Rosanna Roces gets into a physical fight with son Onyok

by Rommel R. Llanes
Apr 1, 2013
Naging maaksyon ang Biyernes Santo ni Rosanna Roces nang makasagutan at magkapisikalan sila ng anak na si Onyok. Bukod sa paglalahad ng mga pangyayari at paglalabas ng sama ng loob sa kanyang Facebook account, nakasagutan din ni Osang ang sinasabing ama ni Onyok.

Naging madrama at maaksyon ang Biyernes Santo ng dating sexy star at aktres na si Rosanna Roces.

Nag-away at nagkasakitan sila ng kanyang anak na lalaki na si Onyok.

Sa kanyang Facebook account nung Biyernes, Marso 29, inilahad ni Osang ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang anak.

“kung alam ko lang na lalaki kang ganyan at aabot sa puntong pinaka aayawan ko ..yung sumagot kayo ng pabalang..pero ngayon sinaktan mo pa ko dahil sa p[-----]inang syota mong di mo kadugo...Sana pinatanggal ko na lang ang gamot na bumubuhay sa yo nung nagkasakit ka....walang kapatawaran sa ginawa mo onyok...Gagapang ka sa lupa!!!!”

Umabot pa sa puntong nagkapisikalan ang mag-ina.

Inilagay pa ng Gawad Urian 2002 Best Actress at 2011 Best Supporting Actress awardee sa kanyang FB status:

“DI AKO MAKARELAX SINAPAK AKO SA MUKHA ....EH! SIKO NAMAN GINANTI KO SA ILONG NYA!
NANGINGINIG ANG P[-----]INA DI NA MAKAGALAW SA KINASADLAKAN..[---]INA AKO PA GAGALITIN NYO EH LAKI AKO SA KALSADA..KAYO P[-----]INANYO PURO PAGPAPALAKI NG B[---]G ALAM NYO! KAHIT DALAWA PANG SINLAKI MO ONYOK ALAM MO GANO KO KALAKAS
PASALAMAT KA WALA NA AKONG BARIL !!”

Continue reading below ↓

Inilagay pa ng aktres sa kanyang FB status kung paano niyang tinangka niyang saksakin ng kutsilyo ang lumapastangan sa kanyang anak at ang paghingi rin ng tawad nito.

“hindi sapat na LUMUHOD KA SA HARAP KO.... AT HUMINGI NG TAWAD NA GALING SA ILONG.

SA DIOS KA LUMUHOD AT MANGHINGI NG TAWAD ..DAHIL SA KANYA MANGGAGALING ANG KAPARUSAHAN MO SA GINAWA MO SA INA MO.

PASALAMAT KA NA RIN..YUNG ISASAKSAK KO SA YO...NASALAG NI DIDING.

BASTA AKO MANHID NA AKO SA MGA PINAGAGAWA NYO SA AKEN ...KAYA KO NA KAYO [TIISIN] ...NAGAWA KO NA LAHAT.

AANHIN KO ANG ME KASAMA KUNG GINAGAWA NAMAN AKO TAU TAUHAN. TANDAAN MO LANG
WALANG TAONG NABUBUHAY NG PARA SA SARILI NYA LANG.

WALA KA PANG NARARATING!!!

WALA KA PANG NAPAPATUNAYAN......

AT LEAST AKO.......... ICON AKO!!! EH IKAW???

BUTI NGA LUMAYAS NA!!! ( NATAWA naman ako sa dayalog ko na to)”

Sa tindi ng galit ni Osang, sinabi pa niyang gusto na niyang ibalik sa Diyos ang anak na nakaaway.

Continue reading below ↓

Pinalalayas na rin niya ito sa kanyang bahay.

Nakasagutan din ng dating Sa Ngalan Ng Ina star ang ilang nagkokomento sa kanyang Facebook wall.

Partikular na ang isang lalaking tila pinatutungkulan ni Osang na siyang ama ni Onyok.

Sa takbo ng palitan nila ng mga komento, sinisisi ni Osang ang lalaki sa pambubugbog nito sa kanya nung ipinagbubuntis pa lang niya si Onyok.

“Pinalayas ko na anak mo isama mo sa kabit mo kung gusto mo pareho kayong palamunin !” sabi ni Osang sa lalaking kausap sa kanyang Facebook wall.

Sinisisi niya rin ito kung ano siya ngayon.

May mga inilagay pa si Osang sa kanyang pakikipag-usap sa lalaki na nagbubunyag kung paano sinira diumano ng lalaki ang kanyang buhay.

Ang lalaki rin ang pinatungkulan niya ng isa pa niyang FB status nung araw ring iyon:

“me taong NAGMAMALINIS dto....ngayon ka magpaka tatay H----T ka!!!!”

Inilagay rin ni Osang sa kanyang status ang isa pang problema niya sa bahay dahil sa gulong nangyari sa kanila ni Onyok.

Continue reading below ↓

“Syet eto na ngayon ang totoong problema....paano ko gagawin lahat ng pinto na winarak ko at mga dingding na butas butas sa saksak ng kutsilyo. gunting at screw driver. ..ok na din to masilya lang at plywood tsaka bubble gum..importante ..ang katahimikan na lagi kong inaasam. mas masarap pa kasama ang musika. __END_”

Kinabukasan, Sabado, Marso 30, mahinahon na ang tono ng status ni Osang. Galing daw siya sa kanyang anak na si Grace.

“just got home fr Grace's house to see my grandkids...so relaxing and still grateful for their love and affection, missed nanay though. got a kiss from grace hehehehehe sarap”

May apo si Osang kay Grace na bunga naman ng pakikipag-ugnayan nito sa anak ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na si Jolo Revilla.

Tatlo ang anak ni Grace—isa kay Jolo at dalawa sa isang lalaking hindi konektado sa showbiz.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rosanna at sa iba pang sangkot sa pangyayaring ito para sa mga paglilinaw.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Rosanna Roces, Onyok Adriano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging maaksyon ang Biyernes Santo ni Rosanna Roces nang makasagutan at magkapisikalan sila ng anak na si Onyok. Bukod sa paglalahad ng mga pangyayari at paglalabas ng sama ng loob sa kanyang Facebook account, nakasagutan din ni Osang ang sinasabing ama ni Onyok.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results