Daniel Padilla on dealing with intrigues and bashers: “Wala nang intrigang tutumba sa akin.”

Daniel on his more relaxed and more cheerful aura these days: “Siyempre, wala naman sigurong dahilan para maging malungkot. Kung mayroon man di naman kailangang gawing big deal para mas malungkot. Wala na, parang nag-evolve na ako na maging chill na tao, e. Kaya relax na lang ako, anuman ang mangyari, relax lang... lahat ng problema may solusyon.”


Kinukunsidera siya bilang isa sa mga pinakasikat na young actors sa kanyang henerasyon.

Kung ang pagbabasehan ay ang Platinum award ng 1st album niya, ang mataas na ratings ng seryeng Princess and I, ang mainit na pagtanggap sa pelikulang Must Be... Love at ang sunod-sunod niyang mga product endorsements, lahat ay sasang-ayon na nakahukay ng gold mine ang ABS-CBN sa katauhan ng teen actor na si Daniel Padilla.

Sa presscon ng Amigo Segurado nung nakaraang Huwebes sa 55 Events Place kung saan pormal na ipinakilala si Daniel kasama si Richard Yap bilang mga product endorsers ng nasabing produkto, naikuwento ng batang aktor ang ilang mga detalye sa nakalalapit niyang birthday concert sa Araneta Coliseum na balitang sold-out na raw sa dami ng gustong manood nito.

GEARING UP FOR MAJOR CONCERT. Tinanong din siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mas kabado ba siya sa solo concert niya o sa launching ng tambalan nila ni Kathryn sa pelikulang Must Be... Love.

“Actually, pareho, kasi di natin alam kung ano ang puwedeng mga mangyari pero siyempre handa rin tayo sa mga puwedeng mangyari.

“Actually kami ni Mr. M [ABS-CBN star builder Johnny Manahan] ang nag-uusap, siyempre show ko yan. Nag-meeting kami, tiningan namin kung ano ang mga kailangang gawin, kung ano ang mga gagawin.

“Ang ganda ng usapan namin, ang trip ko, alam na alam ni Mr. M kaya mahal na mahal ko ‘yun... alam niya talaga.

“Mas na-e-excite talaga ako kasi alam ninyo naman ako pag di ko gusto ang ginagawa ko. Nakita ko na alam ni Mr. M ang lahat kaya ako ganadong-ganado na gawin ’to.”

Sa April 26 ang birthday at sa April 30 naman ang concert sa Araneta.

Dahil sa kinakailangang pag-focus niya para sa Araneta concert, may posibilidad na sa May na lang daw ipagdiriwang ang kanyang kaarawan, para hindi ito makasagabal sa nalalapit na concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Concert na muna, dun na muna ako magko-concentrate. Ang birthday ko masaya ako kasi di lang para sa akin, di lang ako kundi lahat ng tao mag-e-enjoy,” kuwento niya.

“Ang birthday ko [April] 26 pa pero ang daming gagawin, kailangan mag-rehearse pa, maghanda, magpakundisyon siguro sa May na yung celebration.”

Nabili na ni Daniel ang minimithing sasakyan na Dodge Challenger na nagkakahalaga ng ilang milyon din. Bukod dito ay isang bahay ang pangarap na bilhin ni Daniel para sa ina.

“Oo, nabili ko na, wag na nating pag-usapan. Bahay para kay ermats. Hindi pa ako ganung kasaya kasi kailangan ko pang bilhin yung bahay, hindi ko pa naa-ano na masaya ako. Kailangan ko pa ng bahay, pag steady na.”

“Baka sa Quezon City lang para malapit,” dagdag niyang kuwento.

BIRTHDAY GIFT TO KATHRYN. Nag-celebrate naman ng birthday niya si Kathryn Bernardo last March 26 kung saan isang mamahaling bag naman ang regalo ni Daniel para sa kapareha.

“Yung gusto niya, yun ang binigay ko. Kitang-kita ko naman sa mukha ni Kathryn na abut-abot ang ngiti, e.

“Bag yung binigay ko, basta yellow bag... Louis Vuitton, pagkatapos nga nun yun yata yung medyo problema na sumakit ang ulo ko, hahahaha!

“Si Ermat ang bumili, alam naman ni Ermats yun. Ako ang nagsabi pero siya ang bumili.

BIRTHDAY GIFT WISH. Nang tanungin naman kung ano ang regalo ang gusto niyang matanggap mula kay Kathryn, para sa batang aktor ay di naman siya nag-e-expect ng regalo mula sa kapareha.

Aniya, “Di na kailangan ng regalo. Masaya na ako sa ngayon. Basta siya na ang bahala, kahit ano, kahit wala.”

MELLOWER AND MORE RELAXED. Marami ang nakapansin na mas maaliwalas at mas maganda ang aura ngayon ni Daniel kumpara dati na mukhang seryoso at medyo aloof.

Ayon sa young actor ay lumipas na rin ang mga panahon na mainitin ang ulo niya na trademark na ng mga Padilla kahit pa nga may mga intrigang ipupukol sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, wala naman sigurong dahilan para maging malungkot. Kung mayroon man di naman kailangang gawing big deal para mas malungkot. Para saan pa ang problema, wala namang idudulot na tama, di ba?

“Wala na, parang nag-evolve na ako na maging chill na tao, e. Kaya relax na lang ako, anuman ang mangyari, relax lang... lahat ng problema may solusyon.”

“Wala nang intrigang tutumba sa akin,” giit niya.

Isa rin si Daniel sa mga artistang naging biktima ng pagba-bash mula sa ilang mga fans. Kung minsan, pati na ang mga mahal niya sa buhay gaya ng kanyang Mommy Karla at si Kathryn ay nakakatanggap ng mga masasakit na mga salita mula sa mga ito.

May mensahe si Daniel sa mga taong nagmamahal at ayaw naman sa kanya.

“Sa lahat ng mga nagmamahal sa akin, mas mahal ko kayo, sa mga may ayaw sa akin, ayoko rin sa inyo, abot langit ang ayaw ko sa inyo,” bulalas niya.

Ilang buwan na ang nakakalipas mula noong panahong may isang fan na di nakatiis at hinalikan sa labi si Daniel habang nagpe-perform ito sa ASAP 2013.

Ayon kay Daniel ay wala namang problema sa kanya kung may mga fans siyang di makapagpigil na halikan siya.

“Okay lang basta babae, wala tayong magagawa, e. Kung lalake? Yun na, wag na yun, badtrip yun,” biro niya.

KURATONG BALELENG MOVIE. Isang pelikula ang nakatakdang tapusin ni Daniel— ang Kuratong Baleleng— kung saan makakasama niya ang mga tiyuhing Padilla.

“Wala pa, pero yung kay Tito Robin babalikan na namin, kailangan naming ayusin yun. Kuratong Baleleng, malapit na kaming matapos, kaunting-kaunti na lang.”

“Kailangan ding abangan kasi kami-kami nagtulungan para dito... kaming magkakamag-anak.”

NEXT TEAM-UP WITH KATHRYN. Kinumusta din namin sa young actor ang naging resulta ng Must Be... Love.

“Actually, wala pa akong nababalitaan, pero kung anuman ang balita gusto kong magpasalamat sa lajat ng mga nanonood at sa lahat na nagustuhan ang palabas, maraming salamat. Sa mga di pa nanonood, sana panoorin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang serye naman na pagtatambalan nila muli ni Kathryn ang nakalinyang gawin ng dalawa na tiyak na ikatutuwa ng Kathniel fans.

“Mayroon kaming serye ngayon, maglu-look test na nga kami. Magkasama kami ni Kathryn dito so sana abangan at suportahan nila,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN