PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon achieves dream of becoming action star in Dugong Buhay

Ejay says negative comments had pushed him to improve his acting skill.
by Nerisa Almo
Published Apr 5, 2013
“Alam ko naman na natututo ako, pero siyempre, gusto ko pa ring mag-aral nang mag-aral. Gusto ko laging may bago,” says Dugong Buhay lead actor Ejay Falcon about his acting.

“Dati pangarap ko lang, napapanood ko lang. Ngayon, ako na pala ang gagawa.”

Ito ang naging reaksiyon ng 23-year-old actor na si Ejay Falcon nang malaman niyang magiging bahagi siya ng Dugong Buhay, na magsisimulang umere ABS-CBN sa April 8, tuwing hapon.

“Sobrang nakakataba ng puso at sobrang saya ko kasi fan talaga ako ng action,” ang sabi pa ni Ejay nang makausap siya ng entertainment media sa press conference ng serye noong Miyerkules, April 3.

Bukod dito, ikinagulat din ni Ejay na sa kanya ibinigay ang lead character ng TV adaptation ng original komiks series ni Carlo J. Caparas.

Ani Ejay, “Masaya po ako kasi po ang dami namin sa ABS-CBN, sa Star Magic, sobrang dami namin, ‘tapos isa ako doon sa napili.

“Sobrang saya po kasi bago pa lang akong artista pero binigyan na ako ng ganito kalaking project.”

Dahil dito, aminado ang dating grand winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition na malaki ang dalang pressure sa kanya ng bagong proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“‘Yong action kasi ngayon, medyo wala na so kailangan naming pagandahin ‘yong teleserye namin.

“Talagang pinaghirapan namin itong bagong teleserye. Malaki ang tiwala ko sa production, sa directors, sa creative team.

“Nawawala rin ang pressure kasi malaki ang tiwala ko sa kanila kasi pinaghirapan talaga namin ito, binigay namin ang best namin para Dugong Buhay.”



BIGGEST BREAK. Kung babalikan ang mga nagawa ni Ejay noon sa TV, masasabing ang Dugong Buhay ang pinakamalaking break na natanggap niya sa ngayon dahil lead character ang kanyang gagampanan.

Noong mga nakaraan kasi ay madalas na kasama siya sa loveteam, kung saan nakatambal niya sina Erich Gonzales sa teleseryeng Katorse (2009), Queenie Padilla sa Momay (2010), at si Empress naman sa primetime series na Guns and Roses (2011).

At dahil mas nakatuon ngayon sa kanya ang atensiyon, itinuturing ni Ejay na “challenge” ito.

Aniya, “Siguro kasi ‘yong mga ginawa kong dating teleserye, more on love team. Ito, ibang Ejay Falcon ang makikita n’yo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero para mabawasan ang kaba, sabi ni Ejay, hindi ko iniiisip masyado na ako ‘yong bida.

“Sabi ko nga, para sa akin lahat ‘launching’ ‘to.

“Lahat ng kasama kong artista, parang nila-launch din dito. Ayaw kong isipin na ako lang.”



“SALAMAT SA PAGPUNA.” Noong nagsisimula pa lamang si Ejay, may ilang hindi kumbisido sa talento ng baguhang aktor.

Dahil dito, mas na-encourage daw si Ejay na magpursige para pagbutihin ang kanyang craft.

“Salamat sa pagpuna. Kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi siguro ganito ‘yong mangyayari,” sabi ng binatang aktor.

“Noong may mga nagsasabi na hindi ako magaling umarte, noong bago pa ako, mas pinagbuti ko at mas nag-aral ako para patunayan sa kanila na kaya kong makipagsabayan sa ibang artista.”

Buo rin ang paniniwala ni Ejay na kumpara noon ay nag-improve na siya bilang aktor.

“Alam ko naman na natututo ako, pero siyempre, gusto ko pa ring mag-aral nang mag-aral,” sabi niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Gusto ko laging may bago. Gusto ko, kapag napanood ng mga tao, hindi lang, ‘Ay, si Ejay nagpa-cute. Hindi naman pala, action ang gagawin niya.’ Gusto ko laging may bago.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Alam ko naman na natututo ako, pero siyempre, gusto ko pa ring mag-aral nang mag-aral. Gusto ko laging may bago,” says Dugong Buhay lead actor Ejay Falcon about his acting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results