Angelica Panganiban finally reveals reasons for breakup with Derek Ramsay

Isang taon pagkatapos, nagsalita na si Angelica Panganiban sa naging dahilan ng breakup nila ni Derek Ramsay. Ayon sa aktres, nangyari ang lahat habang nag-uusap sila sa telepono. Nang tanungin daw ni Derek kung ano ang nararamdaman niya noong oras na iyon, ito raw ang isinagot ni Angelica: "Wala. Wala na ’kong nararamdaman."


Matagal nang gustong malaman ng publiko ang totoong dahilan ng hiwalayan nina Angelica Panganiban at Derek Ramsay noong nakaraang taon.

Pagkatapos kasi nilang kumpirmahin ang kanilang breakup ay hindi nagsalita ang dalawa kung ano ang naging dahilan nito.

Pero sa April 2013 issue ng Star Studio, isang showbiz magazine ng ABS-CBN, idinetalye ni Angelica ang breakup nila ni Derek.

Isiniwalat din ng Kapamilya actress na nagtapos ang anim na taong relasyon nila sa pamamagitan lang ng telepono.

Ayon sa paunang detalye na lumabas sa ABS-CBN News ngayong araw, March 27, sinabi ni Angelica na nasa Boracay daw noon si Derek nang naganap ang hiwalayan nila.

May commitment daw ang aktor noon sa tanyag na bakasyunan, bandang February 2012, nang nagkaroon sila ng pagtatalo sa telepono.



BREAKUP OVER THE PHONE. Sa gitna daw ng mainit nilang pagtatalo, bigla na lang daw siyang tinanong ni Derek ng: “Ano ba’ng nararamdaman mo?”

Ayon kay Angelica, sinabi niya sa boyfriend na pagbalik na lang nito sa Manila niya sasagutin ang katanungan nito.

Pero pinilit daw siya ni Derek na sagutin ang tanong.

Sa pagsagot daw ni Angelica, ito ang nasabi ng dalaga: "Wala. Wala na ’kong nararamdaman."

Ito naman daw ang sagot ni Derek sa kanyang sinabi: “Okay, it’s over.”



MAJOR CONFLICTS. Sa anim na taon ng kanilang pagsasama bilang magkasintahan, ayon sa aktres, ay marami silang napagdaanang mga problema na humantong sa hindi nila pagkakasundo at sa hiwalayan na nga.

Tatlong bagay naman ang masasabi ni Angelica na naging “major conflicts” sa kanilang samahan.

Una, “controlling boyfriend” diumano si Derek.

Pangalawa, ang kawalang-suporta sa kanya ng nobyo sa paghahanap nito sa kanyang biological father.

Pangatlo, ang napapabalitang kasal ni Derek sa isang nagngangalang Mary Christine Jolly noong 2002.

Labis daw ang pag-iyak ni Angelica sa set ng ginagawa niyang pelikula noon, ang Every Breath U Take (2012), kunsaan kapareha niya si Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Hindi ko alam kung naiiyak ako dahil nasabi ko siya.

“Yes, para talaga akong nakatakas, ganoon yung pakiramdam ko.

“Pero at the same time, ang sakit-sakit. Hindi ko alam kung tama, kung kaya ko panindigan.”



MOVING OUT. Pag-alala pa ni Angelica, kinabukasan daw, pagkatapos ng kanilang hiwalayan, hinakot na niya ang kanyang mga gamit sa bahay na pinagsamahan nila ni Derek sa loob ng limang taon.

Noong nalaman daw ni Derek na umalis na siya sa bahay na kanilang tinitirhan, nagpadala raw ng mensahe ang dating nobyo na ang nakasaad ay “Let’s fix this.”

Pero naisip daw ni Angelica na nakaalpas na siya sa kanilang masalimuot na relasyon, kaya nasabi na lang niya sa kanyang sarili:

“Hindi, may way out ka na, nakalabas ka na. Huwag ka nang bumalik.”

Kinumpirma ni Derek ang kanilang hiwalayan noong May 2012, o halos tatlong buwan matapos ng kanilang pagtatalo ni Angelica sa telepono.

Sa kasalukuyan ay masaya na si Angelica sa piling ng kanyang bagong boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Si Derek naman ay nali-link sa mga aktres na sina Cristine Reyes at Nadine Samonte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN