RR Enriquez and Jen Da Silva-Geisler settle money issue

Pagkatapos magpalitan ng salita at maghain ng reklamo, nagkasundo na sa huli ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Jen Da Silva (kaliwa) at ang sexy star na si RR Enriquez. Ito ay matapos ma-settle ni Jen ang kalahati ng utang niya kay RR.


Pagkatapos magpatutsadahan sa interviews at humantong pa sa paghahain ng reklamo sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nagkaayos na ang sexy star na si RR Enriquez at ang dating PBB housemate na si Jen Da Silva-Geisler.

Ito ang ibinalita ni RR nang mag-guest siya sa Ang Latest Uplate ng TV5 kagabi, April 8.

Lahad niya, “Siyempre in behalf of Attorney [Ferdie] Topacio, siya po yung naging peacemaker namin dito.

“So yun, siya po yung lawyer ni Jen, at yun po, pinag-ayos niya po kami.

“In all in fairness sa kanya, so thank you.”

Ano ba ang naging kasunduan nila ni Jen para humantong sa pagkakaayos ang naging alitan nila?

Sabi ni RR, “A, kasi nagpadala po yung lawyer ko sa kanya ng parang demand letter na kailangan, within one week, ma-settle niya yung perang hinihingi ko.

“Ano po yun, nabayaran naman niya after two weeks pa.

“Nagbigay naman siya sa akin ng letter din sa akin and then she said babayaran nga niya ako ng March 31 o 30.

“Nag-settle naman po siya half lang, pero okay naman po ako dun kasi ang gusto ko lang naman ay bayaran niya po ako.”



GREEDY RR? Tinanong si RR ng mga host ng programa na sina Direk Joey Reyes, Amy Perez, at Cristy Fermin kung bakit napakadali niyang magtiwala.

Matatandaang sa naging kuwento ni RR noon, sa unang araw pa lamang ng kanilang pagkikita at pagkakilala ni Jen ay nagpautang na agad siya ng isang milyong piso.

Sabi ng sexy star, “Yun nga po, siguro hindi ko po alam kong katangahan or talagang...

“Hindi, yun nga po, that day nung nakilala ko po siya, kasi alam ko naman na hindi... through common friend, yung best friend niya ay best friend ko din.

“And alam ko nga po na asawa niya si Donnie Geisler and, yun nga po, kapatid ni Baron Geisler...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So alam ko naman po na, kumbaga, hindi ako tatakbuhan nito. Kumbaga, walang magiging problem.

“Tapos saka tao lang din, sinabi niya po sa akin na tutubo ako ng two hundred thousand pesos.

“Ako po, hindi na po ako magpapaka-plastic kumbaga... first time ko po na ganun po yung mangyayari.

“So balak ko siyempre, since andun lang naman sa bangko yung pera ko, tutubo ako ng two hundred thousand sa one million pesos..

"Ten months naman po, tutubo yung one million ko in ten months ng two hundred thousand.

“So, after one week, binigyan ko ulit siya ng one million kasi nga tutubo naman ulit siya ng two hundred thousand.

“Sabi ko, ‘Wow, four hundred thousand na ang tubo nito!’

“Kumbaga, hindi na po ako magpapaka-plasitc. Marami pong taong ganun, di ba? Kumbaga, parang pera [na] ‘to.

“Opo, inamin ko naman po talagang naging greedy po ako nung moment... time na yun.

“I mean, hindi lang naman po ako ang gumagawa nito, marami naman po siguro.”

Ang magandang naging dulot daw ng kanilang pagkakaayos ay ang pagkasalba ng kanilang pagkakaibigan ni Jen.

Saad ni RR, “Yun po at saka, yun nga, okay na po kami ngayon. At least mababayaran na po ako.

“Yun nga ang lesson sa anong ‘to—huwag basta-basta magtiwala and, yun nga, huwag masyadong gahaman siguro.

“Yun nga, kasi ang iniisip ko talaga, pera. ‘Wow, tutubo ako!’

“Pera, pera lang, ang utak ko talaga pera, ayan ang nangyari sa akin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN