Jake Roxas on civil status: “Matagal na akong kasal at isa lang ang asawa ko—at isa lang ang magiging asawa ko.”

Sulit na sulit daw ang ginagampanang papel na kontrabida ni Jake Cuenca sa Little Champ. Aniya, “Yung ine-aim mo na gusto mong magawa, ngayon, nagagawa mo na—yun ang akin. So, ngayon, napi-feel ko na importante ka sa isang soap kasi yung role mo, nagagawa mo—doon ako as an actor din.”


May isang taon din ang pinaghintay ni Jake Roxas bago naipalabas ang pinakabagong serye ng ABS-CBN na Little Champ.

Pagkatapos kasi ng Imortal, ang Little Champ na ang sumunod niyang teleserye sa Kapamilya network.

At tulad sa Imortal, kontrabida rin ang role ni Jake sa Little Champ.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “One year naming ginagawa, pero hanggang ngayon, nagte-taping pa rin kami.

“Tulad nga ng sabi ni Sir Raymund Dizon, [business unit head ng Little Champ], talagang mahirap ang sa animation. Kaya hindi puwedeng madaliin.”

Masasabi ba niyang sulit naman ang naging paghihintay niya.

“Oo… kaya nga sabi ko, kinabahan ako noong sinabi sa amin, Thursday na, tapos Monday na ang airing.

“Talagang… kaya sabi ko, kahit ano, okay ako, push tayo! Tira nang tira sa promotion.

"At ang masayang balita, pataas kami nang pataas sa rating.”



CHARACTER ACTOR. Nabanggit din ni Jake na kumpara sa Imortal, mas masama pa ang role na ginagampanan niya sa Little Champ.

“Oo, e. Kasi dito, ako talaga ang pinakamasama.

"Doon sa Imortal, main villain din ako, pero marami naman kami.

“Masama ako doon, pero dito, mas masama.

"Kasi, ang kalaban ko rito, ang inaano ko rito, pamilya at saka bata.”

Hindi ba siya nahihirapang gampanan ang karakter, lalo na kung bata ang inaapi niya?

“Mahirap din,” pag-amin niya.

“Yung bunso ko kasi, eleven [years old], nagtatanong siya, ‘Pa, bad ulit?’

“Sabi ko, ‘Oo anak. Character actor si Papa.’

“Kasi nga, pagbalik ko [sa showbiz], sabi ko kung ano na lang ang role na ibibigay. Hindi naman ako kailangang mamili.

“Natatawa lang siya kapag katulad niyan, may makikita siyang bata na aapihin, parang natatawa na lang siya.”

Mas kumportable na siya ngayon sa mga kontrabidang role?

“Oo, ako naman, kumportable ako kahit anong gawin ko ngayon.

"Kasi, iba ang acting ngayon, ang sarap ng ginagawa mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung ine-aim mo na gusto mong magawa, ngayon, nagagawa mo na—yun ang akin.

“So, ngayon, napi-feel ko na importante ka sa isang soap kasi yung role mo, nagagawa mo—doon ako as an actor rin."

ACTION STAR. Kumusta namang kaeksena si Senator Lito Lapid, na co-star niya sa Little Champ?

“Siyempre, panahon ni Senator... Julio Valiente, Leon Guerrero, so parang noong nakita ko siya… ayos!

“Pero noong kaeksena ako, doon nag-flashback sa akin na nag-freeze akong talaga.

“Nagkaroon ng ano sa akin na action, e. Tapos, matatalo ko pa siya. Parang, uhhh… Kaya, parang astig ito, a!

“Na-freeze ako, pero nasabi ko na, ’Kaya ko ito, kaya ko ito.’

"Noong may magtanong nga sa akin, ‘Kumusta si Senator Lapid?’

“’Matikas pa rin. Yung galaw niya, ganoon pa rin, lumuluhod pa rin.’”


Kinamusta rin namin kay Jake ang batang bida sa Little Champ na si JB Agustin.

“Ay, mabait ang bata. Kapag sinabi mong ’tulog ka na,’ matutulog ang bata.

“Kaya inaano namin sa kanya na, ’Huwag kang magbabago.’”

FORMER MATINEE IDOL. Isa si Jake sa mga pinaka-kilalang matinee idol noon sa T.G.I.S. ng GMA-7 hanggang sa pansamantala siyang mawala sa showbiz.

Pero ngayon, kung titingnan, tila mas stable si ngayon pagdating sa career niya.

Sabi niya, “Okay naman. Okay naman ang career, family, at maging yung business.

"Medyo binubuo pa lang naming… ads lang naman.”

Tatlo na ang anak ni Jake—dalawang babae at ang bunso lang niya ang lalaki. Seventeen na ang panganay niya.

Lumalabas na noong natsitsismis siya dati na may anak na, totoo pala yun.

Ang maganda lang kay Jake, faithful ito sa ina ng kanyang mga anak. Isa lang daw ang nanay ng tatlong anak niya.

Pero biro ni Jake, “Noon naman kasi, sinasabi nila na may anak ako, e, wala naman talaga akong anak, hindi naman nanganganak ang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana sinabi nila na, ‘Nakabuntis ka.’”

Matagal nang kasal si Jake sa ina ng kanyang mga anak.

Sabi pa niya, “Matagal na akong kasal at isa lang ang asawa ko—at isa lang ang magiging asawa ko.

“Kaya nga sabi ko, siyempre, sa bunso, ine-explain mo.

"Sinasabi ko na role lang naman ‘yan. Hindi naman ganyan ang ano ni Papa.

“Sabi ko, ‘Ganyan talaga kapag actor.’ Sabi ko, ‘Pabayaan mo na, kasi dito ko lang naman na-feel na actor ako.’

“Dati, kung buhay ka na, mabubuwisit ka lang kasi, pa-cute lang kami.”

Hanggang ngayon, napanatili pa ni Jake na intact ang relasyon niya sa misis niya, paano niya ito ginawa?

“Ano talaga, after taping, uwi. Bihira lang akong gumimik… uwi kaagad

“And then, ipon, kasi nga ine-expect mo na dahil magkakaroon ka ng anak.”

Dalawang beses na silang ikinasal—civil at sa simbahan—18 years ago.

Ano ang sikreto sa pagiging matatag ng kanyang pamilya?

Sagot ni Jake, “Hands-on kasi talaga ko pagdating sa family ko. Kaya nga mainit agad ang ulo ko pagdating sa family ko.

“Siyempre, ako lang, ako lang ang nag-artista, e. Ako lang ang anuhin.

“Pero, nagpapasalamat naman ako sa awa ng Diyos, okay naman ang kinakalabasan.”

Isang SPED pre-school teacher daw ang misis niya.

Biro pa niya, “Kaya nakakatagal. Pero, may nabalitaan ba kayo?

“Kaya nga hindi ako nag-loveteam, yung ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN