Mercedes Cabral reiterates: "Wala kaming naging relasyon ni Mr. Coco Martin."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matapus-tapos ang usap-usapan na nagkaroon diumano ng relasyon si Mercedes Cabral kay Coco Martin, na nakasama niya sa 2008 indie film na Serbis. Pero giit ng aktres, “Wala talaga, kaibigan talaga.”


Muling pinabulaanan ng aktres na si Mercedes Cabral ang pagkakaugnay ng pangalan niya sa matinee idol na si Coco Martin.

Unang nagkasama ang dalawa sa indie film na Serbis (2008), kung saan sinasabing nagsimula diumano ang pagkaka-link sa kanila.

Sa premiere ng indie movie na Bad Romance kagabi, April 8, sa SM Megamall 7, muling binigyang-linaw ni Mercedes sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na wala silang naging relasyon ni Coco.

Saad niya, “No, sobrang tagal nang tanong ‘yan at ilang beses ko na ring sinagot ‘yan—for the past five years na nandito ako sa trabaho.

“Wala kaming relasyon ni Coco.

“Wala kaming naging relasyon ni Mr. Coco Martin, pero isa siya sa malapit na kaibigan ko.

“Isa siya sa unang naging kaibigan ko sa showbiz industry.”

Hindi rin daw nanligaw sa kanya ang sikat na aktor.

“Hindi, hindi rin siya nanligaw.

“I don’t know kung bakit kami na-link, dahil siguro nag-start ako na naka-partner siya at naging maganda yung chemistry namin.

“So, hindi mo naman siguro maiiwasan na may mang-iintriga na, ‘O, sobrang ganda ng chemistry nila, baka sila,’ mga ganun.”

Dagdag pa niya, “Sobrang guwapo ni Coco, mabait, pero trabaho kasi.

“Trabaho is trabaho. Hindi mo siya bibigyan ng malisya.

“Kahit may bed scene kami, wala, trabaho ‘yan, e.”

Kung nanligaw kaya sa kanya si Coco noon ay may pag-asa itong sagutin niya?

“Ngayon kasi, ang status ko ngayon, dahil may boyfriend ako, sasabihin ko na hindi.

“Dati, hindi ko rin alam kasi nung time na yun, may boyfriend din ako, so wala talaga.”

Hanggang ngayon ay bukas pa rin daw ang komunikasyon nila ni Coco, pero ni minsan ay hindi sila lumabas na silang dalawa lang.

Saad ni Mercedes, “Oo, nag-uusap kami every now and then, pero kaibigan lang talaga.

“No, nagkikita kami pag may mga parties, like kay Direk Brillante Mendoza, pero hindi yung solo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala talaga, kaibigan talaga.”



NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Masaya at kuntento raw si Mercedes sa non-showbiz boyfriend niya.

“Yes, mayroon.

"More than a year na kami, non-showbiz siya—Filipino, businessman.

“Masayang-masaya ako talaga sa tao na yun.

“Well, naiintindihan naman niya na trabaho lang yun, na parte ng trabaho lang yun.

“Masaya ako na nakahanap ako ng ka-partner na nakakaintindi kung ano ang ginagawa ko.”



MORE AT HOME WITH GMA-7. Unang nagkaroon ng teleserye si Mercedes sa ABS-CBN, ang Hiyas (2012). Pero ngayon ay mas madalas siyang mapanood sa mga programa ng Kapuso network.

Kasama siya sa cast ng GMA News TV series na Bayan Ko, na pinagbibidahan ni Rocco Nacino.

Paliwanag ng aktres, “Mas marami kasing offers sa akin from Channel 7 and marami na rin akong nakilala na tao—either na artista, staff.

“Kumportable ako na katrabho ang mga taga-Channel 7 and masaya ako sa kanila.”

Ngunit nilinaw ni Mercedes na maaari naman siyang tumanggap ng offers mula sa ibang networks.

“Puwede naman, wala naman akong exclusive contract sa kahit na anong network.

“So open naman akong tumanggap ng ibang projects sa ibang network.”



BAD ROMANCE. Bida si Mercedes sa pelikulang Bad Romance na ipalalabas na sa April 10. Gumaganap siya rito bilang isang psychotic.

“Ayun, ang role ko nga dito is psychotic.

“Receptionist siya sa isang isolated na hotel pero sobrang fan siya ng isang artista, which is portrayed nga by Mr. Francis Lopez.

“Hindi niya ini-expect na magtsi-check-in sa hotel nila, sobrang talaga naaano siya.

“And then, medyo niloko siya nung lalake, yun ang reason kung bakit nag-snap yung character ko.”

Pagtatapat pa ni Mercedes, “Actually, dream role ko talaga ang gumanap ng psychotic talaga na tao.

“Challenging talaga siya para sa akin. Gusto ko ganun talaga kaya tinanggap ko yung project.”

Naging successful ang huling pinagbidahang indie film ni Mercedes, ang Ligo Na U, Lapit Na Me. Wala bang pressure na may bagong pelikula na naman siyang pinagbibidahan ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, of course there’s pressure sa lahat naman ng ginagawa ko na pelikula, na characters.

“Nandun yung pinagkatiwalaan ka ng isang direktor, ng writer na gawin nang maayos yung character na binuo niya para sa pelikula niya.

“Nandun lagi yung pressure na dapat gawin mo nang maayos, kailangan gawin mo nang tama lahat."

Sino pa ang gusto niyang maging leading men?

“Leading men, gusto kong makatrabaho sina Sid Lucero, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz… magagaling, sila ang mga gusto ko.

“Madaling umarte pag magaling ang mga co-actor mo,” sabi ni Mercedes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN