PEP EXCLUSIVE. Jake Ejercito on status of relationship with Andi Eigenmann: “Wala na, matagal nang wala. End na siguro.”

Aminado si Jake Ejercito na nagulat siya nang madawit siya sa kontrobersiya dahil sa naging relasyon nila ni Andi Eigenmann. Saad niya, “At first, since I’m not from showbiz, though I belong to a showbiz family… ako, personally, hindi. So nagulat talaga ako, so at first, I don’t really know how to handle it. Nagtu-tweet lang ako once in a while kung medyo nag-ano sila, nag-exaggerate, kapag hindi na… Nagtu-tweet lang ako siyempre to sa


Tahimik lang at pasimpleng nakipagkamay si Jake Ejercito sa mga dumalo sa proclamation rally ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at ng dating aktor na si Isko Moreno sa Liwasang Bonifacio noong Linggo, March 31.

Tumatakbo bilang mayor at vice mayor ng Manila sina Erap at Isko.

Matapos ang rally, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake ang kanyang pag-aaral sa London at kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Andi Eigenmann.

Sagot niya, “Okay naman ako. I’m on my semestral break right now so I’ll be here in the Philippines for the next three weeks.”

Isa rin daw sa mga dahilan ng kanyang pamamalagi sa bansa nang matagal ay para makatulong sa kampanya ng ama.

Saad niya, “Yeah, I’ll help him in the campaign that’s why I’m here.

“Para lang mag-campaign at para sa niece ko na si Janella.”

Si Janella Ejercito ay anak ng half-brother ni Jake na si Senator Jinggoy Estrada at tumatakbong konsehal sa San Juan.

Dagdag ni Jake, “After three weeks, I have to go back to London kasi exams na namin nun, e.

“Second year out of three, so next year I’ll be done na. I’m finishing next June [2014]."



JAKE IN POLITICS? Ano ang mga ginagawa niya para sa pangangampanya para sa ama?

Ani Jake, “We’ll, I’m… nag-iikot na rin ako by myself.

“I’m leading the youth group of my dad, iikot na rin barangay-barangay with my brother Jacob, yung bunso namin.”

Si Jake ay pangalawang anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Tatlo silang magkakapatid; ang panganay ay si Jerika at si Jacob ang bunso.

Maganda ang hubog ng pangangatawan ni Jake at hindi rin maitatawang may hitsura siya.

Advantage ba yung good looks para mapansin sa ginagawa niyang campaign sorties?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sagot ni Jake, “Siguro, nakakatulong siya and I can’t deny it na nakakatulong naman. Siguro to catch attention… mga ganun.”

Nakikita ba niya ang sarili niya na papasok din sa pulitika balang-araw?

Tugon niya, “Well, I’m taking Political Science so I can’t rule it out.

“Pero, it’s medyo malayo pa. Wala pa sa isip ako.”



“THE END” WITH ANDI. Masalimuot ang naging relasyon ni Jake sa young actress na si Andi Eigennman. Umabot pa nga ito sa pagdepensa ng kani-kanilang mga magulang sa kanila.

Kumusta na sila ni Andi ngayon?

Sabi ni Jake, “Yeah, we’re friends naman and we still talk to each other, once in a while… yeah, we’re friends.”

Pero hindi sila nagkabalikan?

“Wala na, matagal nang wala. End na siguro,” sagot niya.

Kilala ba siya ng anak ni Andi na si Ellie?

“Kilala ba ako ni Ellie? Hindi ko alam, hindi siguro…

“I’ve met her naman, pero hindi ko siya nakita all the time, but I’ve meet her na.”

Kumusta na ang mommy niyang si Laarni Enriquez? Nagkaayos na ba ito at ang mommy ni Andi na si Jaclyn Jose?

Sabi ni Jake, “My mom and Tita Jane [Jaclyn], as far as I know, as of now, hindi pa sila nag-uusap.

“But I’m planning... kasi siyempre naman, kasalanan namin ni Andi kung bakit—it was because of us.

“But they were really good friends naman—si Tita Jane, my mom, and Tita Jane’s sister… si Tita Vero Jones.

“Siguro one day, they’ll reconcile.”

Gumawa ba siya ng paraan para muling magkausap at magkabati na ang kanyang ina at ang nanay ni Andi?

Wika ni Jake, “Hindi pa, e. I’m guessing… it’s too soon, I guess.

“And in God’s time, in a proper time siguro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HANDLING CONTROVERSY. Miyembro mang masasabi si Jake ng isang showbiz royalty, pero hindi siya showbiz dahil hindi naman siya artista.

Nabigla ba siya nang madawit noon sa kabi-kabilang intriga?

Pag-amin ni Jake, “Well, oo, kasi hindi naman talaga ini-expect, di ba?

“After everything that happened, it was ano talaga, unexpected.

“It was unexpected what happened to Andi, kasi meron din naman siyang issues of her own, di ba? Parang nadamay na lang din.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko naman pinlano na maintriga din, e.

“Nagkataon lang din na, you know, nagkagusto ako ng isang person na from showbiz.

“Pero walang intention na man to join showbiz or anything… wala naman.”

Paano niya hinarap yung mga kontrobersiya?

“At first, since I’m not from showbiz, though I belong to a showbiz family… ako, personally, hindi.

“So nagulat talaga ako, so at first, I don’t really know how to handle it.

“Nagtu-tweet lang ako once in a while kung medyo nag-ano sila, nag-exaggerate, kapag hindi na…

“Nagtu-tweet lang ako siyempre to say my side. Gano’n lang.

“Apart from that, as much as possible, tahimik na lang para tahimik na lahat.”



NOT INTERESTED IN JOINING SHOWBIZ. Bakit ayaw niyang mag-showbiz?

Sagot ni Jake, “Hindi ko alam, e.

“Before, I wanted to, but yung dad ko, ayaw, di ba? Ayaw ng parents ko.

“Sa showbiz wala, walang plano.”

Sa ngayon, hindi nakikipag-date at single daw si Jake ngayon.

“I’m single. I just turned twenty-three a few days ago.

“No, no… wala, single. Studies na lang muna after what happened. Studies na lang muna.”

Ano ang wish niya noong kaarawan niya?

“Para sa family ko, for my dad to live longer and for all of them who are running in the election to win.”

Sa April 19 ay ang 76th birthday ni Erap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang wish niya para sa ama?

“Wish ko lang, most importantly, to stay healthy.

“He’s turning seventy-six so sana humaba pa buhay niya, and that he’s happy most of all.

“Yun lang—healthy and happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN