Justin Bieber arrives at Polish airport shirtless

Ginulat ni Justin Bieber ang airport officials sa Loz Airport sa Poland nang dumating ang pop superstar na shirtless. Ito ay sa kabila ng freezing temperature sa naturang siyudad sa Poland kung saan nagkaroon ng soldout concert si Justin.


Ilang linggo nang gumagawa ng ingay ang Canadian pop superstar na si Justin Bieber kaugnay ng kanyang European tour.

Sinimulan ni Justin ang kanyang European tour sa London, England kung saan nagkaroon siya ng four-night concert sa O2 Arena.

Pero noong March 1, mismong araw ng kanyang 19th birthday, ay pinatalsik siya at ang kanyang entourage sa isang bar dahil sa underage ang ilan sa mga kasamahan nila.

Ayon sa report, nakipagtalo ang entourage ni Justin sa club security dahil sa presence ni Jaden Smith, ang 14-year-old son ng Hollywood actor na si Will Smith.

Wala na raw sanang magiging problema kung umalis si Jaden, pero gusto raw maging loyal ni Justin sa kaibigan kaya pinaalis na lang ang buong entourage ng singer.

Sa isang concert niya sa O2 Arena ay dalawang oras na-late si Justin kaya marami sa mga nanood ang umalis nang maaga upang mahabol ang huling biyahe ng trains.

Sa isa rin niyang concert sa London ay nahimatay siya sa backstage kaya humingi sila ng 20-minute break.

SHIRTLESS IN LODZ AIRPORT. Noon namang March 25 ay namataan si Justin na naglalakad nang shirtless sa Lodz Airport sa Poland—kahit na -10C ang temperatura nung araw na iyon.

Ayon sa spokeswoman ng Lodz Airport, hindi nila sinabihan si Justin na hubarin ang kanyang pang-itaas dahil wala naman daw metal object na nakalagay sa kanyang katawan o damit.

Kaya malamang daw ay nanginginig sa ginaw ang pop superstar, na inilarawan pa ng spokesperson bilang "quite skinny."

Bukod dito ay nakababa rin ang pants ni Justin kaya kitang-kita ang underwear niya.

Ayon pa sa report, malamang na hinubad ni Justin ang kanyang shirt sa loob ng sasakyan niya nang makarating sila ng Lodz Airport.

Nanatiling shirtless si Justin nang mag-check in siya sa airport hanggang sa makarating siya sa gate.

Isinuot lamang niyang muli ang kanyang shirt nang sumakay na siya sa isang private jet na magdadala sa kanyang sa Germany—kunsaan ginanap ang kanyang sumunod na concert sa Munich noong March 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN