Comedienne Tiya Pusit to marry 27-year-old boyfriend next year

Tiya Pusit on her sex life: “Naku, walang sex. Meron kasi akong hypertension, kaya bawal akong ma-excite masyado. Minsan sinubukan namin, ayun... ospital ang bagsak ko.”


Matagal nang usap-usapan ang pagpapakasal diumano ng komedyanang si Tiya Pusit sa kanyang foreigner boyfriend.

Nang inusisa ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa proclamation rally ng United Nationalist Alliance (UNA) last Sunday, March 31 sa Liwasang Bonifacio, nilinaw nitong hindi na sa foreigner na kanyang karelasyon ang nasabing kasal, kundi sa isang Pinoy na isang taon at limang buwan na niyang kasintahan

Madalas makasama si Tiya Pusit bilang regular host/entertainer sa mga UNA campaign rallies.

Kasama niya sa rally ang 27-year old boyfriend na si Nathan Villa na taga-Las Piñas. Halos 37 years ang agwat ng kanilang edad. Noong nakaraang March 23 ay ipinagdiwang ng komedyana ang kanyang ika-64th birthday.

Saan nga ba niya nakilala si Nathan?

Tugon niya, “Anak, sa Facebook. Tatlo nga yan, e... dalawang foreigner. Pero, ito kasi masigasig, kaya napa-oo niya ako.”

May trabaho naman daw ito sa isang call center at kapag naka-day off ay sumasama-sama sa kanya sa mga political rally ng oposisyon para tumulong sa pagbitbit ng kanyang mga gamit.

SEX LIFE. Dahil matagal na rin ang kanilang samahan, hindi maiwasang maitanong sa kanya ang tungkol sa kanyang sex life.

Natatawang kuwento nito, “Naku, walang sex. Meron kasi akong hypertension, kaya bawal akong ma-excite masyado. Minsan sinubukan namin, ayun... ospital ang bagsak ko.”

Sa ngayon, balak na raw sana nilang magpakasal kaso ikakasal daw ang kapatid ng lalaki ngayong taon kaya baka next year na lang daw dahil naniniwala sila sa ‘sukob’— ang pamahiing Pinoy na nagpapaniwalang malas ang pagpapakasal ng magkapatid sa parehong taon.

Wala naman daw problema sa pamilya ng lalaki ang agwat ng kanilang edad, at naipakilala na rin daw siya nito sa kanyang mga magulang.

Isa lang daw ang problema ni Tiya Pusit, na nagwikang, “Mas matanda pa ako sa kanila. Anong itatawag ko sa kanila?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN