Precious Lara Quigaman on playing mother roles: “At least, ngayon, bagay na.”

Ngayon lang nakatrabaho ni Precious Lara Quigaman si Senator Lito Lapid. Sabi ng beauty queen turned actress tungkol dito, “Sobrang nakakakaba. Siguro ako lang, kasi Lito Lapid. Pero, okay ‘yang katrabaho si Sen.”


Hindi naniwala noong una si Precious Lara Quigaman nang matanggap ang text message na ipalalabas na ang fanataseryeng matagal na niyang ginagawa.

Buntis pa si Lara noong ginagawa niya ang Little Champ. Ngayon ay apat na buwan na ang anak nila ni Marco Alcaraz na si Noah.

Masayang nagkuwento si Lara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito noong press conference ng Little Champ sa 14th floor ng ELJ Building.

Saad niya, “Hindi talaga ako masyadong naniwala, tapos nakita ko, nag-tweet na si Jhong [Hilario].

“Kaya sabi ko, ‘Naku, medyo totoo na nga!’

"Tapos, nag-text si Marco [Alcaraz, her husband], sabi niya, ‘Ipapalabas na pala kayo.’

"Kaya sabi ko, ‘Paano mo nalaman?’

“Yun pala, nagti-teaser na. So, hindi ako naniwala noong una.

“Pero noong malaman ko na, sobrang saya kasi ang tagal na rin naming naghihintay.

“At tulad din ng sinabi nila, medyo kinabahan kami kasi little time for promotion.

“Baka hindi maging ganoon kaganda ang rating kasi nga, hindi na-promote enough.

“Pero yun nga, thankful naman kami dahil okay ang rating ng pilot week.”



MOTHER ROLE. Sa Little Champ, gumaganap si Lara bilang misis ni Jhong Hilario at anak nilang si JB Agustin bilang si Caloy. Pero nagkahiwalay sila dahil sa isang pangyayari.

Biro naman namin kay Lara, at least ngayon, bagay na sa kanya ang karakter niya na gumanap bilang isang nanay dahil sa totoong buhay ay mommy na rin siya.

“Oo nga, at least ngayon, bagay na.

"Pero, for the past... ilang teleserye na rin ang nagawa ko na talagang mommy na rin ang role ko.”

Si Lara ang nagsabi na sa dami ng batang artista na nakasama niya sa proyekto, masasabi niya na si JB ang isa sa pinakamabait.

Aniya, “Katulad nga ng sinabi ko, si JB talaga ang isa sa pinakamabait na bata na nakasama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totooo talaga yun. Makikita mo talaga kung gaano siya ka-masunurin sa mommy niya.

“Kapag sinabi ng mommy niya na ganyan-ganyan, siyempre, batang malikot, pero madaling makausap, madaling masabihan.”



NO NANNY. Hands-on naman daw sina Lara at Marco sa pag-aaalaga sa anak at hindi sila kumuha ng yaya.

Ayon kay Lara, “Sobrang sarap ng may baby, pero choice namin na hindi kumuha ng yaya.

“Actually ngayon, nagpadala na sa akin si Marco ng picture.

“Hanggang ngayon daw... kasi, bago ako umalis, pinadede ko ang anak ko at pagkatapos, pinatulog ko.

“Sabi ko, ’Ilagay mo sa dibdib mo tapos huwag kang gagalaw para mahaba ang tulog.’

“Minsan kasi, hinihiga niya, nagigising, naglalaro na.

“So, yung text niya, hanggang ngayon, tulog pa rin, e, nangangawit na raw siya.

"So, kailangan ko nang umuwi!” natatawang kuwento niya.

Hindi ba sila hirap ni Marco na wala silang yaya?

“Sa ngayon kasi, okay pa dahil hindi pa full load ang work ko.

"Tapos, kapag si Marco may work, ako ang nag-aalaga.

“Kapag pareho kaming nagkasabay ng work, naghahanap kami ng tita o pinsan na puwede.

“Kapag wala, kasama ko.

"Kasi, bukod dito sa Little Champ, may ginawa rin akong movie, pero maliit lang naman ang role ko doon.

“Then, after one month ko na manganak, nag-hurado na rin ako sa Showtime.”



STRONGER BOND. Kinamusta rin namin si Lara kung ano ang mga nakikita niyang kaibahan ng relasyon nila ngayon ni Marco mag-asawa na nga sila at may anak na.

Nakangiti naman niyang sagot, “Mas parang feeling ko, mas naging strong ang bond namin.

“Kasi si Marco, marami ‘yan na mga basketball out-of-town. Tapos minsan, nag-i-stay pa ‘yan ng one more night.

“Pero ngayon, kung puwede akong umuwi, uuwi ‘yan kung may flight the same day kasi nami-miss niya ang baby.

“At pati ako raw, nami-miss na niya ako!” natawa pa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta namang daddy si Marco?

“Malakas kasi ang boses ni Marco. Kung minsan, umo-order kami sa restaurant, akala galit siya kasi malakas ang boses.

“Pero hindi, malakas lang talaga ang boses.

"Pero sa baby, hindi—nagbabago talaga ang tono, nag-iiba talaga.

“At saka, nakita ko ang asawa ko, mahilig pala sa baby. Gusto raw niya, gumawa na agad ng iba.

“Sabi ko, ‘Ay, ikaw ang magbubuntis?’ Ayoko. Mahirap manganak.’”



HOME RUSH. Hindi naman itinatanggi ni Lara na ngayon daw na may baby siya, kapag nasa taping, madalas ay gusto na niyang matapos at makauwi na sa anak.

“E, minsan, dumarating pa na yung location, walang signal talaga. Kahit anong network, walang koneksiyon sa anuman.

“Sinama ko talaga ang anak ko. E, ang layo ng location, sa Tanay, Rizal tapos, papasok pa kami ng bundok.

“Isinama ko talaga ang anak ko kasi hindi ako mabubuhay nang hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

“So, yun, kasama ko siya. E, nagkataon din na may work din si Marco noon.

INTIMIDATED. Unang pagkakataon naman daw na makatrabaho ni Lara si Senator Lito Lapid sa Little Champ at natatawa nitong inamin na kinabahan daw siya.

“Sobrang nakakakaba!” natatawa niyang sabi.

Bakit siya kinakabahan?

“Siguro ako lang, kasi, Lito Lapid. Pero, okay ‘yang katrabaho si Sen.

“Palagi ‘yan nagpapa-litson. Palagi niya kaming pinapataba sa set.

“Pero si Sen, sobrang mabait at saka mahaba rin ang pasensiya niya kapag hindi nakukuha ang lines.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN