PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryzza Mae Dizon on what televiewers should expect from her very own TV show: “Ano po, kuwentuhan, tawanan, sayawan, kantahan, marami pa po... kulitan.”

Ryzza Mae enjoys playing Temple Run during her spare time
by Rose Garcia
Published Apr 7, 2013
Aside from being an actress, dancer and TV host, Ryzza Mae also wants to be a chef and make-up artist

“Masaya,” ang naging palaging sagot ng phenomenal child star host na si Ryzza Mae Dizon nang tanungin ito kung ano ang nararamdaman niya na may sarili na siyang show.

Ang The Ryzza Mae Show ay mapapanood na sa darating na Lunes, April 8, sa GMA-7 bago ang Eat Bulaga.

Si Ryzza na nga siguro ang maituturing na pinakabatang host sa telebisyon.

Nakitaan ng galing at pagiging “spontaneous” si Ryzza sa Eat Bulaga kunsaan nakakaya niyang makipagsabayan sa mga batikang hosts na ng programa tulad nina Vic Sotto, Jose Manalo at iba pa.

Yun nga lang, tila pagod si Ryzza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng kanyang programa noong Biyernes sa Broadway Centrum, Quezon City.

“Hindi po,” mabilis naman niyang tanggi.

Mukhang nagsasabi naman nga ito ng totoo dahil nang mapanood namin ang good-as-live taping niya for The Ryzza Mae Show kunsaan ang Diamond Star na si Maricel Soriano ang special guest niya, para itong may push button na nagmistulang high-energy talaga at nando'n na rin ang kanyang pagiging bibo at madaldal noong naka-on-cam na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GOING SOLO. Ano naman ang mapapanood ng mga tao lalo na ng mga tagahanga niya sa sarili niyang show?

“Ano po, kuwentuhan, tawanan, sayawan, kantahan, marami pa po. Kulitan,” banggit niya.

Sino naman ang mga magiging guests niya?

“Secret, abangan na lang po nila,” nakangiting sabi niya.

Tinanong naman si Ryzza kung paano raw kung maging special guest niya ang Presidente ng bansa na si President Noynoy Aquino; ano raw ang itatanong niya rito?

“Kumusta po siya,” ang inosenteng sagot naman nito.

Kapag nakumusta na niya, ano pa ang gusto niyang itanong dito?

“Kailan ang birthday niya.”

Reregaluhan ba niya si President Noynoy?

“Hindi po,” sabi naman niya.

Mukhang sa birthday ng kanyang nagiging special guest interesado si Ryzza dahil nakapag-taping na siya ng episode kunsaan ang naging guest naman niya ay si Ms. Susan Roces.

Nang tanungin si Ryzza kung ano ang mga tinanong niya rito, yun din ang itinanong niya sa naturang showbiz icon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino pa ang mga gusto niyang maging guests niya at makausap?

“Lahat po,” sabi naman niya pero ayaw nitong magbigay ng partikular na pangalan.

Aniya, “Gusto ko po kasi lahat, e.”

Bagamat naka-pink si Ryzza noong araw na yun, ayon sa kanya, yellow raw talaga ang paborito niyang kulay.

Ini-intriga naman si Ryzza kung kilala raw ba nito si Jillian Ward?

“Opo, si ate Jillian po.”

Sino ang mas sikat sa kanilang dalawa?

“Pareho po,” saad naman niya.

Bakit nga ba magaling siyang mag-host?

“Ano po, tinuturuan po nila kong lahat. Mga staff po at saka si Mama ko. At saka ano yun, magandang mag-host.”

Sinong idol niya na host?

“Si Bossing [Vic Sotto] po.”

78 YEARS OLD.” Natawa naman ang entertainment press kay Ryzza nang tanungin siya kung ilang taon na ba siya dahil para na siyang “matanda” kung mag-host at makipag-usap.

Sabi naman niya, “78 na po ako.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paano naman siya naging 78 years old?

“Kasi po, ang birthday ko, June 12, 1935.”

Bakit hindi siya tumatanda kung 78 years old na siya, ano ang sikreto niya?

“Hindi ko nga po alam.”

Biniro tuloy si Ryzza Mae na baka may anting-anting o magic daw siya.

UNSCRIPTED. Sa Eat Bulaga, adlib niya lang madalas ang sinasagot at ibinabato niyang salita sa mga kasamahang hosts sa Eat Bulaga.

Sa The Ryzza Mae Show, adlib lang din siya?

“Opo.”

Paglaki raw ni Ryzza, may pangarap siya bukod sa pagiging artista, dancer (siya ang nagpasikat ng sayaw na cha-cha sa Eat Bulaga) at host.

Ayon kay Ryzza, “Gusto ko pong maging chef at saka make-up artist.”

Bakit gusto niyang maging make-up artist?

“Kasi, maganda yun, eh.”

FUN TIME. Sa ngayon, dahil sa busy schedules niya at bukod sa The Ryzza Mae Show, may Eat Bulaga pa siya araw-araw rin at Vampire ang Daddy Ko, naisisingit pa rin naman daw niya minsan ang paglalaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kami ng kapatid ko po, naglalaro kami ng Temple Run,” kuwento niya.

Ang Temple Run ay isang laro sa iPhone o iPad.

Pero noong Holy Week, nakapagbasyon daw si Ryzza sa Porac, Pampanga.

Ano ang ginawa niya sa Porac?

“Nag-swimming po.”

Ano ang pangarap niyang lugar na pagbakasyunan?

“Sa bahay ng lola ko, sa Quezon po.”

Ang Papa raw niya ang taga-Pampanga. Ang Mama naman daw niya ay taga-Quezon. Pero ang nakakatuwa kay Ryzza, nakakaintindi siya ng Kapampangan.

Tumango lang ito nang tanungin namin kung noong umuwi siya ng Pampanga, pinagkaguluhan ba siya.

Hindi ba siya nagsu-suplada kapag may gustong magpa-picture sa kanya?

“Hindi naman po,” sabi niya.

Simula nang magtuloy-tuloy na sa showbiz career niya si Ryzza pagkatapos niyang manalo bilang Little Miss Philippines 2012 sa Eat Bulaga, nakabili na ito ng sariling sasakyan.

Ang magkaroon naman daw ng bahay ang susunod niyang plano.

Kailan siya bibili ng bahay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko pa po alam kay Mama.”

NO CRUSH. Consistent naman si Ryzza sa kanyang sagot tuwing tinatatanong dito kung sino ang crush niya.

“Wala,” ang lagi niyang sinasagot.

Read Next
Read More Stories About
Ryzza Mae Dizon, eat bulaga
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aside from being an actress, dancer and TV host, Ryzza Mae also wants to be a chef and make-up artist
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results