Dina Bonnevie still adjusting as politician’s wife; tells ex-husband Vic Sotto to choose someone his own age

Ganito raw ilalarawan ng aktres na si Dina Bonnevie ang pagsasama nila ng asawang si Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano: "Parang siguro kaming tubig at alon. Di ba, ang tubig, minsan mainit, minsan malamig? Pero ang tubig, minsan maalon, minsan tahimik."


Tila nasagot na ang matagal na panalangin ng aktres na si Dina Bonnevie na makatagpo ng mabait at mapagmahal na partner sa katauhan ng kanyang mister—si Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor "DV" Savellano.

Sabi ni Dina, “Oo nga. Di ba, lagi kong sinasabi na sana magkaroon ako ng partner, ganyan-ganyan?

“So, I’m happy naman na finally I found a partner.”

Si Vice Governor Savellano ang ikatlong asawa ni Dina.

Ang unang pinakasalan ni Dina ay ang comedian na si Vic Sotto, kunsaan mayroon siyang dalawang anak—sina Danica at Oyo Sotto.

Ang pangalawa ay si Ricardo “Dick” Penson, na tumatakbo ngayon bilang isang senador.

Noong March 2012 naman ay pinakasalan ni Dina si Vice Governor Savellano.

Kumusta ang kanyang married life?

“I’m very happy,” walang kakurap-kurap ang mga matang mabilis na sagot ng 52-year-old actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy niya, “Okey ako, wala akong problema sa husband ko.

“Of course, there are some challenges, ‘no? A, pero okay ako.

“Siguro yung challenge na masasabi ko is… alam naman natin na hindi naman ganung kadali pag stepmom, di ba?

“Pero as far as my husband is concerned, I totally have no problem.”



THE CHALLENGE. Hindi ba siya nahihirapang mag-adjust sa mga kapatid ni DV?

“Hindi ako nahirapang mag-adjust sa mga kapatid, nahirapan ako sa mga anak.

“Yun ang challenge ko,” sabi ni Dina.

Nasa adjustment period pa ba siya sa mga anak ni DV?

“Okay naman, except for one.

“But that kid doesn’t even live with him, e, with us.

“Yun ang nagba-violent reaction,” nangingiting sabi ni Dina.

Kumusta naman ang pakikitungo nina Danica at Oyo sa kanilang “Tito DV”?

“Ay, okey lang sila. Minsan parang inaano rin sila nung ano na yun… hindi na lang nila pinapansin.”

Malapit ba ang mga edad ng anak niya sa ibang mga anak ni DV?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, actually Danica is already thirty-one and Oyo is twenty-nine. Ang eldest nila [DV and his ex-wife] is only twenty-six.”

Ano ang sinasabi ni DV sa ganitong challenges ni Dina sa mga anak niya?

“Ganun talaga… pero hindi naman lahat. Yung iba lang.

“Actually, yung isa lang. The rest is okay, walang problema.

“I have no problem with my in-laws. Mababait silang lahat and I love them dearly.

“Wala akong problema sa kanila.”



POLITICIAN’S WIFE. Aminadong naninibago sa umpisa si Dina bilang maybahay ng isang pulitiko.

Ang pangalawa niyang asawa na si Dick Penson ay tumakbo noong kongresista sa Quezon City ngunit natalo.

Sabi ni Dina, “Nanibago ako noong una dahil hindi naman ako sanay sa politics, e.

“Ako, di ba? I’m so frank. Hindi ako marunong mag-plastik.

“I really say what’s in my heart.

“Alam mo, sa politics, hindi pala puwede yun, e.

“Yung pag sinabi mong, ‘Please, I’m tired, puwede next time na lang, wala akong pahinga…’ Hindi pala puwede yun.

“Pag politics ka, kahit pagod na pagod ka, go ka nang go, kahit alas-kuwatro ng umaga, ganyan [lupaypay] na sa fiesta, tuloy pa rin.

“Kailangang smile ka pa rin kahit pagod na pagod ka pa rin.

“Saka doon, they look at everything you’re wearing—from jewelry, to clothes, to shoes.

“Pag umulit ka, ‘Ay, ‘yan ang suot sa fiesta na ganyan…’ Alam nila!

“Sabi ko, grabe naman! Sa showbiz nga, pag isinuot ko sa TV, puwede kong isuot sa pelikula at sa presscon, e.

“Doon, hindi. Pag pasok mo pa lang, yung mga tao dun…” kuwento ni Dina habang minumuwestra niya ang tingin na taas-pababa ng tao.

Ibig sabihin, nag-iingat siya sa mga sinasabi niya sa mga tao?

“Oo, at saka yung mga sosyal ng Ilocos, talagang they look at everything they’re wearing. Lalo na sa mga parties.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang mga old rich ng Ilocos… pero sa mga showbiz, wala namang ganun.”



SHORT ENGAGEMENT. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Vice Governor Savellano, sinabi nitong hindi na niya pinatagal ang boyfriend-girlfriend relationship nila ni Dina at nag-propose na siya agad dahil pareho naman sila ng mga interest.

Tanong namin kay Dina: Ano ba yung mga sinasabi ng mister niya na pareho nilang mga gusto?

Sagot ng aktres, “Alam mo, ang nakakatuwa sa amin ni DV, parang eight months kaming together na we were going out…

“Kasi sa Christian, iba, e. Parang eight months kaming together…

“Sa Christian kasi, pag naging boyfriend mo, dapat hindi magtagal. Kailangan ikasal na kayo.

“Minimum of six months, maximum of one year.

“E, siya, naging kami January, nag-propose siya ng February, March ikinasal na kami.

“Sabi ko, ‘Ang bilis!’

“Sabi niya, ‘Bakit ko naman patatagalin pa, e, matanda na ako. Gustung-gusto ko nang magkaroon ng kasama sa bahay. Gusto ko ng kasama sa kuwarto, kasama sa pagtulog.’"

Si DV ay 54 years old, habang si Dina naman ay 50.



SIMILARITIES. “And pareho kami ng gusto," patuloy ng aktres.

“Number one, we both love to watch movies. We’re both super movie addicts.

“Every weekend, kailangan nanonood kami ng movie.

“We love to walk in the morning or pag sunset. Yun ang exercise namin.

“Yun ang gusto ko, yun ang gusto niya.

“I love the sea. So, may resort siya. So we walk by the beach.

“Mahilig siyang magluto. Mahilig din akong magluto.

“Foodie siya, foodie rin ako.

“We go to a restaurant and pag tinikman namin, ‘May bawang ito. A, may ano ito. Alam ko ang secret nito, nilagyan ng lots of sesame oil…’ Ganyan kami.

“So, when we eat, we analyze the food.”

Maging sa pagpili ng menu sa restaurant nila, ang Victorino’s, ay magkasama rin sila ng kanyang mister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Dina, “Actually, nag-food tasting kami at kami ni DV ang pinaka pintasero.

“Yung talagang the answer is no! No talaga. ‘Kulang ng ganito, kulang ng ganun.’

“Minsan nga nagkakapikunan na kaming mag-asawa.

“Very ano kami sa food… ‘kailangan ganito.’

“Pero ang nagsu-supervise naman ng food tasting ay yung kapatid ni DV at saka yung mommy niya, who really knows the authentic Ilocano taste.”



MARRIED LIFE. Paano ilalarawan ang kanyang married life ngayon?

“Siguro ang madi-describe ko, parang…” matamang nag-isip si Dina sa susunod na sasabihin.

“Paano ko ba idi-describe? Parang siguro kaming tubig at alon.

“Di ba, ang tubig, minsan mainit, minsan malamig?

“Pero ang tubig, minsan maalon, minsan tahimik.

“So, pag maalon, ako yung dah-dah-dah! Hilig kong magpasaya. Siya [DV] yung nakikinig na quiet.

“Pag ako naman yung pagod at quiet, siya naman yung dadah-dah! ‘Gusto mong punta tayo sa ganito, doon?’

“Yung parang we bring out the best of each other.

“Parang pag low ako, alam niya yun, he’ll cheer me up.

“Pag siya naman, I’ll cheer him up.”

Base ba sa karanasan niya, tama ba ang kasabihang “You get your own age?”

“A, oo. Alam mo siguro, ang maganda pa, he knows how to listen, e.

“And then, sa kanya rin ako natuto, although praktisado na ako to listen dahil a talk-show host needs to know how to listen.

“So, I listen to him, he listens to me.

“Tapos maganda, pag nag-speech siya, I help him.

“Ako yung nagre-revise nung mga speeches niya, parang kinu-correct ko yung mga speech, nagpa-practice siya sa harap ko.

“Pag ako naman yung nandun, ‘O, ganyan, pupunta tayo... Ang politics, dapat ganito ang behavior mo.

“’Pag nakita mo si Nana na ganito at si Lakay na ganito, igi-greet mo.’

“Kasi I have to know the people and sometimes I don’t.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siya yung nag-aalalay sa akin na, ‘Ganyan, o, si Nanay batiin mo, si Lakay ganito.’"

Pag-amin ni Dina, "E, hindi pa ako sanay.

"E, ako I just go [shake hands]… hindi pala puwde yun. Kailangan talaga beso-beso.”



VIC SOTTO & PAULEEN LUNA. Sinabi nga ba niya sa dating asawang si Vic Sotto na kumuha ng kasintahang kasing-edad niya?

Si Vic ay 58 years old ngayon, samantalang ang current girlfriend nitong si Pauleen Luna ay 24 years old.

Sagot ni Dina, “Sinabi ko na sa kanya yun noon.

“Sinabi ko sa kanya eto noon… noon-noon pa ito. Kasi, parang nagkaroon sila ng misunderstanding ni Oyo.

“Tapos, sabi ko, ‘Alam mo, Vic, kaya nasasaktan yung mga bata, kasi mas bata pa sa kanila.’ Parang, ewan ko, ha?

“’Look after your future. Baka naman pag sixty-five ka na, at masakit na yung mga tuhod mo, uugud-ugod ka na, e, gusto pang pumarty nung isa? Ang layo masyado ng agwat.’

“Sabi ko, ‘Why don’t you get someone who would understand when you grow old?’ Kasi magiging eccentric rin.”


VIC SOTTO & PIA GUANIO. Bago si Pauleen, naging girlfriend din ni Vic si Pia Guanio.

Kahit medyo malaki rin ang agwat ng edad ng dalawa ay sinasabing “right match” sila dahil mature na si Pia.

Yun nga lang, nagkahiwalay rin ang dalawa at nagpakasal si Pia sa isang non-showbiz guy.

Sabi ni Dina, “Actually, click naman yata si Vic at Pia.

“Yun nga lang, Pia couldn’t wait because Vic didn’t want to really get married but she wanted to get married na.

“And si Vic, as long as he can prolong it, hindi siya magpapakasal.

“But Pia wanted to get married, pero ayaw niya [Vic]. So, Pia left.

“Pero kung tatanungin mo kung magkasundo sila, magkasundo sila.

“He would always tell me, magkasundung-magkasundo sila [ni Pia].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They talk a lot, they talk to each other, kuwentuhan.

“During our time, napakatahimik niya, ‘no?” patungkol pa ni Dina kay Vic.

“Magsasalita lang siya pag galit siya… at saka nag-iba na rin siya through the years.

“If before Vic was just, you know, comedian na mahilig mag-ano, makipagkuwentuhan, pero in real life, in real person, tahimik siya.

“Through the years, he became a better conversationalist. Naging medyo sosyal na siya, nag-ano na siya sa mga brand.

“Parang he’s zig na rin and I zag!” sabay tawa ni Dina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN