Katherine Luna reveals Fil-Italian boyfriend; admits, “Hindi ko masukat yung pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya.”

Katherine on Alessandro’s endearing qualities: “Tinanggap niya ako and nung nagkakakilala kami, hindi naman niya alam na famous ako, e... na I mean... artista ako, and tinanggap niya ako bilang ako.”


Hindi man naging matagumapy sa mga una niyang inibig, bukambibig naman ngayon ni Katherine Luna na nahanap na niya ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay.

Sa live guesting ng Babae sa Breakwater star sa Ang Latest Uplate: Holy Week Special ng TV5 last Wednesday, March 27, ipinakilala na ni Katherine sa kauna-unahang pagkakataon sa publiko ang kanyang half-Italian, half-Filipino boyfriend na si Alessandro Lezio.

Sabi niya, “Opo, sobrang saya ng lovelife ko. Sa Zamboanga po [dun ko siya nakilala], pumunta ako doon dahil may show.

“Kumain ako sa Don Vicente Restaurant. And nagkataon po na siya yung chef doon, [Italian chef] tapos pumasok siya sa loob ng resto [from the kitchen] parang tinitingnan lang niya ako.

“Noong time na yun siya yung naging waiter, lahat na nung trabaho sa restaurant siya yung gumawa.”

Parang nagparamdam na daw noon ang boyfriend na sa una pa lang niyang kita sa kanya ay may gusto na ito sa aktres.

STAYED IN ZAMBOANGA FOR TWO MONTHS. After daw nilang makapagpalagayang loob, pinili ni Katherine na mag-stay muna sa Zamboang ng dalawang buwan. Kuwento pa niya, “Actually, after noong time na yun araw-araw na kami nagkikita.

“Nag-stay ako sa Zamboanga ng two months. Sabi ko sa kanya, ‘Ano bang gusto mo sa akin, hindi na ako dalaga, alam mo ba ilan na anak ko? Lima. Lima na ang anak ko.’”

Dini-discourage daw niya si Alessandro at ilang ulit nang sinabihang lumayo sa kanya [Katherine] dahil binata pa nga ito at mas bata sa kanya ng ilang taon.

Saad niya, “Kasi pinu-push ko siya [palayo] kasi siya binata siya 26 years old, 26 pa lang siya so and then sabi ko, ‘Wala kang future...’

“I mean nilalayo ko talaga yung sarili ko.

“Sabi ko sa kanya, ‘Lima na ang anak ko.’

“Pero sabi niya, ‘So, what? E, di alagaan nating dalawa.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-propose na daw ito sa kanya.

ALESSANDRO: SHE’S THE ONE. Kasama ni Katherine sa studio ng Ang Latest noon si Alessandro pero hindi nila alam na ni-request pala ng production ng show na magpa-interview din ito sa kanya.

Pumayag naman itong ikuwento din ang side niya sa pagmamahalan nila ni Katherine.

Saad niya, “The moment I saw her, I know she is the one. I saw her, and she’s the type of girl that I like. Of course, when she starts to talk, how she thinks, finally she was with me and Zamboanga.”

Ano nga ba ang mga qualities ni Alessandro na nagustuhan niya.

Patotoo ng aktres, “Tinaggap niya ako and nung nagkakakilala kami, hindi naman niya alam na famous ako, e... na I mean artista ako, and tinaggap niya ako bilang ako.”

Baling naman ni Alessandro, nagtataka daw siya kung bakit ang daming gustong magpa-picture kay Katherine noong kumain ito sa kanilang restaurant.

Dagdag pa niya, “It’s a surprise for me coz everybody know her, and I don’t know why, I asked her, why everybody want to take a picture with you, I thought she’s sexy and beautiful [lang kaya they want a picture with her], and everybody they know her name and that’s the time I’m asking myself, who is she, who is this girl?”

“And then, after three days, she told me who she is, and I said, ‘I wanna know first who you are, and not being a celebrity.”

Gaano kaya niya kamahal si Katherine? Diretsong sagot nito, “A lot, this will be the last, I’m still 25 and I’m young, I know it but she is the one.”

Naipakilala na raw ni Alessandro si Katherine sa kanyang pamilya. Aniya, “My family likes her and that’s one of the reasons also.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Katherine sa kasintahan, “Hindi ko masukat yung pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya... Te Amo.”

Mensahe naman ni Alessandro sa nobya, “I feel happy, I feel happy that she’s by my side. I feel happy when I’m staying with her.”

Handa naman daw talikuran ni Katherine ang showbiz kapag yayain na siya nitong magpakasal at manirahan sa Italy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN