PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rafael Rosell on ending up with Marian Rivera in Temptation of Wife: "Sobrang honored ako na binigyan ako ng pagkakataon na ganito ng GMA."

Rafael on lessons learned after Temptation of Wife: “It taught me na when you want something and you’re serious about s
by Rose Garcia
Published Apr 3, 2013
Taus-pusong nagpapasalamat si Rafael Rosell sa GMA-7 at Temptation of Wife dahil sa magandang break na ibinigay nito sa kanya. Aniya, “For the first time, I end up with the main girl.”

Bago mag-Biyernes Santo ay tinapos na ang taping ng GMA-7 primetime series na Temptation of Wife, na magwawakas na sa Biyernes, April 5.

Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang taping ng show noong March 26 sa isang simbahan sa Malabon.

Dito namin nakausap si Rafael Rosell, na gumaganap bilang si Nigel.

Ayon sa aktor, gusto niyang siya talaga ang makatuluyan ng karakter ni Marian Rivera na si Angeline.

“Sana, sana... para ako naman ang makakuha ng girl.

“I think, majority ng fans, mas napili nila si Nigel kesa kay Marcel [Dennis Trillo].

“Pero, hindi ko rin alam kung nabasa ng mga writers yun.”



VIEWERS' CHOICE. Ano naman ang pakiramdam niya na ang role niya bilang si Nigel ang mas pinili ng mga manonood upang makatuluyan ni Angeline?

Sabi ni Rafael, “Well, I think, very rational. Yun ang pinaka-logical na puwedeng gawin.

“I mean, after ng nagawa sa iyo ng ex mo, will you stay or will you move on?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think, para sa akin, I get the statement that you should move on.

“So, agree ako sa kanila.

"Pero in terms of choosing me or Marcel in terms of personality, hindi ko alam yun.”

Nai-relate din ni Rafael na sa tunay na buhay ang mga kaganapan sa kanilang teleserye.

Saad niya, “Yun nga po, e. Bawat tao naman, may choice kung bibigyan mo pa ng isang pagkakataon ang mahal mo.

“Or mamahalin mo muna ang sarili mo at magmu-move on ka, rather than taking the risk of going back.

“Para sa akin, yung desisyon na mag-move forward, yun din ang ginawa ko sa sarili kong buhay.

“Imbes na balikan ko ang dati kong lovelife, agree ako sa desisyon na ‘yan.”

Sino ba ang mga hindi niya binalikan sa totoong buhay?

“Siyempre lahat ng ex- ko,” nakangiting sabi ng aktor.

Sa totoong buhay, ganoon din ba siya ka-martir tulad ni Nigel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Medyo hindi ganoon,” sagot niya.

Sa mga naging ex niya, si Malaya Lewandowski lang naman daw ang maituturing niyang showbiz talaga.

THE TRUE LEADING MAN. Kung siya ang makakatuluyan at pakakasalan ni Marian sa pagwawakas ng Temptation of Wife, puwedeng sabihin na siya pala talaga ang leading man ng aktres sa kanilang teleserye.

“Wow!” bulalas niya.

“Kung ganoon nga na sinasabi ‘yan, I feel… I’m never this important sa isang show dati…

“At sobrang honored ako na binigyan ako ng pagkakataon na ganito ng GMA. And for the first time, I end up with the main girl.

“Parang hindi lang sa soap, parang sa totoong buhay, nagtagumpay ako kahit paano."

Hindi kaya magalit sa kanya si Dennis kung siya ang makakatuluyan ni Marian sa soap nila?

Sabi ni Rafael, “E, friends kami. Magsi-surf pa kami pagkatapos nito.”

Saan sila magsi-surf?

“Baka dalhin ko siya sa Baler. At saka, magkasama kami sa Luminary [Talent Agency], kay Popoy Caritativo, at saka magkasama pa kaming naglalaro ng PlayStation.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi kaya may umusbong na insecurity dahil dati ay si Dennis lang talaga ang maituturing na leading man sa mga alaga ni Popoy.

“A, talaga? Well, tingin kasi namin sa isa’t isa, parang magkakapatid at yun din ang turing sa amin ni Popoy... 'Don’t compete with others, compete only with yourself.’”



BENEFITS. Bukod sa maituturing ni Rafael na memorable ang Temptation of Wife bilang ito ang una niyang proyekto sa GMA-7, ano pa ang nakikita niyang naibigay sa kanya ng teleserye?

“Sa career, it taught me na when you want something and you’re serious about something, go for it.

“Huwag kang matakot dahil may dahilan ang curiosity na yun. Feed the curiosity.

“May dahilan ang curiosity.

"You also have the right for an answer for your curiosity at yun ang ginawa ko.

“Pumunta ako sa gym and I got answer to that curiosity and it led to something beautiful.

“Yun nga, having a lead role here in Temptation of Wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para sa akin, tagumpay yun—sundan mo lang lagi ang puso mo.

“Huwag yung kabilang ulo na responsible for temptation… yun ang matu-trouble ka.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taus-pusong nagpapasalamat si Rafael Rosell sa GMA-7 at Temptation of Wife dahil sa magandang break na ibinigay nito sa kanya. Aniya, “For the first time, I end up with the main girl.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results