Glaiza de Castro on same-sex relationship: “Ang gusto ko talagang maka-partner ay lalaki… kanya-kanya namang choices ‘yan, e.”

Isinantabi ni Glaiza de Castro ang pagkakaroon ng lesbian relationship. Paliwanag niya: “Naiintindihan ko ang feelings nila, pero kung halimbawa mai-involved sila sa akin, it’s more on the friendship level… Hanggang ganoong level lang siguro.”


Isang eksena sa trailer ng latest offering ng Viva Films na Coming Soon ang naka-amuse sa mga dumalong entertainment press sa presscon nito.

Sa eksena nina Glaiza de Castro at Bubbles Paraiso, may insinuation ng pagnanasa ang isang babae sa kapwa babae.

Wala sa nasabing presscon ang dalawang aktres na ginanap sa City Best Seafood Garden along Tomas Morato, Quezon City noong April 5.

Si Glaiza, na isa sa lead actress ng indie film na ito, ay nasa Iloilo noong araw na iyon.

Si Bubbles naman ay hindi dumalo dahil hindi siya main character sa pelikula kundi guest lamang.

Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Glaiza sa Party Pilipinas noong Linggo, April 7, nilinaw namin sa kanya ang nasabing eksena sa pelikula.

Natatawa niyang paliwanag, “Yung eksena namin ni Bubbles? Actually, isa yun sa movie na dapat abangan kasi first time ko lang ginawa.

“Hindi naman siya yung tipong sobrang sensuwal, kasi parang may halo siyang comedy. Kasi yung buong film ay comedy talaga.

“Kaya wala naman siyang dapat ikabahala.”



IMPROVISATION. From the start pa, alam na niyang may ganoong eksena na gagawin siya?

Ani Glaiza, “Well, doon kasi sa paggawa ng film, may times na nag-i-improvise na lang kami.

“Nag-stick naman kami sa script, pero isa ito idinagdag na scene.”

Mabuti ay naging at ease naman siya sa pag-shoot nito?

Sabi ni Glaiza, “A, oo. Kasi si Bubbles naman ang kaeksena ko.

“Palagay na rin ang loob ko sa kanya kasi nakatrabaho ko naman din siya sa Temptation of Wife.

“Pagdating naman sa ganoong role ay hindi ko naman isinasara ang utak ko lalo na pag maganda naman—open ako sa ganoon.”

Sa palagay naman daw ni Glaiza ay maiintindihan siya ng kanyang mga tagahanga kung sakaling mapanood nila ito.

“Hindi naman ako natatakot na hindi nila ako maintindihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masa-shock sila pero, at the same time, matutuwa sila.

“Matatawa sila doon sa eksena kasi may twist yun, e… may twist kasi yun, e.”



PERSONAL CHOICE. Inalam ng PEP sa 25-year-old Kapuso star kung sa totoong buhay ay bukas siya sa same-sex relationship?

Saad niya, “Ayaw ko namang may masagasaan na tao, di ba? Kasi may kanya-kanya tayong choices.

“Pero ako, ang gusto ko talagang maka-partner ay lalaki.

"Kanya-kanya namang choices ‘yan, e. Nasa free country naman tayo…

“We live in a free world and ayoko naman i-judge ang iba sa kung ano ang choice nila—kung saan sila masaya.

“Basta ako, alam ko kung ano ang stand ko at kung saan ako masaya.

“Ang nakakatuwa lang dito sa trabaho namin ay we have the opportunity to play someone na hindi naman kami in real life.

“So we become a different person.”



UNDERSTANDING. Paano kung may manligaw sa kanya na lesbian, ano ang magiging reaksiyon niya?

“Manligaw? Manliligaw lang naman pala.

“Right niya yun, pero …” na hindi na tinapos ang kanyang sagot.

Kung i-pursue siya nito?

“Mahirap sagutin ‘yan, e,” nag-aalangang sagot niya.

“Kapag di pa talaga dumarating sa totoong buhay ay parang mahirap talaga mag-assume, e.

“Ako, naniniwala ako sa power ng women to influence at may kanya-kanya tayong calling diyan, di ba?

“Naiintindihan ko ang feelings nila, pero kung halimbawa mai-involved sila sa akin, it’s more on the friendship level.

“Masarap silang maging kaibigan, as far as I know. Hanggang ganoong level lang siguro.”



CHANGE TOPIC. Tinanong din ng PEP kay Glaiza ang pagkakaiwan niya sa eroplano papuntang Malaysia para dumalo sana sa 1st ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) bilang bahagi ng delegasyon ng Pilipinas.

Kuwento niya, “Sobrang frusration ko dahil five minutes bago ako dumating, nag-close na ang eroplano. Naiyak talaga ako!

“Pero sabi nga ng nanay ko, may reason ang God for everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung gusto niyang makasama ako doon, gagawa at gagawa siya ng paraan.

“Galing kasi ako noon sa last taping day ng Temptation of Wife sa Antipolo na nag-pack up ako ng six o’clock ng umaga.

“E, ang flight namin ay six-twenty [a.m.] kaya yun. Di na ako nakaabot.

“Hindi raw kasi nila sigurado kung makakarating pa ako.

“Pero kung may nag-inform daw [sa airline] na kung malapit na ako, puwede pa daw akong hintayin kaso ganoon nga ang nangyari."

Dagdag ng Kapuso actress, “Sobrang ni-look forward ko talaga yun, kasi two weeks straight kami nag-taping, tapos all set na ako.

“Aside from that, gusto ko talaga um-attend ng festival mismo at makalabas ng bansa, makapagpahinga.

“Inisip ko na lang marami pang chances.”



CHURCH SERVICE. May kapalit naman ang hindi niya pagkakasama sa team ng Pilipinas kasi nakapaglingkod naman daw siya na kanilang simbahan.

Miyembro ng Baptist Church ang pamilya nina Glaiza.

Kuwento niya, “Thirty-fourth anniversary din kasi yun ng Church.

“Ang ginawa ko, tumulong ako sa gawain namin sa Church.

“Meron kaming presentation noon, kaya ang ginawa ko ay tumulong ako sa presentation.

“Kaya naisip ko, heto yung purpose ni God… kailangan ako doon.

“Sabi ko nga, magpasalamat na lang ako, kasi marami namang pagkataon…

“Na yung ibang chances na hindi para sa akin ay napupunta sa akin.”



TALENTED PINOY. Proud naman siya sa mga mananalo sa AIFFA, gaya nina Alessandra de Rossi (Best Actress), Amita Linda (Best Supporting Actress), at Bugoy Cariño (Best Supporting Actor).

“Sobra!" bulalas niya.

"Siguro kung nandoon ako, iba at sobrang proud din ako kahit hindi ako ang nanalo.

“Iba kasi pag Pinoy ka, tapos may natanggap ng award ang kapwa-Pinoy, pati ikaw nadadamay sa kaligayahan.

“Naniniwala ako sa talents ng mga Piipino.

"Kahit saang field mapunta, may ikaka-proud talaga tayo. I mean, ipagmamalaki natin ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Biro mo si Bugoy, napakabata pa, Best Supporting actor na.

“Tapos, si Ms. Anita Linda na matagal ko nang hinahangaan, e, Best Supporting Actress naman.

“And then, si Alex [Alessandra de Rossi], same manager kami… si Tito Manny [Valera], panalo naman sa pagiging Best Actress.

“Ang sarap ng feeling na sila ang mga nanalo,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN