Lovi Poe on reported transfer to TV5: "I don’t know anything. There’s nothing to talk about. I don’t know."

Tapos na ang kontrata ni Lovi Poe sa GMA-7, at ngayon ay malakas ang usap-usapan na lilipat na siya sa TV5 kung saan mayroon daw siyang napakalaking offer. Ngunit nang tanungin ang aktres tungkol dito ay wala pa siyang masabi.


Whether or not Lovi Poe is transferring to TV5, from GMA-7 kung saan nag-expire na ang kontrata niya, is anybody’s guess.

"Hmmm... I don’t know anything. There’s nothing to talk about. I don’t know," sambit ni Lovi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres noong March 27 sa set ng Sana Dati, her lead-starrer para sa 2013 Cinemalaya Film Festival (Directors’ Showcase).

In-between takes ng indie film na idinidirek ni Jerrold Tarog ay maraming naibahagi sa PEP si Lovi.

Para sa aktres, ang tungkol sa pinag-uusapang paglipat niya ng istasyon should be between her manager (Leo Dominguez) and the concerned networks (TV5 and GMA-7).

"Yeah, oo. My manager lang,” aniya.

Kinumpirma naman ni Lovi na expired na ang kontrata niya sa GMA-7.

"My contract is done na, oo."

Masasabi bang "floating" sa ngayon si Lovi?

"I don’t know. Right now kasi, parang I’m just enjoying muna doing this independent film," sabi rin niya, referring to Sana Dati.

But then, patuloy ang paglabas ng mga write-up. Some of which say na mananatili si Lovi bilang isang Kapuso talent; ang iba nama’y nagsasabing lilipat ng istasyon ang premyadong aktres dahil sa “35 million-peso offer” ng TV5.

To which Lovi remained non-commital: "I don’t know..."

At meron namang write-up na nagsaad na kesyo nag-seek pa raw ng advice si Lovi sa ex-boyfriend niyang si Ronald Singson, hinggil sa TV5 offer.

Tungkol sa huling espekulasyon, na nabanggit sa isang daily tabloid, ay hindi naging masaya ang mukha ni Lovi.

"I don’t know where that came from. Oo, I don’t know where that came from.

“I don’t know..." sunud-sunod na banggit ni Lovi.



CLOSENESS TO ROCCO NACINO. But Lovi’s face immediately lightened up at nangiti siya nang banggitin ng PEP ang tungkol naman sa usap-usapan na ring closeness nila ng young actor na si Rocco Nacino, her leading man in Yesterday’s Bride.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nasabing drama series ang huling tinampukan ni Lovi bago nag-expire ang kanyang kontrata sa GMA-7.

Sinasabi ngang nagpatuloy ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Lovi at Rocco kahit tapos na ang kanilang pagtatrabaho sa serye.

"Yes, of course!" bulalas ni Lovi.

"Okey naman. ‘Yon, magkaibigan kami... oo, magkaibigan pa rin kami," pagtukoy pa niya sa ugnayan nila ni Rocco.

Gaano naman sila ka-close ngayon ni Rocco kumpara noong may teleserye pa sila?

Sabi ni Lovi, "Well, I don’t know now, kasi parang... very focused sa trabaho.

"Especially, di na kami katulad ng dati na halos every day laging nagkikita. Hindi na rin, e."

Gayunpaman, Lovi and Rocco enjoy each other’s company hanggang ngayon.

"Yes, of course," patotoo uli ng young actress.

Hindi man magkita nang madalas, may communication daw sila through texting.

Sa importanteng okasyon, Lovi makes it a point na magpakita rin sa kaibigang young actor.

"Kaka-birthday lang niya, dumaan ako after..." banggit din ni Lovi, tungkol sa nakaraang birthday celebration ni Rocco, with some cancer-stricken kids at the Rockwell Powerplant Mall.

March 21 ang actual birthdate ni Rocco; the celebration came after, last March 23.



INSPIRED BY THE FRIENDSHIP. Walang kinumpirmang romantic relationship sa ngayon si Lovi, pero inamin niyang inspired siya sa friendship nila ni Rocco.

"Of course," sabi pa ng dalaga. "Kahit sino namang kaibigan ko, parang... nai-inspire talaga ako.

"Especially since I got to work with him and I’ve always been ano naman... vocal, na I’ve really enjoyed his company."

Sino mang common friends ng dalawa would also attest na the guy is a good person.

"Yes, he is. He is. Yeah," pag-agree rin ni Lovi about Rocco, who is Raphael Enrico Nacino in real life.



THE OTHER GUY, PAULO AVELINO. Bukod kay Rocco, ang isa pang malapit na young actor kay Lovi ay si Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa movies, laging nagkakatrabaho sina Lovi at Paulo. They did Aswang in 2011 and shot the movie The Bride and the Lover in 2012.

Now, magkatambal din sina Lovi at Paulo sa Sana Dati, para sa Cinemalaya Filmfest 2013.

Sabi ni Lovi, "I could say na... I really love working with Paulo, kasi matagal na kaming... lagi na kaming magkatrabaho na.

"Sa Aswang pa lang... ano na, e. Kumbaga, may bonding na kami, e.

"We’re already comfortable with each other.

“So, masarap siyang katrabaho. Masarap siyang kabatuhan ng linya.

"Magaling din siyang actor."

Mas naunang nag-artista si Lovi kaysa kay Paulo; mas naunang nag-achieve.

Pero mabilis ding nag-achieve si Paulo, lalo nang lumipat siya sa ABS-CBN, mula sa GMA-7 kung saan nagmula ang young actor bilang isa sa mga StarStruck alumnus.

Ngayon, pareho na silang multi-awarded actors.

Nangiti uli si Lovi, bilang pagsang-ayon. Then, she continued, "So, masaya ako dahil parang magkapatid na kami ni Paulo."

Lovi said "parang magkapatid" sila ni Paulo dahil iisa rin ang kanilang manager—si Leo Dominguez.

"Si Tito Leo, he’s very good," banggit pa ni Lovi.

About her movie-starrer opposite Paulo, Lovi informed na mauunang ipalabas ang The Bride and The Lover.

"Tapos na siya. Sa May 1 [ang opening].

“Excited ako dahil finally, after a year in the making, ipapalabas na, di ba?

"Ang tagal din no’n, e, di ba?

"Kasi, the three of us—me, Paulo, and Jennylyn [Mercado], and everybody else, mahirap... ang schedules.

"Madami kasing work," banggit pa ni Lovi.

As adult romantic drama, The Bride and The Lover, said Lovi, “is very different.”

Dagdag niya, “Medyo comedy din; drama-comedy.

"Our characters are in their early 20s, no longer in their teens.

"May past, present and future. Parang gano’n. Maganda!" excited pang wika ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN