Alessandra de Rossi, Bugoy Cariño, Anita Linda big winners in AIFFA 2013; Sta. Niña wins Best Picture

Ang Sta. Nina (starring Coco Martin na siya ring co-producer) ay itinanghal na Best Picture - Drama, Alessandra de Rossi won as Best Actress for Sta. Niña, veteran actress Anita Linda bagged the Best Supporting Actress (for Sta. Niña), at ang 9-year-old na si Bugoy Cariño ay napagwagian ang Best Supporting Actor award (for Alagwa).


SARAWAK, MALAYSIA – Matagumpay na inilunsad ang 1st ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) 2013, sa Borneo Convention Centre dito sa Kuching, Sarawak, Malaysia kagabi, March 30 (Sabado), 7pm.

Pabulosa ang naging preparasyon at pagtatanghal ng big film industry event na ito sa Malaysia dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama-sama ang delegates ng siyam na ASEAN countries na bagama’t iba’t iba ang kultura ay nagkakaisa pagdating sa iisang adhikain— ang makagawa ng mga makabuluhang pelikula.

Dito makikita ang biggest gathering of Asian filmmakers, actors, producers at production people na talagang ginastusan ng organizers (Worldcom) at ng tourism industry ng Sarawak, Malaysia sa pamumuno ng kanilang Prime Minister na dumating sa gabi ng parangal sa sosyal na events venue (na maihahalintulad sa PICC sa Manila).

Ang sumulat ng artikulong ito ay kinatawan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kabilang sa entourage ng mga Pinoy delegates na pumunta dito upang saksihan ang nasabing film festival.

Kahanga-hanga ang mga luxury cars na ginamit sa pagsundo ng mga international celebrities mula sa kani-kanilang hotels patungo sa Borneo Convention Centre.

Ang mga Pinoy celebrities ay sinundo ng mga luxury cars na Bentley (Jericho Rosales), Porsche Cayenne (Alfred Vargas), Porsche Cayman (Daisy Reyes), and Ferrari 458 (Dominic Roco).

Maayos at mabilis ang pacing ng show na ipinalabas live mula sa isang local channel nila dito. The show proper was hosted by Malaysian singer-actor Tony Eusoff.

Ang participating Asian countries ay: Malaysia, Singapore, Indonesia, Hong Kong, Vietnam, Brunei, Myanmar, Laos, and the Philippines.

FOUR PROUDLY PINOY AWARDS. Hindi biro ang tagumpay na nakamit ng Philippine Team dahil hindi lamang isa, dalawa, o tatlo ang napanalunan ng Pilipinas kundi APAT na major awards, kung kaya’t overwhelming ang kasiyahan ng Pinoy delegation.

Dahil sa malaking achievement na ito, muli nating napatunayan ang world-class Filipino artistry sa larangan ng kultura at sining. At higit sa lahat, muli nating napatunayan na ang Philippine cinema ay handang makipagsabayan— at mapansin— sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Sta. Nina (starring Coco Martin na siya ring co-producer) ay itinanghal na Best Picture - Drama, Alessandra de Rossi won as Best Actress for Sta. Niña, veteran actress Anita Linda bagged the Best Supporting Actress (for Sta. Niña), at ang 9-year-old Bugoy Cariño ay napagwagian ang Best Supporting Actor award (for Alagwa).

Una nang nanalong Best Supporting Actress si Ms. Anita Linda (same film) sa Cinemalaya 2012; si Bugoy naman ay nanalo rin as Best Child Actor (same film) sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press club (PMPC) nito lang March 10, 2013.

Sayang at hindi pinalad si Jericho Rosales, na sikat nga dito sa Malaysia, dahil ang nanalo (by a thin margin daw, ayon sa isang reliable source ng PEP) ay si Shalheizy Sam ng Malaysia for Songlap.

Ngunit sabi nga ni Jericho noon pa lang na ina-announce ang official nominees noong opening night sa Sarawak Cultural Village, ma-nominate lamang siya ay “winner” na siya at isang malaking karangalan ito para sa kanya at para sa Pelikulang Pilipino.

For Best Picture – Drama, tinalo ng Sta. Niña (directed by Emmanuel Quindo Palo) ang mga sumusunod na pelikula: Bunohan (Malaysia), Songlap (Malaysia), Atambua 39 Degree Celsius (Indonesia), at Rayya (Indonesia).

For Best Actress, dinaig ni Alessandra de Rossi ang mga sumusunod na Asian actresses na personal na nag-attend nga awards night: Marcella Zalianty (Batas / Indonesia), Titi Sjuman (Rayya / Indonesia), Lisa Surinam (Istanbul Aku Datang / Malaysia), and Jojo Goh (Feb 29 / Malaysia).

For Best Supporting Actress, “kinabog” ng ating veteran ang highly-respected actress na si Ms. Anita Linda ang kanyang co-nominees: Acha Septriasa (Rectoverso / Indonesia), Normah Damanhuri (Songlap / Malaysia), Henidar Amroe (Sang Martir / Indonesia), and Rose Mary (Kayan Beauties / Myanmar).

At for Best Supporting Actor, waging-wagi ang 9-year-old na si Bugoy Cariño at “pinataob” ng batang actor ang adult actors na sina: Tio Pakusadewo (Sang Martir / Indonesia), Chua Jin Sen (Taxi! Taxi! / Singapore), Lenny Ooi (Kepong Gangster/ Malaysia), at Piet Pagau (Batas / Indonesia).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-nominate rin si Direk Emmanuel Quindo Palo as Best Director for Sta. Nina (na nominado rin as Best Editing), ganoon din ang Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro ni Direk Sigfreid Barros-Sanchez as Best Picture - Comedy.

