PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heart Evangelista believes fighting for Chiz Escudero is worth it; still affected by negative comments about mom Cecile Ongpauco

Heart on her parents: "Feeling ko, para sa kanila, nobody can love me the way that they love me."
by Rose Garcia
Published Apr 9, 2013
Sa lahat ng mga pinagdaanan ni Heart Evangelista, alam na raw niya kung ano kahihinatnan kung sakaling magkamali siya. Saad niya, “You may go against the world but if it’s not for you, it’s not for you. I’ve been down this road before and there’s no certainty. I don’t want to be in an obligation that just because it happened, kailangan mong panindigan. Hindi naman dapat ganoon yun. You’re with someone and you fight fo

Hindi pa rin tapos ang isyu sa pagitan ni Heart Evangelista at ng kanyang mga magulang dahil sa pagtutol ng mga ito sa relasyon ng aktres kay Senator Chiz Escudero.

Pero kumusta na ba si Heart ngayon?

Sagot ng Kapuso actress, “Medyo lutang ako ngayon but I’m trying to go on with my life.

“One thing I’ve learned as you get older, you cannot stop the world from turning, it has to go on.

“There are things that you need to do. There are bills that you need to pay.

“May mga aso kang kailangan alagaan na nagugutom din, you know.

“May mga taong naghihintay para sa ‘yo, may trabaho pa rin na nandiyan.

“And then, I am still very blessed. So that keeps me going.

“I have to wake up… I have to wake up at 7 a.m. the next day.”



DÉJÀ VU. Marami ang nagsasabi na ang pinagdadaanan ngayon nina Heart at Chiz ay tila kaparehas ng nangyari sa relasyon ng aktres kay Jericho Rosales noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ano ang naging mas mahirap sa kanya: Yung sa kanila ni Jericho o yung sa kanila ngayon ni Chiz?

“Ngayon,” mabilis na tugon ni Heart.

Paliwanag niya, “Ngayon kasi, mas malawak na ang pag-iintindi ko sa mga bagay-bagay.

“Marami akong natutunan sa buhay. I’m very understanding and I’ve learned a lot.

“So, kung anuman ang naging sitwasyon ko sa pamilya ko, I understood that. I accepted it.

“Siguro tumanda na ako, I just wanted everything to be peaceful.

“So, mas mahirap ngayon kasi, ako, gagawin ko lahat siguro para maging masaya ang mga tao sa buhay ko.

“But I guess, there’s a limit. You cannot do everything.”



NOT ON SPEAKING TERMS. Ayon kay Heart, simula nang magpa-presscon ang kanyang mga magulang na sina Rey at Cecile Ongpauco upang sabihin na hindi nila gusto si Chiz para sa kanya ay hindi pa sila nagkakausap.

Dahil hindi sila nag-uusap ngayon ng kanyang mga magulang at lumipat na rin ng ibang condo si Heart, kahit sa kanya naman ang condo na tinitirhan niya, hindi ba napakahirap na wala silang komunikasyon ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang hirap, lalo na sa daddy ko,” sagot ni Heart.

Bakit mas mahirap sa daddy niya? Dahil ba daddy’s girl siya?

“Hindi, kasi mas may understanding kami ng daddy ko. He gets me, but I don’t know what happened.”

Mas close sila ng daddy niya?

“Actually, close kaming lahat.”



MOMMYGER. Ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco ang tumatayo niyang manager. Kaya ang tanong: Paano sila ngayong may hidwaan sa pagitan nila?

Ipa-fire ba niya ang sariling ina bilang manager?

Natawa naman si Heart at saka sinabing, “No, I don’t think I can do that.

“I don’t know yet how it’s going to be.

“But I’m sure there are ways to work around it.

“Ako rin naman, I know rin naman how it works.

“If I don’t get my schedules, I can always ask people.”

Sa mga normal na “talent-manager relationship” ay may kontrata at madalas ay may expiration ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Meron din ba silang kontrata ng mommy niya?

“Wala, wala!” natawang sabi ni Heart.



STILL FEELS BAD FOR HER MOM. Hindi na bago sa publiko ang pagtutol o pagkontra ng mga magulang ni Heart sa kung sinumang nakakarelasyon ng aktres.

Nagulat lang ang marami nang magpatawag ng presscon ang mga magulang ni Heart para i-announce na hindi sila pabor kay Chiz. Nakiusap pa ang mga ito na hiwalayan na ng senador ang kanilang anak.

Pero kung pagbabasehan ang mga komento ng sumusubaybay sa isyung ito, tila mas marami ang pumapanig kay Heart sa pagkakataong ito.

Ano ang pakiramdam niya rito?

Tugon ni Heart, “Well, to be honest with you, it confuses me a lot that parang nakinig sila sa akin, nasabi ko ang point ko.

“But when I hear things about my mom, I still feel bad.

“Siyempre, she’s my mom and I feel embarrassed for her.”

Sa puntong ito, kahit halatang ayaw maging emosyunal ni Heart ay nabasag pa rin ang boses niya at napaluha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa niya, “Naiintindihan ko… ako naman talaga ang makakaintindi sa kanya.

“I was brought up a certain way and I accept that because that’s how they show their love for me.

“And I know sometimes I believe in different things.

“But without anybody knowing or people in TV na lumabas ‘to, I accepted how they are kaya tinanggap ko yun through the years.

“But when things are being said about my mom, I still get hurt for her.

“That’s why I wish it didn’t happen anymore.

“Because I love her and my dad, I love them very much.”

Dugtong pa niya tungkol sa mga negatibong reaksiyon tungkol sa kanyang ina, “Nako-confuse ako.

“Should I feel good, they heard my side and they believe me?

“I don’t really have to say much talaga to prove my point, they felt what was in my heart.

“But then, that’s my mom, so parang it’s a weird situation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



PARENTS’ LOVE. Tinanong ng PEP si Heart kung naiisip din ba niya na baka sa pagkakataong ito ay ang boyfriend na niya ang dapat gumawa ng paraan para magkaayos silang lahat ng mga magulang niya?

“Actually, nagawa na niyang lahat, e,” sabi naman ni Heart.

Umpisa pa lamang ba ay tutol na ang mommy at daddy niya sa relasyon nila ni Chiz?

“No, no… my dad and I were still okay.

“In fact, I was very confused because three of four days before it all happened, we saw my mom, she invited us in a restaurant.”

Wala kayang nanulsol sa mga magulang niya?

“I think that’s part of it. I think may mga sigurong nag-try na siraan or something.

“It’s just that, you know, Chiz was everything to show his sincerity.

“But I guess mahal lang talaga nila ako na feeling ko, para sa kanila, nobody can love me the way that they love me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s just it.”

Hindi kaya dahil siya ang bunso sa kanilang magkakapatid ay tila inilagay siya ng mga ito sa “pedestal?”

“Oo, talagang love na love nila ako,” pagsang-ayon naman ni Heart.

Ganito rin ba ang mga magulang niya sa ibang mga kapatid niya?

“Yes, but they are not that strict. Siguro kasi nag-artista ko.”

Hindi ba niya nararamdaman na parang “unfair” pala sa kanya?

“No, kasi nabalanse rin naman nila with other things with my other siblings.

“But I guess, dahil nag-artista ko, na dala ko pangalan nila or kamukha ko sila… I don’t know or something.

“But you know, it’s different because they wanted to take care of me.

“I guess I’m the youngest so last nila ako. Gusto nila akong mapunta sa mabuti.”

WORTH IT. Naniniwala si Heart na "worth it" ipaglaban ang pagmamahal niya kay Chiz sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga magulang.

“Oo, sobra,” sambit ng 28-year-old actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kung sa bandang huli ay malaman niyang mali pala siya at tama ang kanyang mga magulang?

“Kung mali, mali.

“If we end up being alone, then we’ll end up being alone. That’s life, you know.

“Wala naman talagang puwedeng ipilit.

“You may go against the world but if it’s not for you, it’s not for you.

“I’ve been down this road before and there’s no certainty.

“I don’t want to be in an obligation that just because it happened, kailangan mong panindigan. Hindi naman dapat ganoon yun.

“You’re with someone and you fight for someone because you believe that this person is good for you and you’re good for that person too.”

Patuloy pa ni Heart, “It’s a decision din naman kasi.

“If you decide that you want to be with this person through the good and bad…

“I’ve learned so much and I’ve went through so much with relationships because I gave up, kasi nahirapan ako sa sitwasyon, parang gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, may mga gusto akong pagbigyan.

“But you know, there’ll come a person in your life that, you know, I’ll try very hard because I want this to work.”

Bilang si Heart pa rin naman talaga ang nakakakilala sa kanyang mga magulang, nakikita ba niyang posibleng dumating ang araw na matanggap ng mga ito si Chiz para sa kanya?

Napaisip muna si Heart at saka sinabing, “I don’t know.

“As of now, hindi ko alam kung ano ang isasagot.

“Because ano, e, my mom, she’s a very strong woman.

“She has a very strong personality and when she believes in things, she just believes on that.

“And I respect that, in a way.

“But you know, I guess, that’s why I was made na parang my own person and we just don’t believe on the same thing.”



THOUGHTS AND REALIZATIONS. Naitanong din ng PEP kay Heart na dahil tutol madalas ang magulang niya sa mga nakakarelasyon niya, sumagi ba sa isipan niya na, “Magkakaasawa pa ba ako?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon niya, “Yes, naisip ko naman yun.

“But, I guess, I’ve already accepted before na that even the man I will marry, no one will be enough because they just love me so much.

“And again, nobody will understand that but just me.

“I don’t think anybody can say, ‘I understand your parents,’ kasi iba ang pagpapalaki sa akin.

“So, ako, naiintindihan ko sila, pero natanggap ko na yun dati na no one will be good enough.”

Sa lahat ng mga nangyayari at pinagdaanan niya, ano ang biggest lesson na natutunan niya?

“I don’t know… to be honest, I don’t know.

“I have no regret but, still, I don’t know what lesson I have to learn this time.

“Like what I’ve said, medyo nangangapa pa rin ako sa mga nangyari. Minsan, shocked pa rin ako.

“So, I’m still in that part of my life that I’m still trying to survive this moment and to think fast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think I’ll get to that kung ano talaga ang natutunan ko rito kasi, as of now, nandoon pa ako sa first step—medyo nagmu-mourn pa ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa lahat ng mga pinagdaanan ni Heart Evangelista, alam na raw niya kung ano kahihinatnan kung sakaling magkamali siya. Saad niya, “You may go against the world but if it’s not for you, it’s not for you. I’ve been down this road before and there’s no certainty. I don’t want to be in an obligation that just because it happened, kailangan mong panindigan. Hindi naman dapat ganoon yun. You’re with someone and you fight fo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results