PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ethel Booba breaks silence on issue with Willie Revillame; tells her version of what happened before his on-air rant

The singer-comedienne understands why Ate Gay has to side with Willie: “Kailangan niya yun, e.”
by Rommel R. Llanes
Published Apr 3, 2013
Akala raw ni Ethel Booba ay ipagtatanggol siya ni Willie Revillame laban sa fans ni Anne Curtis na tumira sa kanya sa pamamagitan ng Twitter. Iba raw ang inaasahan niyang ginawa ni Willie sa Wowowillie na siyang tumapos sa kanilang pagkakaibigan.

Ayon kay Ethel Booba, “okey” naman sila ni Willie Revillame bago nagsalita at nagsumbong ang Wowowillie host sa harap ng kanyang audience nung nakaraang buwan.

“Okey kami! As in okey kami,” paulit-ulit na sabi ng singer-comedienne nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa press launch ng TV5 reality show na Boracay Bodies sa Imperial Palace Suites penthouse poolside kahapon, April 2.

Isa si Ethel sa walong taong kasali sa cast ng bagong show ng Singko. Kasama niya sina Wendy Valdez, Krista Miller, Helga Krapf, Joross Gamboa, Victor Silayan, Luke Jicain, at Brent Javier.

Kasama rin si Phoemela Baranda bilang host ng show.

Matatandaang nagalit at naglabas ng kanyang sama ng loob si Willie sa Wowowillie nung February 28.

(CLICK HERE for related story.)

Naging dahilan tuloy ito ng pagkakatanggal ni Ethel sa show habang nanatili naman ang isa pang kinagalitan ni Willie noon na si Ate Gay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(CLICK HERE for related story.)

Kuwento ni Ethel, akala niya ay ipagtatanggol siya noon ni Willie laban sa fans ni Anne Curtis na nagpapadala ng hate tweets sa kanya.

“Kampante lang siya. Sabi pa niya, ‘Kain na kayo doon.’ Gumaganun pa siya, e.

“[Sabi niya] ‘Sori, ha. Hindi kayo nanalo.’ Ginaganun pa niya ‘ko nun.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ba’t mo ‘ko ginaganun? Bakit mo ‘ko pinrovoke [provoke]?’

“’Tapos sabi niya, ‘Ano?’”

Sinabi niya raw kay Willie na dahil sa pagkaka-provoke sa kanya nito tungkol sa panggagaya raw niya sa damit ni Anne, pinutakti na siya ng mga tweet ng fans ng Kapamilya actress.

“’Ano na naman ba ‘yan?’ Kasi ayaw nga niya akong nagtu-Twitter, e. Ayaw niya yung naggaganyan ako, yung mga social network. Ayaw niya.

“’Inaaway nila ‘ko, tingnan mo, o!” sumbong pa raw niya kay Willie.

Dahil dito, ginarantiyahan naman siya ng Wowowillie host.

“’Huwag kang mag-aalala. Lalabas ako sa TV ngayon, ipagtatanggol kita.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang sinabi niya.

“’Relaks ka lang diyan.’ Yun ang sinabi niya.

“Ang ano pa nga ng pakiramdam ko na, ‘O, kaibigan ko talaga ito, e.’ Di ba?

“Na parang sabi niya, ‘Huwag kang mag-alala diyan, ipagtatanggol kita.’”

Habang nag-uusap daw sila ni Willie noon ay itinuro niya naman si Ate Gay na noong mga sandaling iyon ay umiiyak dahil sa pagkatalo nito.

“Di okey kami. Kasi relax din naman si Willie.

“’Tapos sabi kong ganun, ‘Mag-usap kayo [ni Ate Gay] kasi nagtatampo siya.'”

Kinausap naman daw agad ni Willie si Ate Gay at tinanong ito kung ano ang problema.

Nagsalita raw agad si Ate Gay at nagreklamo rin sa host kung bakit siya natalo.

“’Tapos tumaas na ang boses niya [Willie],” patuloy ni Ethel.

“Tumaas ang boses niya. Actually, sila yung ano… doon siya napikon.

“Nagmura na siya, na… ‘Ang liit na bagay niyan!’ Ganyan-ganyan… ‘Ayan lang, ‘kala mo, Ate Gay!’"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nadamay na raw silang lahat na naroon sa backstage sa sermon ni Willie para kay Ate Gay.

“’Kayo, kung hindi n'yo gusto ang patakarann dito, lumayas kayo!’ Ganun! ‘Get out!’

“Ganun talaga. Yung parang… na-trauma talaga ako, ha.”

Sabi naman ng mga kausap ni Ethel, iba ang kuwento niya sa mga pangyayaring naganap sa stage na naikuwento naman ni Ate Gay sa isang interview nito.

Sagot ni Ethel, hindi niya alam ang tungkol sa interview ni Ate Gay at wala rin naman daw itong nabanggit sa kanya.

At kung anuman ang sinabi ni Ate Gay na lumalabas na mas pabor ito kay Willie, maiintindihan naman daw niya ang kapwa singer-comedian.

“Kailangan niya yun, e,” tukoy ni Ethel sa trabahong bigay ng Wowowillie.

“Ganun naman iyon, e. Parang, pag kayong dalawa… ano, kailangang mamili, e. Kailangang merong ilaglag.”

Okey lang daw sa kanya na pinili ni Ate Gay ang career kaysa sa friendship nila ni Ethel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okey lang iyon. Wala naman sa akin yung ganun, e.”

Sabi pa ni Ethel, matagal nang gusto ni Ate Gay na magkaroon ng “istasyon.”

“Kumbaga, ang GMA-7, nandun na si Allan K, e. Si Vice [Ganda] nasa Dos.

"So, sa Singko, siya naman. Kanya naman yun,” sabi ni Ethel.

Dahil sa pagkampi ni Ate Gay kay Willie, lumalabas na wala na siyang maaaring masabing makapagpapatunay ng bersyon niya ng nangyari sa backstage ng Wowowillie, bago naglabas ng galit si Willie sa show.

“Hindi lang naman siya ang witness ko. Kaya okey lang ako.

“Nandun din ang kapatid ko, e. Hindi lang siya.”

Hindi ba siya nag-aalala na baka walang maniwala sa claim niya na okey lang sila ni Willie bago ito nagalit kay Ate Gay at nadamay lang siya sa galit nito?

“Hindi na ‘ko mag-e-explain.

“Kasi lahat naman… kahit saan ka naman magpunta… lahat naman…

"Si Willie talaga ang mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko na sila kailangang i-convince. Ang talino ng mga tao ngayon.

“Hindi na nga ako nagsasalita, mas marami pang panig sa ‘kin, e. Kasi nga, alam na naman nila…”

Wala na rin naman daw siyang balak na bumalik sa Wowowillie kaya sa palagay niya ay hindi na niya kailangan pang mag-explain.

Sa kanya lang, nagtataka lang siya kung bakit nagsalita nang ganun si Willie laban sa kanya kung isinaalang-alang nito ang kanilang pagkakaibigan.

Nang tanungin ng PEP kung malabo na bang bumalik ang friendship nila, sagot ni Ethel: “Malabo na. As in malabo na talaga.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Akala raw ni Ethel Booba ay ipagtatanggol siya ni Willie Revillame laban sa fans ni Anne Curtis na tumira sa kanya sa pamamagitan ng Twitter. Iba raw ang inaasahan niyang ginawa ni Willie sa Wowowillie na siyang tumapos sa kanilang pagkakaibigan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results