Personal na tinanggap ng Alagwa writer-director na si Ian Loreños ang trophy ni Bugoy at nagpalakpakan ang audience habang nasa stage at nag-acceptance speech si Direk Ian dahil isang child actor ang tumalo sa mga adult actors na nabanggit.

Nagsilbing awards presenters sina Jericho, at dalawa pang Pinoy actors na kasama sa entourage: Dominic Roco (represented Ang Nawawala) at Alfred Vargas (represented Supremo).

Nag-perform naman ng song number si Ima Castro na nakasama sa Ms. Saigon international program mula 2001-2006.

Walang idea ang heads of Philippine delegation at Philippine liason directors na sina Dante Nico Garcia at cinematographer Rain Yamson, II, kung sinu-sino ang mga mananalo kung kaya’t hindi na rin naimbitahan ang iba nating Pinoy winners.

Ang nominasyon ay pormal lang inanunsiyo noong March 28, two days ago at kahapon lang nagbotohan at nag-deliberate ang mga hurado.

THE 13 PINOY FILMS. Ang short-listed 13 Pinoy films na opisyal na naipadala ng Pilipinas ay: Alagwa by Ian Loreños, Sta. Niña by Emmanuel Palo, Posas by Lawrence Fajardo, Ang Nawawala by Marie Jamora, Oros by Paul Sta. Ana, Colossal by Whammy Alcazaren, Supremo by Richard Somes, The Grave Bandits by Tyrone Acierto, Aparisyon by Vincent Sandoval, Mga Kidnappers ni Ronnie Lazaro and In Bangka Ha Ut Sin Duwa Sapah (The Boat Between Two Rivers) both by Sigfreid Barros- Sanchez, Qiyamah by Gutierrez Mangansakan II, and The Animals by Gino Santos.

Kasama sa Philippine delegates na dumating dito sa Malaysia ang indie filmmakers na sina Sta. Ana, Alcazaren, at Fajardo.

Nauna nang dumating dito noong March 26, Martes, ang award-winning actor and director na si Ricky Davao, dahil kasama siya sa jury panel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Davao ang apat pang jury members na sina: U-Wei Haji Saari (jury head/one of Asia’s most respected film directors; the first Malaysian to have his work selected for the Cannes Filmfest); Deborah Gabinetti (founder and director of Bali Film Center, Indonesia); Jack Neo Chee Keong (blockbuster Singaporean film director; one of the most prolific filmmakers in Singapore); U Aung Lwin (an accomplished actor and film director for five decades from Myanmar).

For support ay kasama rin sa Philippine delegates sina Mark Lapid (COO ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA, na dating Philippine Tourism Authority), actor-filmmaker Jess Lapid Jr., TIEZA Corplan Manager Jetro Lozada and technical assistant Fidel Arcenas, and Ricardo Sanchez.

Sumama rin for moral support kay Jericho ang magandang girlfriend nito at Etcetera host na si Kim Jones; ang actress, former Bb. Pilipinas-World and now Pateros councilor Daisy Reyes, new short filmmaker Paolo Reyes, Marinez Elizalde (Jericho’s handler), Kai Magsanoc, columnist Pilar Mateo, at ang writer na ito.

Hindi nakarating si Dante Nico Garcia dahil sa personal na kadahilanan, ngunit nandito naman si Yamson.

Ayon sa AIFFA Festival Director na si Ms. Livan Tajang (of Malaysia), mahigit 100 films mula sa participating countries ang lumahok sa nasabing filmfest na naglikha ng malaking ingay sa buong Asia at nag-iwan ng kakaibang marka sa Sarawak, Malaysia.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo:

Best Picture – Drama: Sta Niña (Philippines)

Best Picture – Comedy: Istanbul Ako Datang (Malaysia)

Best Picture – Action: Songlap (Malaysia)

Best Director: Riri Riza (Atambua 39 Degree Celsius / Indonesia)

Best Actor: Shaheizy Sam (Songlap / Malaysia)

Best Actress: Alessandra de Rossi (Sta. Nina / Philippines)

Best Supporting Actor: Bugoy Cariño (Alagwa / Philippines)

Best Supporting Actress: Anita Linda (Sta Niña / Philippines)

Best Screenplay: Dain Iskandar Said (Bunohan / Malaysia)

Best Film Editing: Cesa David Luckmansyah (Sang Martir / Indonesia)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Film Photography: Rahmat Ipung Syaiful (Rayya / Indonesia)

ASEAN Spirit Award: Cinta Tapi Beda (Indonesia)

Special Jury Award #1: Kayan Beauties (Myanmar)

Special Jury Award #2: Rectoverso (Indonesia)

Special Jury Award #3: Ada apa dengan Rina (Brunei)

Special Jury Award #4: Taxi! Taxi! (Singapore)

Special Honour Award: Hanyut

Lifetime Achievement Award 2013: Michelle Yeoh (Crouching Tiger, etc.) na tubong Malaysia na nakalikha ng di matatawarang achievements sa kanyang career. Tinatawag siyang Datuk Seri Michelle Yeoh dito bilang pinakamataas na pagkilala sa isang tubong Malaysia.

Ayon sa AIFFA Festival Director na si Livan Tajang, ang susunod na awarding ay sa 2015 pa, “... To prepare the filmmakers to produce and make quality movies. Mounting a big event like this is also tasking, but I am overwhelmed of its success. I would like to personally congratulate all the winners.”

Ngayong araw na ito, March 31, ang balik ng Philippine delegates sa Manila, lulan ng Malaysian Airlines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN