Carlo Aquino thankful to ABS-CBN and Star Magic for allowing him to return

Wala raw pinagsisisihan si Carlo Aquino sa ginawa niyang pag-alis sa bakuran ng ABS-CBN noon. Saad niya, "Yung pagsisisi siguro, para dun sa mga ayaw nang lumaban… ayaw nang mabuhay… wala nang fire, wala nang inspirasyon. And ako, iniisip ko na kailangang manggaling sa sarili na, ‘Tumayo ka, matagal ka nang gumagapang.’”


Nagbabalik sa ABS-CBN at Star Magic ang award-winning actor na si Carlo Aquino.

Ang unang proyekto ni Carlo sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya network ay ang guest role niya sa teleseryeng Dugong Buhay.

One week lang siyang mapapanood sa seryeng ito ngunit, base sa teaser na ipinakita sa press, markado ang ginagampanan niyang papel bilang batang Simon (Noni Buencamino).

Maaliwalas ang aura ni Carlo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Grams restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN kagabi, April 3.

Kagabi rin ang grand launch ng Dugong Buhay ngunit na-late ng dating ang 27-year-old actor dahil galing pa siya sa team-building ng cast ng Anna Liza sa Tagaytay.

Ang remake ng Anna Liza ang susunod na proyekto ni Carlo sa ABS-CBN.



AWAY FROM SHOWBIZ. Tinanong ng PEP si Carlo kung ano ang ginawa niya nang nag-lie low siya sa showbiz.

Sabi ng dating child actor, “Nag-business ng tarpaulin printing. Ngayon, may food truck na ako at saka yung farm.

“Kaya lang, eto talaga yung hanap, e… maligaya ako pag umaarte.

“Kaya lang, noon kasi… napi-pressure ako sa gusto ng tao.

“Masyado kong iniisip kung ano’ng sasabihin ko ba. Ayaw ko kasi magkamali, e.

“Natatakot ako, pag nag-fail, kung anu-ano ang sasabihin ng mga tao. Yun ang ayaw ko.

“Nakalimutan ko ang mag-enjoy. Masyado akong, ‘Eto dapat.’

“Sobrang gusto kong ipakita kung ano ang kaya ko.

“Sa kakaisip ko, hindi ko nagagawa.”

Okey na ba siya ngayon sa kanyang pagbabalik?

“Oo. Mas nai-enjoy ko na,” sagot ni Carlo.

Hindi ba siya bumalik sa school nang hindi siya masyadong active sa showbiz?

Sagot niya, “Hindi… hindi.

“Pero baka ngayon pumasok ako sa McKinley. Pero hindi pa sure.

“Kasi nga kababalik ko lang sa ABS, e. Excited pa ako. May taping nga ako sa Friday.”



CARLO’S RETURN. Ano ang reaksiyon niya na marami ang natuwa nang makita siya sa teaser ng Dugong Buhay at nagpapamalas na naman ng galing at lalim sa pag-arte?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Carlo, “Masaya ako na nandito ulit, lalo na sa pagtanggap ni Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head] sa akin ulit.

“Yung ni-request ako ni Ms. Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president] sa MMK. Binigyan ako ng ABS ng ikabubuhay.

“Ngayon, may Anna Liza… sobrang ang daming nangyari.

“Heto, ini-interview niyo ako ulit.”

Bakit umalis siya sa Viva Artists Agency?

Ayon kay Carlo, “One year nang wala.

“Kinausap kasi ako ni Mr. M. Nag-anniversary sa ASAP. Pinag-guest yung mga dating nasa show. Pinatawag niya.

“Sabi niya, ‘O, ano? Are we good enough for you now?’

“’Hindi naman po ganoon, Mr. M.’

“’Hindi, joke lang. Babalik ka na ba?’

“Sagot ko, ‘Kung puwede lang po sana. Gusto ko pong magtrabaho ulit.’

“Sabi niya, kausapin mo si Nanay Cris [Navarro, handler niya sa Star Magic] mo. Ipahanda mo ang kontrata.’

“Para tanggapin ka ng ganoon, sobrang happy ko talaga at pasalamat.”

Nagsimula si Carlo bilang child actor sa mga palabas ng ABS-CBN at mga pelikula ng Star Cinema.

Ibig bang sabihin ay hindi siya kuntento sa Viva?

“Hindi ganoon. Tapos na yung kontrata,” paglilinaw ni Carlo.

May regrets ba siya na umalis siya sa ABS-CBN?

Sagot ni Carlo, “Wala naman kasi nabigyan naman ako ng Viva ng Bituing Walang Ningning.

“At saka kasi yung pagsisisi siguro, para dun sa mga ayaw nang lumaban… ayaw nang mabuhay… wala nang fire, wala nang inspirasyon.

“And ako, iniisip ko na kailangang manggaling sa sarili na, ‘Tumayo ka, matagal ka nang gumagapang.’”

Paano naibalik yung confidence niya?

“Para kausapin ka nga ni Mr. M, iba yun, kasi hindi naman nagsasalita yun.”



ANGELICA PANGANIBAN. Ano naman ang reaksyon ni Carlo na nabuhay ulit ang breakup nila noon ni Angelica Panganiban?

Sa latest interview kasi ng aktres para sa Star Studio magazine ay inungkat ang lovelife niya. Sa artikulo, ang sinasabing dahilan ng breakup nina Angelica at Carlo ay niligawan ng aktor si Camille Prats habang ka-on niya si Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam, e. Ano’ng sabi niya?” reaksiyon ni Carlo.

“Ang tagal-tagal na yun. Ang tanda-tanda ko na.

“Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya.

“Opinyon naman niya yun, e. Wala naman ako sa lugar para magsalita.

“E, totoo lang naman na tao yun, e, kung ano ang sasabihin niya…”

So, inaamin niya ang mga sinabi ni Angelica?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

Pero dagdag ni Carlo, “Bata pa naman ako noon, e.”

Sabi rin ni Angelica, hindi nag-grow ang relationship ni Carlo.

“Kasi bata pa po kasi kami,” diin ng 27-year-old actor nang hingan ng reaksiyon dito.

Kumusta na sila ni Angelica kapag nagkikita ngayon?

“Okey naman. Hindi ko na maalala kung gaano na kami katagal hindi nagkita.

“Last year pa. Birthday ni John [Prats] sa Banana Split. Yun ang pinakahuli kong naalala.

“Okey naman kami. Wala namang problema.

“Pumupunta pa ako noon sa bahay nila ni Derek [Ramsay]. Tumatambay kami sa may Posadas, sa may Sucat.”



LOVELIFE. Kung si Angelica ay masaya na sa piling ng bagong boyfriend nito na si John Lloyd Cruz, si Carlo ay masaya rin sa kanyang girlfriend na si Kristine Nieto.

Si Kristine ay dating miyembro ng all-girl group na Eurasia.

Ilang years na sila?

“Magti-three,” sagot ni Carlo.

Hindi pa sila magpapakasal?

“Ipon muna… hirap ng buhay.”

Hindi pa rin daw nila napag-uusapan ang kasal.

“Yung mga parents namin, napag-uusapan nila. Okey naman, ini-entertain ko lang.”

Sigurado na ba siya sa girlfriend niya ngayon?

“Ano bang sigurado? Oo, mahal ko siya, pero ano ba…?”

Si Kristine na ba ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay?

“Oo, puwede. Hindi ko lang alam when kasi baka may mangyari sa pagitan ng plano,” sabi ni Carlo.

Hindi ba siya naiinggit sa ibang ka-batch niya na may sarili nang pamilya?

“Ang mainggit ay masama. Mag-iipon muna ako,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN