang Turumpo at ang gag show ng GMA-7 na Bubble Gang.

Excited siya kung lilipat nga si Ogie sa TV5?

“Oo, natuwa ako.

"Actually, kahit hindi na yung parang gag show, kahit sitcom o reality show na makasama ko sila, di ba?

“As long as maayos naman ang relasyon nila sa pinanggalingan nila.

“Kesa lumipat ka ng network dahil meron kang naging hindi magandang eksena sa pinanggalingan mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nanghihinayang sa dati niyang gag show na Bubble Gang? May posibilidad kasi na kapag umalis si Ogie, maapektuhan din ang show.

Sabi ni Wendell, “Actually, yun nga rin, kaya hindi ko masagot kung masaya ako.

“Kasi siyempre, masaya ako kung makakasama ko si Ogie, pero nakakalungkot din para sa Bubble Gang, di ba?

“Kahit alam naman natin na kayang itayo ni Michael V na mag-isa, yung lalim ng gang na pinagsimulan noon, e, nakakalungkot.”

Hindi ba sila nagkausap ni Ogie kung lilipat nga ito?

“Hindi, hindi pa kami nagkakausap. Tine-text lang niya ako na pumunta sa restaurant nila.”



BIG DEAL. Malapit na ring ipalabas ang indie film na ginawa ni Wendell, ang Bayang Magiliw, na idinirek ni Gil Portes.

Sa naturang pelikula, tumakbo nang nakahubad si Wendell.

Pero nagpahayag ng pagtataka si Wendell kung bakit tila nagiging big deal daw ang ginawa niyang paghuhubad na yun.

Sabi niya, “Alam ninyo, hindi ko alam kung bakit parang big deal ang paghuhubad.

“Marami namang artista ang naghuhubad. Bakit kapag naghuhubad ako, nagiging isyu?

“Pero, as long as merong critics o napapansin, siguro may karapatan pa rin na pag-usapan.

“In the first place, itong movie, itong Bayang Magiliw ay hindi ginawa dahil doon sa paghuhubad… it’s all about bayan ng Magiliw sa Quezon.”

Baka naman kaya napu-focus sa pagtakbo niya nang nakahubad dahil marami pa rin ang nag-aabang sa kanya na nakahubad?

“E, di maganda, inaabangan nila. Pero actually, hindi yun ang topic doon.

“Ang isyu talaga, tungkol yun sa RH Bill, pro- o anti-RH Bill lang ito.”

“Actually, hindi naman siguro mag-a-agree sila Perry [Lansigan], kung hindi maganda ang project.

“Kasi, kung iisipin mo, pro o anti lang ang pinag-uusapan dito, pero nag-run doon sa isang bayan ng Magiliw.

“Mayor ako dito ng bayan. Actually, magaling, magaling... nakakatuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, true-to-life yung movie.”



SEXY WENDELL. Natutuwa ba si Wendell at nae-excite pa rin ang tao na makita siyang nakahubad o nagpapa-sexy?

Sa Bench underwear fashion show last year ay maraming naghanap sa kanya noong hindi siya rumampa. Halos taon-taon kasi ay inaabangan ang ipinakikita niyang butt at curves.

Nakangiting sabi naman ni Wendell, “Siguro, kung na-excite sila dahil sa mga scene na ganoon, mas marami pa silang dapat abangan.

“Hindi naman siguro dahil lang doon sila nae-excite.

“Alam ninyo, hindi ko naman ginawa ang movie para sa butt exposure o para pag-usapan lang yun.

“Pero sabi ni Perry, ‘Kapag ginawa mo ang movie, hindi puwedeng hindi pag-usapan.’

“Pero, ginawa ko ang movie kasi maganda ang movie.”



REFLECTION. Ngayong Mahal Na Araw naman, plano ni Wendell na mag-Visita Iglesia.

“Visita Iglesia lang ako, sa Parañaque lang. Hindi ko na nagagawang lumipat pa ng lugar. Kasi, ano ‘yan, panata.

“So, ang traffic, hindi isyu sa akin ’yan. Kung magpa-panata ka, bakit ka mag-aano ng traffic?

“Yun lang ang sakripisyo mong ginawa, so hindi isyu sa akin yun.

“Ang panata sa akin, makaramay ka lang ng Holy Week.

"And as much as possible, gusto kong lumaki ang mga anak ko na every Holy Week, hindi nila topic yung, ‘Saan ka ng Holy Week?’ ’Boracay kami o kung saan man.’

“Well, hindi ko naman sinasabi na masama ang mga tao na Holy Week, nasa bakasyon.

“Kasi, yun lang din naman ang time to spend time with family kasi mahabang bakasyon.

“Kasi ako, yun ang nakagisnan ko at yun din ang gusto kong maipakita sa mga anak ko.”

Dugtong pa ni Wendell, “For me kasi, lumabas man ang mga Da Vinci Code, for me, kung meron man na naging Holy Man, makiramay tayo.

“At saka dati kasi, ’Holy Week, saan tayo?’ ’Boracay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero mag-e-eight years na siguro na kapag Holy Week, Visita Iglesia lang.

“Lalabas lang kami after noon. O kung Friday, na kay Antonio [Aquitania] kami para manood ng senakulo—yun na ang bonding namin.

“Pero yung swimming, naiisip ko, marami namang panahon na magagawa yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN