Eula Caballero: "I’m crazy when I fall in love. I’m uncontrollable, and I’m just crazy."

Si Eula Caballero ang gaganap na bida sa upcoming fantasy series ng TV5 na Cassandra: The Warrior Angel. Sabi niya tungkol dito, "Because of the title role, it’s very overwhelming for me na Cassandra is me. So I have to give justice to it kasi yung character mismo, yung name mismo ng show, ang kailangang magmarka. And I have to do all my best, and I have to give my best foot forward for that kasi it’s a huge project and ayokong ma-disappoint


Last March 22 ay nagsimula nang rumolyo ang camera para sa pinakabagong fantasy series ng TV5 na Cassandra: The Warrior Angel.

Pinagbibidahan ito ng isa sa mga prinsesa ng Kapatid network na si Eula Caballero.

Kuwento ni Eula sa PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal): “Sobrang grabe yung paghahanda ko dito, nahilo na ako, nasuka na ako, at muntik na akong mahimatay dahil sa Muay Thai.

“Kasi action siya, kailangan talaga naming matutunan yung the right form, the right move.

"Kasi yun mismo ang nasa story, e, and we actually did Filipino karate [training], e, and hand-defense training.

"Meron din akong harness training, e.”

Nakapanayam ng PEP si Eula sa isang party sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.



TITLE ROLE. Kahit daw pressured si Eula sa malaking proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng Singko, sinisigurado raw niyang ibigay ang best niya para dito.

Saad niya, “Yeah, because of the title role, it’s very overwhelming for me na Cassandra is me.

"So I have to give justice to it kasi yung character mismo, yung name mismo ng show, ang kailangang magmarka.

"And I have to do all my best, and I have to give my best foot forward for that kasi it’s a huge project and ayokong ma-disappoint sila.”

Dagdag pa ng Star Factor winner: “I’m very thankful [sa TV5], ever since naman, I know all these trainings and projects, even the small ones, the minor ones, I know that those are just steps—stepping stone to prepare me for the big ones.

“Kasi we won’t deserve this kung hindi namin napagdaanan yun, kasi dun kami natuto.”



THE BOYS OF CASSANDRA. Nagulat naman daw si Eula na hindi lang isa kundi tatlo ang leading men niya sa Cassandra—sina JC de Vera, Victor Silayan, at Albie Casiño.

Sabi niya, “Nakakaloka! Alam mo, pati ako naloloka ako sa kanila!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Akalain mo yun! May JC de Vera, Victor Silayan, and, of course, ang bago nating kapatid na si Albie Casiño.

“So, actually, kami ni Kuya JC, sobrang okay kami. Magkasabay pa kaming nagti-train sa Ultimate Fitness.

"Si Victor is one of my guy best friends sa industry.

"And then si Albie, siya na lang yung medyo kinakapa ko pa rin yung ugali, yung personality.

"Kasi, though we’ve worked before, hindi pa rin kami siyempre ganun ka-comfortable with each other.

“And I’m just trying to break the barrier, at least hindi naman usually mawala agad, pero kasi siyempre may hesitations pa kami sa isa’t isa.

"Pero I hope na kahit paano, mag-loosen up yung ano at maging mas okay kami.”


Sa tanong kung may possibility bang ma-in love siya sa isa sa kanyang mga leading men, natatawa si Eula.

Aniya, “Hindi ko masabi right now, kasi I’m not in the situation yet.

"But based on what I’ve experienced when I fell in love [before], I don’t want it to happen.

"’Coz I’m crazy when I fall in love. I’m uncontrollable, and I’m just crazy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN