Matthew Mendoza reveals giving up role in Indio to focus on political plans in Puerto Princesa

Former matinee idol Matthew Mendoza is now running for councilor in his hometown, Puerto Princesa City, in Palawan. Did you know that his grandfather served as governor, while his dad served as mayor?


Tumatakbo bilang konsehal ng Puerto Princesa City, Palawan, ang aktor at 90’s matinee idol na si Matthew Mendoza.

Kapartido niya si Ellen Hagedorn na tumatakbo sa pagka-alkalde ng nasabing siyudad.

Matagal nang may offer si Matthew na pasukin ang mundo ng pulitika pero gusto muna raw niyang pag-isipan ito at pag-aralang mabuti.

Sa mga hindi nakakaalam, ang pamilya ni Matthew ay kilalang political clan sa Palawan.

“Bata pa lang ako, I was already opened up to the world of politics,” paliwanag ni Matthew.

“My dad, Higinio ’Tay Buddy’ Clark Mendoza Jr. began as a councilor in Puerto Princesa before he served as mayor in 1986 to 1989.

“He was also an Admiral and head of the Philippine Coast Guard Auxiliary [PCGA] of Palawan.

“My grandfather, Dr. Higinio Acosta Mendoza, was governor of Palawan. He was hailed as Bayani Ng Palawan."

Ang tito naman niyang si Dr. Sonny Mendoza ay naging konsehal din sa Puerto Princesa.

“So politics was already part of our family, and when an offer came na tumakbo for councilor, matagal ko ring pinag-isipan,” paliwanag ng dating aktor, na sumikat nang gumanap bilang leading man ni Charlene Gonzalez sa 1996 remake ng Dyesebel.

“Now, I feel na it’s time and ready na ako to serve the people of Puerto Princesa, the same way that my lolo, father, and uncle did,” pahayag ni Matthew nang makapanayam namin siya via FaceTime.

IT RUNS IN THE FAMILY. Hindi lang daw sa ama nakita ni Matthew ang pagiging lider, dahil maging sa kanyang late mother na si Linda K. Mendoza ay naging head ng tourism ng Puerto Princesa mula noong ’70s hanggang ’90s. Kaya nga nakilala ang pamosong Casa Linda Inn & Restaurant sa Palawan.

Dugtong ni Matthew, “I saw how my parents worked to please a lot of people sa lugar namin.

“They would work morning until night. Even in the most unholy hours, kapag kailangan sila, they would get up and do their job.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang mga natutunan ko sa leadership ng parents ko. Kapag nilagay ka sa puwesto, you do your job— no questions, no complaints— just do your job right.”

FAMILY MAN. Dahil idolo ang mga magulang, nais tularan ni Matt ang pag-prioritize ng mga ito sa pamilya.

“Despite their busy schedules then, when it comes to family, it’s always a priority.

“Present silang dalawa sa lahat ng mga special occasions ng family.

“Kaya kaming magkakapatid, we grew up knowing our parents kahit na nasa mundo sila ng politics.

“And that is what I want to do as well,” pahayag ni Matthew na may tatlong anak.

“Ayokong mawala ang attention ko sa kanila. Gusto ko na lahat ng special events ng mga bata ay nandun kaming mga magulang nila.”

Kahit nga may trabaho si Matt sa Maynila, umuuwi pa rin siya ng Palawan para makasama parati ang mga anak.

“Kahit na ang mga tapings ko ay nasa Manila, kapag na-pack up na ako, diretso ako sa airport to fly back to Puerto Princesa.

“People might think na parang mahirap ang biyahe, but it’s not. One-hour flight lang naman from Manila to Puerto Princesa and vice versa. Tapos from the airport in Puerto Princesa, ilang minutes lang ay nasa bahay na ako.

Paliwanag pa ng aspiring politician, “Wala namang traffic sa Puerto Princesa. Ang traffic talaga ay sa Manila. Kaya kapag may taping, I try to get my schedules early para walang problema sa pagbiyahe ko.”

Dahil tumatakbo bilang konsehal, hindi na tinanggap ni Matt ang role bilang isang Spanish priest sa epicserye ng GMA-7 na Indio.

“Nanghinayang din ako kasi first time ko to do a primetime show for GMA-7. Six weeks din tatakbo ang role ko dapat sa Indio,” kuwento niya.

“Pero noong in-offer nila sa akin yung role, two weeks na lang ay start na ng campaign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko namang mag-commit tapos bigla akong mawawala. Magiging problema pa ako ng production.

“So hindi ko na yun tinanggap and they understood na may kinalaman sa pagtakbo ko as councilor.”

Abala man si Matt sa showbiz, naging active pa rin siya sa ilang negosyo at mga proyekto para sa turismo at mga kabataan sa Puerto Princesa.

Kung sakaling manalo sa darating na halalan bilang councilor, isusulong daw niya na lalong paunlarin ang turismo at ang business aspect ng Puerto Princesa.

Aniya, “My slogan is ‘May Asenso at Trabaho sa Turismo.’

“As a longtime member of the Palawan Tourism Council, gusto naming magkaroon ng kongkreto at maayos na programa ang lokal na gobyerno patungkol sa turismo at pagnenegosyo.

“Gusto naming i-promote pa ng husto ang ganda ng Puerto Princesa.

“Kilala na ang lugar namin sa buong mundo because of the Underground River. It attracts local and foreign tourists the all-year round.

“Pero marami pa silang puwedeng makita sa Palawan at yun ang gusto naming i-push pa.

“Plus of course, yung mga native products namin for export. It will generate big business for many people in our city.

“May mga programa rin kami para sa mga kabataan, which is sports, and we also have programs for family development.”

POLITICS OR SHOWBIZ? Ipagpapalit na ba ni Matt ang showbiz sa pulitika?

“As of now, concentrate muna tayo sa politics at paglilingkod sa city namin,” tugon ni Matt.

“But as long as hindi conflict sa trabaho kapag palarin maging konsehal, puwede naman akong mag-showbiz pa.

“Sa showbiz naman tayo nakilala. Kung hindi sa showbiz, hindi ako makikilala ng mga taga-Puerto Princesa. At hindi ko matatanggap ang maraming suporta kung hindi dahil sa mga naging trabaho ko sa showbiz.”

Huling napanood si Matt sa drama series ng ABS-CBN 2 na Kahit Puso’y Masugutan at sa Angelito: Batang Ama. Sa GMA-7 ay huli siyang lumabas sa Sinner Or Saint at Alakdana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN