Marvin Agustin’s Karinderya Wars competes with Chef Boy Logro’s Kusina Master

Walang nababalitang karelasyon ngayon si Marvin Agustin. Pero ano ba ang hinahanap niyang katangian sa isang babae? Sagot ng actor-TV host, “Masarap makasama habambuhay ang taong inspired ka to do anything and everything in this world—the person that would support you.”


Bilang isang chef, matagal nang pinangarap ni Marvin Agustin na makapag-produce ng isang cooking show.

Natupad na niya ito sa paglulunsad ng Karinderya Wars, ang kauna-unahang TV search para sa "next luto-negosyo star" na mapapanood sa TV5, na kanyang ihu-host at prinudyus.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Marvin sa presscon ng Karinderaya Wars kahapon, April 3, sa Broadway Centrum.

Tanong agad sa kanya kung ano pa ang pangarap niyang hindi natutupad.

“Ang dami… ang dami-dami!” bulalas niya.

“Alam ninyo, ‘yan ang nakakabata, patuloy kang nangangarap, patuloy kang may gusto sa buhay mo.

“And yung drive na ibinibigay sa akin every day.

“At ito, nandito ako sa journey ng buhay ko na gusto kong gumawa ng mga ganitong shows—from Kanta Pilipinas, now, Karinderya Wars.

“Yung mga reality shows na nagbibigay katuparan sa pangarap ng mga tao.”



DISCOVERER. Pangarap din ba niyang maging manager?

Natawa si Marvin at sinabing, “Gusto kong magkaroon ng agency yata.

“So, from Kanta Pilipinas, mga singers ang dini-discover natin.

“Ngayon naman, mga culinary treasures ang tinatawag sa mga kusinera, e.

“Meron pa kaming mga susunod na gagawing ganito, hindi ko lang maikuwento sa inyo.

“But yes, tuluy-tuloy kaming maghahanap ng tunay na talento ng Pinoy.”

Siyam na naglalaban-laban ngayon para sa isang milyong piso at marami pang iba na nagpapakita ng interes na maging bahagi ng programa.

“Oh, yes! Actually, sa story ng buhay nila… tulad nga ng sinabi nila kanina, lakasan lang talaga ng loob sa trabaho… sa pagne-negosyo… kung ano ang gusto nating mangyari sa buhay.

“Kung hindi mo sisimulan ng confidence, gusto mo at drive, kung hindi manggagaling sa iyo, hindi matutupad ang pangarap na yun,” saad niya.

Posible rin kayang i-employ niya ang ilan sa mga contestant sa kanyang mga restaurant?

“Oo. Alam ninyo, may ginawa ako dati na reality show rin, yung dalawang kusinero na sumali sa amin doon, nagtatrabaho sila sa restaurant ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HEAD-ON. Yun nga lang, ngayon, ang magiging katapat ng Karinderya Wars ay ang programa naman ni Chef Boy Logro sa GMA-7, ang Kusina Master.

Ano naman ang masasabi niya na magkatapat ang shows nila?

“Kaibigan ko si Chef Boy Logro at gusto ko siyang tapatan,” natatawang biro naman ni Marvin.

“Hindi, ano ko yun, nakasama ko siya sa isang cooking show dati, ang sarap makatrabaho dahil napakabait na tao.

“Napakagaling magluto at napakabait na tao, pero tapatan kami ngayon.”

Isa rin ba sa pangarap niya ang maging Chef Boy Logro rin?

“Naku, kung sa talent lang, grabe ang talent noon.

“Ako, ang maihahain ko lang talaga, yung maibibida ko lang rito ay yung kusinero at kusinera ng Pilipinas.”



ACTING VS. BUSINESS. Iba’t ibang larangan na nga ang pinasok ni Marvin na kunsaan, nagsimula siya sa pagiging isang artista.

Pero ngayon, isa na siya sa mga matatagumpay na entrepreneur, restaurateur, producer, at host na rin siya.

Sa kabila nito, tila ang hindi na niya napag-uukulan ng pansin ay ang kanyang pag-arte.

Sabi ni Marvin, “Meron naman, may kinu-conceptualize akong soap opera, dito sa TV5, ako ang magpo-produce… sana this year.

“Gusto ko na rin umarte, nami-miss ko na rin umarte.”

Anong klaseng soap opera naman kaya ito?

“May drama, of course, definitely. Kasi, nami-miss ko ang mag-drama, pagka-magical.

“Yung istorya, binubuo pa namin. Basta ano siya, pambata.”

Pero naiisip din ba niya na sa dami ng priorities niya, sa dami ng plano niya, tila ang acting career niya nga ang napag-iiwanan?

Paliwanag niya, “Alam ninyo kasi, dumating din ako sa point ng career ko na…

“Oo, maraming roles na dumarating, pero hindi na siya nakaka-excite kasi nagawa mo na dati.

“So, nabibigyan lang ako ng pagkakataon na makapamili ng magagandang project, magagandang characters.

“Kilala ninyo naman ako, kahit kontrabida pa ‘yan, kahit maliit na role lang ‘yan, basta maganda, gagawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayon, mas meron lang akong tsansa na makapimili kung ano ang susunod kong gagawin.”

Muli naman naming hiniritan si Marvin na tila puro pagpapayaman na lang talaga ang inaatupag niya.

Ganoon na lang talaga?

“Wala, wala akong kinikita rito!” ang natatawang sagot naman niya.



BACKSEAT. Ang pamilya, kailan naman niya planong iprayoridad tulad ng pagkakaroon talaga ng makakasama sa buhay?

Sagot ni Marvin, “Masaya naman tayo sa mga nangyayari at meron din namang mga happenings sa buhay ko na masasaya.”

Bakit yung lovelife niya ang tila nasa backseat na lang palagi?

“Hindi naman naka-backseat, hindi lang talaga napag-uusapan.”

Pag-usapan natin ngayon?

Karinderya Wars muna!” natatawang sabi naman niya.

Wala na siyang oras makipag-date?

“Hindi naman, hindi ko naman siya nakakalimutan. Napakasayang mag-date.

"Pero ngayon, wala ngayon, single ngayon.”

Palagi na lang, kapag kausap siya, single siya?

“’Yan ang susunod kong show actually, naghahanap kami ng dating show… The Bachelor!” natawa niyang sabi.

Wala pa naman daw siyang naipapakilala sa kambal niyang anak.

Ano na ba ang qualities na hinahanap niya ngayon?

“Siyempre ano na, medyo matured na rin sa buhay.”

Kailangan ba, kasing accomplished niya rin?

“Ah, no. Ako, yung puso ang tinitingnan ko.”

Okay pa ba siya sa mga taga-showbiz?

“Hindi ko naman ine-eliminate ‘yan sa aking mga hinahanap.

"Kung doon ko mahahanap ‘yan, bakit hindi?

“Pero masarap makasama habambuhay ang taong inspired ka to do anything and everything in this world—the person that would support you.”



TRANSITIONS. Sa paglipat-lipat naman ng network ni Marvin, masasabi naman daw niya na maayos naman daw lahat.

Wala naman daw siyang nalalaman na nagagalit sa kanya o nang-aaway kaya.

Nagsimula si Marvin bilang Kapamilya hanggang sa naging Kapuso siya at ngayon ay isa ng Kapatid.

Sabi niya, “So far, wala naman tayong naririnig na nang-aaway o inaaway.

“I am so happy doon sa mga transition na nagawa ko… from ABS to Channel 7, to here, na lahat sila, kaibigan ko ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Welcome pa rin ba siya sa ABS-CBN?

“Yes. Kapag may pelikula, nakakagawa ako ng pelikula sa kanila like yung Tanging Ina.

“May ibang project pa silang nilalapit sa akin, for movies naman.

“In fact, may isang soap opera na in-offer sa akin.

“Hindi ko lang magawa, not because I’m with [TV]5 but because, ang dami ko lang ginagawa.

“So, I’m still open to do projects with any of the stations.”



CLARIFICATION. Nilinaw rin ni Marvin ang isyung nadawit siya sa isang drug issue.

Ayon kay Marvin, kapangalan lang daw niya ito.

“Ang tagal noon na sabi ng mga tao, ako. Pero kapag binasa ninyo naman ang article, namesake lang talaga.

“Medyo na-highlight lang talaga na Marvin Agustin sa Twitter, sa social media.

“Actually, that same morning, nagising ako sa napakaraming calls.

“Pagbukas ko ng social media noon, yung pangalan ko, yung pamilya ko, gulung-gulo sila.

“Alam naman nilang malayo tayo doon. May negosyo tayo, pero, hindi yun ang negosyo natin.

“I tweeted it right away para matigil ang pag-aalala ng mga tao… ayoko rin naman siyang palakihin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN