Paulo Avelino on blooming career: “Sinuwerte lang. Sabi nga ng iba, pana-panahon lang…”

Mahalaga kay Paulo Avelino ang kanyang pribadong buhay. Sabi niya: “Hindi naman ayaw pag-usapan, pero ayoko lang pag personal. Kasi, yun nga, I treasure my personal life. Kasi yun na lang ang konting natitira sa akin.”


Isa si Paulo Avelino na masasabing pinaka-in demand at sought-after young actor ngayon.

Mayroon siyang kontrata sa ABS-CBN at bahagi ng isinasahimpapawid na afternoon drama series na Kahit Konting Pagtingin.

Nauna rito ay ang markado niyang pagganap sa primetime series na Walang Hanggan, na pinanalunan niya ng Outstanding Supporting Actor award sa ginanap na Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society.

Sa kanyang kaabalahan ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo noong April 1, Lunes, sa set ng indie film na Sana Dati, a Cinemalaya Directors’ Showcase entry.

“Sinuwerte… suwerte, pero siyempre, hard work din,” pagtukoy ni Paulo sa natatamong tagumpay.

“Everything just came, dire-diretso. Tapos, until now, hindi pa rin tumitigil.

“So, kung ano yung blessings, I’m taking advantage… yes."

Aside from his acting career, Paulo wants to put premium on education and finish his studies which he somehow regrets not having done.

“But if I’m given the opportunity to go back and have time to study pa rin, I will.

“I was taking up Entrepreneurial Management, at St. Louis University [Baguio City],” he says, when showbiz beckoned, sometime in 2008.

Patuloy niya, “A, malayo pa na makatapos… tingnan natin.

“Depende rin sa diskarte sa buhay. Pero importante pa rin ang studies, siyempre.”



LEAD STATUS. Bukod sa seryeng pantelebisyon, sunud-sunod ang magiging paglabas ni Paulo bilang bidang aktor ng tatlong pelikula.

Ginagawa niya ang isang mainstream feature, ang The Bride and The Lover, at dalawang indie films na parehong pang-Cinemalaya 2013.

Ito ay ang Debosyon para sa New Breed at Sana Dati para sa Directors’ Showcase.

“Actually, ipapalabas na ang The Bride and The Lover, sa May 1.”

Sa Debosyon, “Ako ay si Mando, isang magsasaka na devotee ni Ina [Birheng Maria].

“In Sana Dati, I play the role of a wedding videographer… si Lovi [Poe] ang ikakasal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapwa nakatrabaho na ni Paulo ang mga direktor niya sa Cinemalaya entries na sina Alvin Yapan for Debosyon at Jerrold Tarog for Sana Dati.

Si Yapan ang nagdirek ng Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (2011), kung saan nanalo ng dalawang acting awards si Paulo last year: sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino bilang Best Actor at PASADO (Pam-pelikulang Samahan ng mga Dalubguro) Awards bilang Best Supporting Actor.

Si Jerrold Tarog naman ang nagdirek ng Aswang (2011) para sa Regal Entertainment, na unang pinagtambalan nila ni Lovi.

“Nagkataon din, oo. And naniniwala rin ako sa paggawa nila ng pelikula… sa script nila.”

Sa The Bride and the Lover, si Paulo ang nag-iisang male lead bilang object of affection ng dalawang nagtutunggaling babae na sina Lovi and Jennylyn Mercado.

Unang makakatrabaho ni Paulo si Direk Joel Lamangan na kilalang istrikto sa set.

“I met him [Joel] a few years back… hindi naman ako nahirapan.

“I mean, yung outburst ng temper naman niya doesn’t happen nang walang dahilan.

“Pag nagkakamali lagi o hindi mo kabisado yung linya mo…”

Pero hindi naman daw iyon naging problema ni Paulo sa set ng The Bride and The Lover dahil dumarating siya sa set on time at handa sa gagawin.

“A, halos… as much as possible. So far, kasundo ko naman lahat ng direktor ko,” sabi ni Paulo.



WITH LOVI POE. May paghanga rin si Paulo sa kanyang leading lady sa The Bride and the Lover at Sana Dati na si Lovi Poe.

“Napakagaling ni Lovi. Actually, ang dami ko nang nagawang pelikulang with Lovi.

“Pangatlo na ito [Sana Dati]… first was Aswang; second, although hindi kami nagkaeksena, sa Yesterday Today Tomorrow."

Ang Yesterday,Today Tomorrow ay isang 2011 Metro Manila Film Festival entry, directed by Jun Lana.

“Tapos, ito [Sana Dati], pangatlo… kumportable na kami sa isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagiging kumportable ba ito na maaaring humantong sa totoong pag-iibigan?

“Kami kasi ni Lovi, we’re friends. Kumbaga, we’re professional actors,” nangingiti niyang sabi.

“Ewan ko… parang nag-jive lang talaga kami as friends.

“And tine-treasure naman namin yung friendship namin, para wala ring problema pagdating sa trabaho.”

Sa una pa lang nilang pagtatambal ay nagkaroon na sila ng intimate scenes, hindi ba ito naging problema sa kanilang dalawa?

“Hindi naman. Pagka may intimate scenes, kahit sino ang kaeksena ko, I try to be as… I try as much to be a gentleman.

“Strictly work,” diin pa niya.



CONTRASTING BEAUTIES. May leading ladies din si Paulo na masasabing contrast ang appeal at personalidad—sina Mara Lopez, who’s sexy and seductive na kapareha niya sa Debosyon, at Sarah Geronimo, pretty and sweet.

Bukod sa dalawa, kapareha rin niya si Angeline Quinto sa afternoon dramaserye na Kahit Konting Pagtingin, with Sam Milby na ka-love triangle nila.

“Si Mara Lopez, ganoon din. She is also pretty and talented.

“Ang working relationship namin, okay naman. Nag-jive din kami sa pelikula. Marami din siyang alam tungkol sa pelikula.”

Sa isang hiwalay na panayam ni Paulo, naikuwento niya ang tungkol naging tambalan nila ni Sarah.

“Sa dami ng puwedeng pagpiliang aktor sa ABS-CBN, ako yung nabigyan ng pagkakataon para gawin ang pilot episode ng Sarah G. Presents.

“First time ko po siyang makakatrabaho.

“I’ve always wanted to work with Sarah for a film. Pero medyo napaaga, naging para dito sa show niya.

“I’m very lucky and happy to be part of the show.

“Sarah is very quiet, very kind. May mga konting scenes kasi na ginawa na kami… medyo nakakatawa rin.

“Bagay na bagay talaga siya sa romantic-comedy-themed episode.”



A NO-NO. Kung mayroong “constant” sa pagkakakilala ng mga kapwa artista at ng press kay Paulo, ito’y ang pagpapahalaga niya sa kanyang pribadong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Partikular na sa aktres na si LJ Reyes, na batid ng publiko bilang partner ni Paulo at ina ng kanilang two-year-old child na si Ethan Akio.

Sabi ni Paulo, “Hindi naman ayaw pag-usapan, pero ayoko lang pag personal. Kasi, yun nga, I treasure my personal life.

“Kasi yun na lang ang konting natitira sa akin.”

Patuloy naman ang magandang takbo ng career ng kapwa premyadong aktor at aktres.

Si LJ ay napapansin ang kagalingan sa GMA-7 mini-series Bayan Ko and last year’s Cinemalaya entry, Intoy Syokoy ng Kalye Marino.

Si Paulo naman ay maituturing na “leading man of the hour” na sunud-sunod ang pelikula at teleseryeng pinagbibidahan.

Hindi man magkasama sa isang network, kapwa nag-a-achieve own their own sina Paulo at LJ.

“Minsan-minsan… sinusuwerte,” sabi lang ni Paulo.



WISE MOVE. Tama ba ang desisyon ni Paulo na lumipat mula GMA-7 sa ABS-CBN?

“Siguro, sinuwerte lang,” tugon niya.

Hindi dini-discredit ni Paulo ang pinanggalingang istasyon, dahil sabi nga niya, “Noong time na iyon, ang alam ko, may ino-offer silang project… hindi lang natuloy.”

Posible rin daw na may build-up plan din para sa kanya ang Kapuso network.

Nauna nga lang ang desisyon ng tagapamahala niya na lumipat siya ng istasyon and join the Kapamilya network.

“Hindi natin masabi. Baka rin…

“Sinuwerte lang. Sabi nga ng iba, pana-panahon lang…”

Ano pa ba ang mga aspirations ni Paulo sa kanyang showbiz career?

“Aspirations ko? Sa ngayon, sa career ko, ang makagawa lang nang makagawa ng mga pelikula… na fulfilling.

“Or, kumbaga, makakapagpasaya sa mga tao, at may matututunan sila,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN