PEP SCOOP: Ai-Ai delas Alas is now Mrs. Jed Salang, according to sources

Ayon sa dalawang sources, ikinasal noong April 3 (U.S. time), sina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Las Vegas, Nevada, U.S.A. Wala pang kumpirmasyon mula sa kanya pero nagbigay ito ng ilang pahiwatig sa kanyang latest Instagram.


Ikinasal kahapon, April 4 (April 3 sa U.S.), sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Las Vegas, Nevada, U.S.A., sina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang.

Ito ay ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na malapit kay Ai-Ai.

Noong huling buwan ng Marso, kumalat ang balitang "nine weeks pregnant" si Ai-Ai.

At ayon sa report ng People’s Journal, nag-propose daw si Jed bago mag-Holy Week.

Kaninang tanghali, nakarating sa PEP ang balita, na ayon sa isa pang source ay sa Instagram account daw nagbigay ng pahiwatig ang Comedy Queen.

Sa latest Instagram photo na in-upload ni Ai-Ai, makikita roon na nakasuot ng pormal na damit ang mga kasama niya sa Las Vegas na kinabibilangan ng dating asawang si Miguel Vera at mga anak na sina Sancho, Sean Nicolo, at Sophia.

May bulaklak pa sa dibdib sina Sean at Sancho.

Habang sa ibabang bahagi naman ng photo ay nakapormal ding suit si Jed kasama si Ai-Ai.

Ang tanging caption ng photo ay: "FORMAL DINNER... happy day!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN