Arjo Atayde reveals conflict with Neil Coleta but says all is well between them now

Pagtatapat ni Arjo Atayde, nagkaproblema sila ni Neil Coleta nung nakaraang taon nang diumano’y sinulot nito ang nakarelasyon niyang si Akiko Solon.


Bida-kontrabida na ngayon si Arjo Atayde sa bagong serye ng ABS-CBN na Dugong Buhay na magsisimula sa Abril 8.

Ito ay pagkaraang manalo siya ng Best New Male TV Personality sa PMPC Star Awards for TV para sa performance niya sa Bangka episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK).

Sa presscon ng Dugong Buhay sa ELJ Building ng ABS-CBN, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo.

Mas may pressure ba ngayon dahil sa pagkapanalo niya ng award ?

“Siguro naging pressure sa akin and a motivation for me to prove my work... yung worthy ako as a new male TV personality,” lahad niya.

Ano ang advice ng mommy niya, si Sylvia Sanchez?

“Makisama sa mga co-artists... ‘Huwag mong kalimutan na respect everyone.’

“Basta kailangan, respetuhin lahat. I think, nagagawa ko naman po.

“Siguro, pag napanood na niya ang Dugong Buhay, doon niya masasabi na dapat ganito yung moves. As of now, wala pa siyang nakikita.

“At least, kahit hindi niya ako nasasabihan kung ano ang kailangan kong gawin, meron mga veterans who back me up.”



ROLE MODEL. Pinangarap ba niya talaga na maging artista?

“Ano po, noong Esperanza pa lang, pinapanood ko si Ate Juday [Judy Ann Santos] umarte. Iyakin si Ate Juday.

“Pag umuwi si Mommy, kinukuha ko yung script, ginagaya ko yun kung paano siya umiyak.

“Eventually, siguro doon ko nakuha ang iyakin skills ko.”



MOM’S CONNECTION. Ano ang masasabi niya sa mga nagsasabing ginamit daw niya ang name ng kanyang pamilya—yung kuneksyon sa show business—kaya nabigyan siya ng serye na bida-kontrabida?

“First of all, if ever na sabihan nila ako na I used my connections, I think in a span of one year...

“Kahit papaano, na-prove ko naman yung worth ko as an actor.

“I believe I did it naman somehow, napatunayan ko naman po at nade-deliver ko naman,” deklara niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaction ni Sylvia sa trailer ng Dugong Buhay? Napanood na ba niya?

“Wala. Pumalakpak lang. ‘Congrats!’

“Kahit yung director tinawagan. Sobrang intense yung pasasalamat niya sa kanila.

“Natuwa siya nang sobra dahil hindi niya ini-expect.

“Hindi kasi siya naniniwala dahil sinabi ko, na sobrang iba talaga kumuha si Direk Toto [Natividad].

“Ibang klase—intense talaga! Feeling niya kasi normal, e! Nang makita niya, sabi niya, ‘Ibang klase!’

“’Sabi ko sa iyo, ayaw mong maniwala,’” sabi niya raw sa ina.

“Super proud talaga siya kasi nakikita naman niya na may strive ako at hindi naman siya napapahiya.”



LEAD ROLE. Mas kumportable ba si Arjo sa action kaysa magdrama?

“Kasi noong first na malaman kong action siya, medyo alanganin ako.

“Eventually, nag-training, sobrang close ko si Ejay [Falcon, ang bida sa Dugong Buhay], para ko po siyang kapatid sa totoong-buhay.

“Walang taong bibigyan ng ganitong kabilis na opportunity—mapa-action, mapa-drama, mapa-gay role, okey lang sa akin.

“Sino ba ako para bigyan ng lead sa action? Thankful ako and I cannot complain, kasi kahit ako, sobrang nabilisan sa mga pangyayari.

“Sabi sa akin, ‘O, lead ka sa Dugong Buhay.’

"‘O, talaga?’ Thank you sa lahat ng pagtitiwala sa capability ko.’”

Handa na ba siyang makumpara kay Ejay?

“Si Ejay… For me kasi, ma-compare man kami, okey lang sa akin kung may negative…siguro, I’ll take it as improvement.

“Close kami ni Ejay, siya ang huling kaiinggitan ko.”

Napi-pressure ba siya na magagaling ang mga nakasama niya sa Dugong Buhay gaya nina Noni Buencamino, Carlo Aquino, Ana Capri, at Sunshine Cruz?

“Thankful ako, more than pressured, e! Magagaling nga sila… Binibigyan nila ako ng tips.

“Nade-develop yung skills ko as an actor and I really appreciate the veterans.”

CELEBRITY CRUSH. Natanong si Arjo kung sino ang celebrity crush niya.

“Sa ngayon ay si Kim [Chiu].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit naman si Kim ?

“Noong una, hindi naman masyado. Pero noong makita ko, mabait naman… cute siya.

“Nakasama ko siya one time sa ASAP rehearsal, pero sa standby area lang.”

Gusto rin niya itong maka-partner?

“Yeah, why not? Given the opportunity… go!”

Bukod kay Kim, meron pa bang iba?

“Wala na siya sa showbiz. Ewan ko kung nasa showbiz—si Kristine Hermosa.

“Number one crush ko ‘yan… noong una pa kahit wala pa ako sa showbiz.”



OPEN DATING. Walang nababalitang karelasyon ngayon si Arjo maliban sa dating nali-link sa kanya.

“Wala. Hindi… focused ako ngayon sa career ko,” kumpirma niya.

Ayaw ba niyang magka-girlfriend?

“Hindi naman sa ayaw. Hindi siya dumarating.

“Yes, dating. Nagde-date ako ng mga…parang open dating. Parang friendly dinner.

“Wala akong sineseryoso ngayon kundi career ko…promise. Wala akong gustong pormahan kasi darating naman ‘yan.

Kailan siya huling nagka-lovelife?

“Last year pa yun.

Kay Akiko Solon ba yun na nakasama niya sa seryeng Eboy?

“Opo,” pag-amin naman niya.

Nagkikita pa ba sila? May contact pa ba?

“Wala na,” mabilis niyang sagot.


CONFLICT. Nalaman ng PEP na may usap-usapang kaya sila nagkahiwalay ni Akiko ay dahil diumano’y sinulot daw ito sa kanya ni Neil Coleta.

“Okey na. Nagkausap na kami. Bati na po kami," sabi agad ni Arjo.

Paano sila nagkabati?

“Nag-sorry siya and he reached out naman.”

Balita ring muntik na raw niya itong sapakin?

“Hindi naman. Pero, more on ano siya…nainis lang.

Tinanong ng PEP si Arjo kung talaga bang pinormahan ni Neil si Akiko kahit na girlfriend na niya ito.

“Opo,” tugon agad niya.

“Pero as of now, wala pang one year, nakalimutan ko na, di ba?

“Ba’t pa ako mag-iisip ng problemang ganoon? Mag-focus na lang sa work.

“Wala namang mangyayari sa akin pag ‘yun ang iniisip ko.”

Nagbabatian na ba sila ni Neil pag nagkikita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, no problem,” sabi pa niya.

“Nakapag-sorry na siya. Of course, may wall, pero sorry is sorry.

“You have to accept it and we have the same network, so, I cannot…”

Totoo bang nagbanta ang ina niyang si Syliva na huwag na huwag magpapakita sa kanya si Neil?

“Hindi naman sa huwag na huwag makikita, kasi nagkita naman sila recently, pero more of ano…

“Medyo na-disrespect yung mom ko, kasi alam naman niya na nanay ko naman yun, ’tapos, babastusin yung anak.

“Of course, sinong nanay ang hindi mababastusan in a way, di ba?”

Pero ayon sa kampo ni Neil, paliwanag nito na friend lang daw niya si Akiko at hindi in-attempt na ligawan.

“Siguro...itatawa ko na lang,” bulalas pa ni Arjo.



NEIL’S SIDE. Hiningan naman ng PEP ang saloobin si Neil tungkol sa mga pangyayari.

Sa mga text messages, nagpaunlak naman ng sagot si Neil.

“Naayos na namin yun, dati pa. Hindi naman ganoon ang nangyari. Misunderstanding lang po,” sagot niya sa text.

Pero totoo bang nag-sorry siya kay Arjo?

“Yup. Pero hindi po sinulot.”

So, ano ang dahilan ng pagso-sorry?

“Misinterpret lang po,” sagot pa ng Juan dela Cruz star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN