Rocco Nacino joins the cast of Unforgettable; shares his blessings to young cancer patients

Rocco Nacino on turning 26: “Well, I’m happy na umabot ako sa twenty-six and living the dream, enjoying life, being in this business. Alam mo yun, parang ang sarap-sarap ng feeling na, eto nga, nakapagtapos na ako ng pag-aaral ko, tapos [natutulungan] ko na magulang ko, tapos ngayon nagtatrabaho ko. And I’m just blessed and I’m happy na ginagawa ko ’tong mga gawain na to, mga charities.”


Ipinagdiwang ni Rocco Nacino ang 26th birthday niya noong Sabado, March 23, kasama ang mga bata mula sa Cancer Warriors Foundation sa McDonalds Rockwell.

Ang aktuwal na kaarawan niya ay March 21.

Bukod sa taun-taon na itong ginagawa ni Rocco, kuwento niya kung bakit ang nasabing foundation ang kanyang napili, “Well, first of all, si Mommy [Linda Nacino] kasi cancer survivor ’yan.

“So, ang laking bagay para sa ‘kin na matulungan yung mga bata with cancer.

“So, eto yun, this is a yearly thing for me.

"Every birthday, every Christmas, naghahanap kami ng iba’t ibang klaseng foundation.

“Not just kids who are battling cancer, iba’t iba pa—yung mga orphanage, from orphanages.

"For this year, ang napili namin, Cancer Warriors Foundation.”

Dagdag pa niya, “We make it a point na magbigay ng blessings sa mga bata because I’m getting a lot from show business, marami akong blessings na nakukuha.

“I wanted to share it with the kids para maka-experience din sila ng saya.

"Like eto, naririnig natin yung mga sigaw nila. So yun, nakaka-fulfill ng araw.”

Ano naman ang pakiramdam na 26 na siya ngayon?

Sagot ni Rocco, “Well, I’m happy na umabot ako sa twenty-six and living the dream, enjoying life, being in this business.

“Alam mo yun, parang ang sarap-sarap ng feeling na, eto nga, nakapagtapos na ako ng pag-aaral ko, tapos [natutulungan] ko na magulang ko, tapos ngayon nagtatrabaho ko.

“And I’m just blessed and I’m happy na ginagawa ko ’tong mga gawain na to, mga charities.”

Si Rocco ay graduate ng Nursing at pumasa na rin ng Board Exam.

UNFORGETTABLE. Magiging bahagi na si Rocco ng afternoon drama na Unforgettable, at sabik na nga aktor na muling makatrabaho ang ilan sa mga cast nito.

Wika niya, “Nalaman ko lang kanina. Nalaman ko lang sa kanina sa handler ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m excited na papasok ako sa show na yun.

“I’m excited kasi makakasama ko yung mabuting kaibigan ko, si Mark, si Mark Herras.

"And I’m gonna be teaming up with Kylie again. So parang Good Daughter part two ’to!”

Ano naman ang magiging role niya dito?

“Ang alam ko, kausap ko yung handler ko, ang sabi niya, ang character ko papasok bilang anak ni Philip Salvador at may twist yung character ko, e.

“Love triangle, aside [from] Polo and Benjamin. Tapos mai-in love ako kay Kylie. Ganda ni Kylie, andaming mai-in love sa kanya!” natatawang sabi niya,

Kasama rin sa cast sina Polo Ravales at Benjamin Alves.

Nasa cast din si Rocco ng pelikulang My Lady Boss.

Pagbabahagi niya, “I’m playing alongside Richard Gutierrez and Marian Rivera.

“Dun naman, kakaiba na naman yung character ko, which is fun. Dito may pagka-kontrabida.

“Kasi ako yung boss ni… ako yung isa sa mga boss na kumakalaban kay Marian na sobrang sipsip sa pinaka-boss namin. Kaya medyo masama ako dun.

“Actually nag-enjoy ako maging bastos. Yung bastos na sipsip na sobrang pa-cute lang, pa-cute lang sa boss pero wala namang alam sa trabaho.”

Paano nga ba pinaghandaan ni Rocco ang kakaibang role na ito?

Sagot niya, “Yung ganun? Hindi ko alam, e. I was... siguro, I was just being myself.

“I was just being my wacky self. I enjoyed looking stupid at making fun of myself. Siguro nagamit ko yun dun.”

Isa bang dahilan kaya’t tinanggap niya ang role kahit na “bad boy” ay dahil comedy naman ang tema nito?

Wika niya, “It’s comedy naman. And grabe, bakit ko tatanggihan yung makatrabaho si Richard tsaka si Marian?

“I would give anything para makatrabaho sila. I’m really happy na ginawa ko yun.”

BAYAN KO. Nakatakda sanang gumanap ng title role si Rocco sa epic movie na Lam-Ang, na sinimulan nang gawin noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumusta namin ang aktor kung may balita na ba sa nasabing proyekto. Sabi niya, “Wala, e, on hold pa rin talaga, e.”

Disappointed ba siya na hindi pa rin ito natutuloy?

Ani Rocco, “Disappointed? Medyo.

“Medyo. Siyempre first title role ko yun tapos nagkaroon pa ng ganung klaseng problema.

“So nakakalungkot, medyo na-disappoint din konti pero at least nagbigay ng promise si Direk Ana [Agabin] sa kin na matutuloy pa rin daw yung project.

“We just have to wait and fix some things.”

Samantala, ipinalabas ang unang tatlong episodes ng GMANews TV original series na Bayan Ko sa GMA-7 noong Huwebes Santo, March 28.

Isang mapangahas na serye ang Bayan Ko, kung saan gumaganap si Rocco bilang mayor ng isang naghihikahos na bayan. Tinatalakay ng serye ang mga realidad ng lipunan.

Nang mabanggit kay Rocco ang pagpapalabas ng Bayan Ko sa GMA-7 ay hindi maitago ang tuwa ng aktor.

Ang reaksiyon nito, “Talaga? Wow! I’m excited! Talaga? I’m excited.

“Gustung-gusto kong mangyari yun kasi para dumami yung audience natin.

"I’m not saying na konti lang audience sa [GMA News TV].

“Pero it would be good, it would be better kung sa GMA siya ipapalabas para makita ng ano, para mas maging malaki yung following niya.

“Medyo ecstatic ako ngayon, totoo.

"I’ve been hearing a lot of good reviews about Bayan Ko.

“Marami siyang natata-tackle na issues and people understand. Yun ang maganda dun.

“Maraming nakakaintindi sa story, hindi lang dahil andun sila Tito Pen [Medina], kamin nila LJ [Reyes]. Hindi dahil dun. Ang hinahanap nila yung story.

“Ang hinahanap nila yung mga issues na nata-tackle. And nakikita namin naapektuhan yung mga tao, which is good, yun yung objective namin.”

Kung siya ang papipiliin, anong klaseng proyekto pa ang gusto niyang gawin ngayong taon?

Sagot ni Rocco, “It’s always action para sa ‘kin. It’s always action-drama para sa ‘kin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun talaga yung dream ko…to bring, buhayin ulit ang action.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN