PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jomari Yllana gets emotional as son Andrei joins showbiz

Jomari advises Andrei about professionalism: “Mas okay na yung ikaw ang may masabi sa iba. Huwag na huwag lang na meron silang masabi na hindi maganda
by Gorgy Rula
Published Apr 8, 2013
Papasok na rin sa mundo ng showbiz ang anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez na si Andrei. Maraming payo si Jomari kay Andrei tungkol sa papasukin nitong propesyon, pero pagdating sa relasyon ay ito ang pahayag ng aktor: “Hindi ko na siya papayuhan pagdating sa relationship, kasi alam naman niya lahat na pinagdaanan ko, e. Alam naman niya ang tama saka mali! Nakita naman niya yun, e. Huwag na lang niyang tularan ang mga mali namin ng nanay niya pagdating sa relasyon. Imposi

First time na magkasamang nag-guest ang mag-amang Jomari at Andrei Yllana sa TV. Nangyari ito sa Startalk noong Sabado, April 6.

Kaya medyo emotional ang aktor nang ininterbyu sila ni Joey de Leon.

Nag-promote si Jomari ng bagong programa niya sa GMA-7, ang Kakambal ni Eliana.

Kasabay nito ay in-announce na rin ang pagpasok ni Andrei sa showbiz, kaya pinagsabay na sila sa naturang showbiz-oriented talk show ng Kapuso network.

Ayon kay Jomari, “Mixed emotions na ako, e.

“Pag nagsasalita ka tungkol sa anak mo, seryosong usapan yun. Merong laman lagi.

“Pagkatapos nakikita ko pa ang sarili ko sa kanya nung nagsimula rin ako sa showbiz.”

ANDREI JOINS SHOWBIZ. Nanood lang ang ex-wife ni Jomari at ina ni Andrei na si Aiko Melendez nung oras na iyon. Pero nagti-text ang aktres sa ilang staff ng Startalk na sobrang kabado siya sa first TV appearance ng kanilang anak, dahil alam niyang napakamahiyain nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayagan na kasi ni Aiko si Andrei na pasukin ang pag-aartista, kaya pina-handle niya ito kay Malou Choa-Fagar bilang manager.

Nagulat naman daw si Jomari nang nalaman niyang gusto nang mag-artista ng kanyang anak dahil dati naman daw ay napakamahiyain nito at ayaw raw niyang mag-artista.

Sabi ng aktor, “Binanggit sa akin ni Aiko, hindi ko alam kung seryoso.

“Nung nakita ko ang bata, tinanong ko siya. Niloloko ko siya, kung talagang gusto niyang mag-artista. Gusto raw niya.

“Eto, nagulat ako, may TV guestings na siya!” tawa pa niya.

Dagdag ni Jomari, “Kasi ang custody naman with the mom. Kung ano man ang napapag-usapan nila, dun na rin ako.

“Siyempre marangal na trabaho ‘yan, hindi ko naman kokontrahin ‘yan.”

Naalala raw ni Jomari nung nagsimula din siya sa pag-aartista dahil fourteen years old din daw siya noon.

Kaya tamang-tama na fourteen na rin ngayon si Andrei, gusto na nitong subukan ang pag-aartista. Basta tuparin lang daw ni Andrei ang pangako nitong hindi pababayaan ang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, hindi niya puwedeng pabayaan ‘yan, patitigilin siya ng mommy niya kung magpabaya siya,” pagpapaalala ni Jomari.

FATHER AND SON. Malaki naman daw ang tiwala ni Jomari kay Andrei, pero ang tanging hiling lang daw niya ay huwag mangyari sa anak ang nangyari sa kanila ni Aiko na hindi naging successful pagdating sa pakikipagrelasyon.

Bilang aktor, gusto lang iparating ni Jomari sa kanyang anak na dapat ay marunong itong makisama sa lahat na nakakatrabaho.

Payo niya kay Andrei: “Pagdating sa propesyon, pakikisama sa bawat nakatrabaho.

“Mas okay na yung ikaw ang may masabi sa iba. Huwag na huwag lang na meron silang masabi na hindi maganda sa ‘yo.

“Hangga’t wala kang iniisahan o inaagrabyado, tuluy-tuloy ka na.

“Ang mundo mo, lalaki nang lalaki.

“Kapag may mali kang ginagawa sa kapwa mo, ang mundo mo, liliit nang liliit.

“Sa personal naman, ang sablay ko, relationship, e.

“Hindi ko na siya papayuhan pagdating sa relationship, kasi alam naman niya lahat na pinagdaanan ko, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam naman niya ang tama saka mali!” natatawang pahayag ni Jomari.

“Nakita naman niya yun, e. Huwag na lang niyang tularan ang mga mali namin ng nanay niya pagdating sa relasyon.

“Imposibleng hindi matuto yun kasi he was part of what happened.”

Open naman daw sa kanila si Andrei at hindi raw ito marunong magsinungaling kaya nasasabi naman daw niya lahat sa kanila ni Aiko.

Kaya madali lang daw itong gabayan, lalo na’t papasukin na nito ang mundo ng showbiz.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Papasok na rin sa mundo ng showbiz ang anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez na si Andrei. Maraming payo si Jomari kay Andrei tungkol sa papasukin nitong propesyon, pero pagdating sa relasyon ay ito ang pahayag ng aktor: “Hindi ko na siya papayuhan pagdating sa relationship, kasi alam naman niya lahat na pinagdaanan ko, e. Alam naman niya ang tama saka mali! Nakita naman niya yun, e. Huwag na lang niyang tularan ang mga mali namin ng nanay niya pagdating sa relasyon. Imposi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results