Pops Fernandez on being happily single: “I think, there was a time na I was frustrated, I wanted to be with someone.”

Pops on the perils of dating: “Kasi I think, ang nangyayari, I don’t wanna call it a label. I think, I’m open to meet new friends. And I want it to be called friendship first para walang pressure. Nakaka-pressure kasi pag tinatawag mong date or whatever! Pero ako, ewan ko... sa akin, I expect so much and I’m sure they also expect so much.”


Kung hindi nakapag-out of town si Pops Fernandez sa kakatapos na Semana Santa, malamang na dito lang siya sa Manila nanatili kasama ang kanyang dalawang anak na sina Robin at Ram.

Sa huling interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pops, sinabi nitong ilang taon na rin siyang sa Manila na lang namamalalagi tuwing Holy Week.

Mas gusto raw kasi niyang dito magpahinga at magkaroon ng quality bonding time kasama ang kanyang mga anak.

Proud na ibinalita ni Pops na successful ang latest show ng kanyang anak na si Robin sa Teatrino sa Promenade, Greenhills.

“He did very well naman and he’s pursuing his singing career at producing records. Si Ram naman is a cartoonist.

“He works in an animation company... ever since, yun ang gusto niya,” pagbibigay-impormasyon ni Pops sa mga pinagkakaabalahan ng dalawa niyang anak.

Nakakasabay ka pa ba sa mga anak mo? Since may mga sari-sarili na rin silang mga buhay at gusto?

“Oo nga, e... lalo na ngayon si Ram he has a regular 9-5 job. Siyempre, pag-alis niya nakakapag-goodbye na lang siya.

“Normally, pag nakakauwi na siya, ako naman yung may work or either merong meeting or someting.

“So, nagkikita-kita na lang kami pag week day during the morning. So, we try although depende sa schedule ko the night before, but we try to spend time together pag Sundays.”

BACK HOME WITH MOM. Ibinalita ni Pops na bumalik na sa poder niya si Robin na sinubukang mamuhay mag-isa sa kanyang inuupahang apartment sa Makati.

“Baka na-miss nila ako, yun ang gusto kong sabihin kaya sila bumalik sa akin! Pero in denial ako,” sabi ni Pops sa naiisip na rason kung bakit bumalik sa kanya ang dalawa niyang anak.

Si Ram daw kasi ay may mga pagkakataong nakipag-bonding sa ama niyang si Martin Nievera noong nandito sa Pinas ang Concert King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas maganda lang pakinggan na na-miss nila ako, di ba?” dugtong na sabi ni Pops.

Hindi mo talaga kayang mawalay sa iyo ang dalawa mong anak?

“It was really... I like the fact they’re very independent. Gusto ko yun. Kasi I have two boys, di ba?

“Gusto ko nakakapag-decide na rin sila. But, of course I still give my opinion and my comments as a mom. Lalo na kapag kailangan kong mag-comment.

“Pero na-miss ko rin naman sila. So, when they decided to come back, na-happy naman ako. Kasi ang quiet-quiet, e.”

BONDING WITH HER BOYS. Paano ba ang samahan ninyo ngayon?

“I think, mas closer kami ngayon... well, they have their own privacy and so do I. We’re very open to talk about anything lalo na pag meron akong mga questions or something that concerns me.

“We’re very open to discuss whatever. Kasi ever since naman, ang gusto kong mangyari, I want them to be honest with me.

“Kasi in that way I can also help. Lalung-lalo na if its personal or feeling something, di ba? That’s the only time I can really feel na I can really be a mom to them, di ba?

“Other than that we’re just really friends. Pero siyempre, umiiral pa rin ang pagka-mom ko.”

MOMMY MODE. Anu-ano yung mga instances na umiiral ang pagiging Mommy mo?

“Siyempre, pag hindi ko na sila masyadong nakikita, nagi-emote na ako. I kinda set my foot down.

“Hey, we rarely see each other. That’s of course not by their choice coz yun na nga... ako rin naman, I have kumbaga... hindi lang nagma-match yung schedules namin.

“Pero siyempre, pag feeling ko medyo matagal-tagal na nakikiusap na ako na, ’Hey, we have to spend time [together].’

“Mababait naman ang mga anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEDDLING WITH LOVE LIVES? Sa mga lovelives ba nila medyo nakikiusyoso ka rin?

“I try not to say anything. As a matter of fact, if I know and I feel that... they’re happy naman.”

Nakilala mo na yung mga girlfriends nila?

“Oo naman! Always, always... Like I said, I’d rather know about it than let them keep things away from or hiding things from me. I think that’s better. We have naman an open communication.

“So, pag hindi ako comfortable and if there are certain things na hindi nila dapat ginagawa, sinasabi ko naman. Nakikinig naman sila.

“Siyempre, kumbaga, they’re still young, you know what I mean? Baka they think it’s right.But siyempre, marami na rin akong napagdaanan. I just wanna give my comments.”

Ayon kay Pops si Robin lang raw ang may love life, samantalang concentrated sa kanyang trabaho ang kanyang bunso.

“May mga friends-friends siya,” sabi niya patungkol kay Ram.

“But I think, his schedule is so tight. He has time naman for his friends. But wala pa siya sa level na yun [having a girlfriend],” na ang tinutukoy niya si Ram.

NOT DATING? Napakaganda ni Pops sa lahat ng anggulo pero marami ang nagtataka kung bakit wala pa siyang boyfriend hanggang ngayon?

“I think, there was a time na I was frustrated, I wanted to be with someone. But I think right now, parang na-enjoy ko masyado yung pagiging independent ko, yung pagiging single ko.

“In other words, I love the fact I can just go out with friends. I also like the fact that I can date and I’m free to date and get to know other people.”

Hindi ka naman takot umibig uli?

“Slight!” mabilis niyang sagot saka sinundan nang malakas na tawa.

“Parang... maybe in a way I am kinda takot but at the same time... kasi I’m also into a lot of things. So, my time is also kinda focused on other things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero when I do feel like I wanna go out, yun na nga, I just have fun with my friends and I found out na even if I have a group of friends, wala rin akong enough time.

“Alam mo, ini-enjoy ko yun. Like, recent lang kami nagkikita nina Regine [Velasquez]. Ang tagal-tagal ko na silang hindi nakikita. Tapos, my non-showbiz friends recent lang na [nakikita].. .iba-ibang group of friends yun, e.

“Nari-realize ko na, my God! Hindi ko na pala nakikita sina Liezl [Martinez, wife of Albert Martinez].

“So, pag ganun ako naman yung nagi-emote.’Hoy, ang tagal-tagal na nating hindi nagkikita.’

“You know, I make effort to spend time together. So, na-enjoy ko yun and at the same time I’m not saying na I don’t go out,” pahayag ni Pops.

Ilan ba ang mga dini-date mo?

Napangiti si Pops sa narinig.

“Parang ang dami-dami!

“Kasi I think, ang nangyayari, I don’t wanna call it a label. I think, I’m open to meet new friends. And I want it to be called friendship first para walang pressure.

“Nakaka-pressure kasi pag tinatawag mong date or whatever! Pero ako, ewan ko... sa akin, I expect so much and I’m sure they also expect so much.

“So, if you just call it and name it na, ’hey, we have a friend! Let’s go out with a friend or something.’ Parang it’s less pressure and becomes more fun,” pagklaro niya.

Anong sinasabi ng mga mga anak mo kapag may umaakyat ng ligaw sa bahay mo?

“Wala, cool lang sila. Pero siyempre, nagtatanong rin sila. ’Hey, Mom what’s that?’”

Meron ba silang ina-approve or dini-disapprove?

“Wala! Wala naman. They’re very... I think, as long as they know what’s happening and as long as they know and I give them the background of kunwari as to who my friends are... parang nare-relax na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako rin naman, ganun din naman sa kanila. I just wanna know who’s that person, who’s your friend? Where did you meet her? Pag gano’n naman, okey naman sila.”

RELATIONSHIP WITH MARTIN. Nang matanong namin si Pops kung okay na sila ni Martin, nakangiti naman siyang sumagot ng

“Okay naman.”

Wala na ba kayong iritahan o tampuhan sa isa’t-isa?.

“Wala. It hasn’t happened in a long time.

“Siyempre, yung iritahan namin it has a lot to do with the boys pa rin [Robin and Ram]. May mga kanya-kanya kaming style... kunwari, raising the kids pa rin. So, minsan, doon kami medyo di nagkakasundo.

“Pero it hasn’t happened in a long time and parang thank god also because we have already outgrown that.

“Kung meron man sigurong hindi pagkaka-intindihan parang we give each other a break first, we breath first before we actually talk to each other and continue to automatically understand each other, di ba?” saad niya.

Natawa nang malakas si Pops sa tanong namin kung paano siya nakikisama sa mga nagiging partner ni Martin. Hindi imposibleng hindi niya makilala ang mga ito, banggit namin.

Hindi maawat-awat ang malakas na tawa ni Pops, “Hindi ko alam!”

Naguusap ba kayo?

Nangingiti pa rin si Pops bago sumagot, “Put it this way. Whoever his partner will be... whatever, now or in the future... I know wala naman akong say, di ba?

“At wala naman akong karapatang magsalita ng anything. Kasi kumbaga, that’s part of the choice that we made in our lives.

“For as long as he’s happy and I think that’s the most important thing naman. I think, masa-sad ako and I will still very affected when I find out na he’s not happy with the relationship or something like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi I would feel that way with my friends. What more with somebody who I was with before?

Ibig sabihin hindi mo pa nami-meet or nakikita or nakakausap?

Tumawa uli nang malakas si Pops saka nagsalita sa amin ng off the record.

Nasabi lang niya, “Basta, kung sinuman yun in the future or whatever, basta, as long as he’s happy. I think yun naman yung... after so many years... I think the secret of life is really just trying to be happy.

“And I just realized that, my God! You can outwork yourself and you can try to earn, and you can try be successful..

“All these you can try. But it’s really-really hard. But you can’t buy happiness, di ba?

“So, for me, whatever makes you happy and I think, as long as wala ka namang nasasaktan and then you really respect the people around you, there’s nothing wrong.”

OPEN TO ACTING AGAIN? Matagal-tagal na ring hindi umaarte si Pops. Ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang I Love Betty La Fea sa ABS-CBN noong 2009.

Ayaw mo na bang umarte sa telebisyon?

“Hindi naman, unless its a great-great role siguro,” sagot niya agad.

Ayaw niya bang pumangit, ma-haggard sa taping or gumanap na mother roles?

“No, I’ve already been a mother so many times. I think that’s not an issue. I have two huge kids. I mean, that’s not even the thing.

“I mean, I just really wanna focus on the businesses that I have. Tapos, occasionally performing. As a matter of fact, ang tagal-tagal ko nang hindi kumanta before Foursome, di ba?” banggit niya sa nakaraang back-to-back concert nila nina Regine Velasquez, Martin at Ogie Alcasid sa MOA.

“Pero I’m so glad that I’ve been given a chance again to be able to perform in a big venue. Kasi masaya, na-miss ko naman siya talaga. And I can’t lie about that. That’s a different high again on stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And maybe it will take a while before I do it [TV acting] again.

“Yun nga, unless nga siguro na mabibigyan ko nang justice. It’s a role na babagay talaga sa akin. Bakit hindi?” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN