Ricky Davao sympathizes with Forever lead star Heart Evangelista: "Sa totoo lang, nakakaawa."

Isa ang actor-director na si Ricky Davao sa naging hurado sa nakaraang Asean International Film Festival Awards (AIFFA) 2013, kung saan nanalo ng apat na tropeyo ang Pilipinas.


Isa ang actor-director na si Ricky Davao sa na naging jury member sa nakaraang Asean International Film Festival Awards (AIFFA) 2013 na ginanap sa Malaysia last month.

Kuwento ni Ricky sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Lima kami [na hurado], ako from the Philippines.

“Si Jack Neo from Singapore—and he’s coming next week.

“Meron siyang movie na ilalabas sa Resorts World and he’d like to do co-prod here.

“He likes Jericho Rosales, he likes Alessandra [de Rossi].

“At si Jack Neo, parang siya ang pinaka-biggest director in Singapore.

“Apat na director kami; yung isa, Amerikana siya, si Deborah Gabrinati—festival director ng Bali Nali.

“Yung dalawa, filmmaker, parang Eddie Garcia ng Myanmar.

“Yung isa naman, parang Lino Brocka ng Malaysia.”

Biro naman namin sa kanya, siyempre “Ricky Davao ng Philippines.”

Pero natatawang sagot naman niya, “May mga nagtatanong nga, ‘Bakit si Ricky?’”

Ano naman ang tugon niya sa mga kumukuwestiyon sa pagiging hurado niya sa AIFFA?

“E, ang pagtingin namang ng ano, subjective ‘yan. Ang maganda sa akin, puwedeng pangit sa ‘yo.”

Para na rin sa mga nagtatanong o kumukuwestiyon, paano nga ba siyang napili na maging hurado?

“Well, they submitted a few names and tapos, I think, ang gusto nila is Brillante Mendoza because Brillante is Brillante.

“Pero hindi yata pumuwede, so napunta sa akin.

“Pero meron pa yatang ibang director na ibinigay na pangalan.”

Nakausap ng PEP si Ricky sa taping ng idinidirek niyang afternoon soap sa GMA-7, ang Forever, noong April 8.

FOUR TROPHIES. Apat ang napanalunang awards ng Pilipinas: Best Film-Drama ang Sta Niña; Best Actress para kay Alessandra de Rossi (Sta Niña); Best Supporting Actress para kay Anita Linda (Sta Niña); at Best Supporting Actor para kay Bugoy Cariño (Alagwa).

Kuwento ni Ricky, “Actually, favorite nila ang Pilipinas sa acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At yung Sta. Nina, nakakaano kasi rito, hindi siya nanalo.

“At saka ano, ang hirap din, kasi yung jury, malalakas ang dating. They are all filmmakers.

“Kay Alessandra, nakakatuwa, yun pala, unang Best Actress award niya ito. Sayang nga lang at hindi siya nakarating.”

POPULAR IN MALAYSIA. Natutuwa naman si Ricky dahil kilala raw ang ilang Pinoy na artista sa Malaysia.

Lahad niya, “Si Jericho, pinagkakaguluhan sa airport.

“At kahit naman ako, alam ninyo kung bakit? Sa Pangako Sa ‘Yo, palabas ngayon doon.”

Ang Pangako Sa ‘Yo ang matagal nang naipalabas na primetime soap ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Patuloy ni Ricky, “Ako nga, sa may mall, sa unang punta ko sa Malaysia, may lumapit sa aking pulis.

“Sabi sa akin, ‘You’re a very bad person.’ Naka-uniform.

“Tapos, ‘I’m sorry, Sir?’

“Then, sabi niya, ‘Why did you do that to Amor [Eula Valdes]?’

“A… o, di ba? Pati yung sa Immigration, ‘Yes, you’re Tony Banks? How come this one is Davao?’

“Nakakatuwa.”

Dugtong pa niya, “Si Echo, heartthrob.

“Yung mga artistang babae, tinanong ako, ‘What happened? Why Jericho did not win?”

Bakit nga ba hindi pa niya pinapanalo si Jericho, na nominated for Best Actor para sa Alagwa?

“E, lima kami,” mabilis na sagot ni Ricky.

“Pero siya na ang susunod, malaking discussion yun.

“Pero kapag napanood ninyo ang winner, hindi porke’t Malaysian siya, hometown, hindi. Magaling talaga.”

Ang nakatalo kay Jericho ay ang Malaysian actor na si Shaheizy Sam para sa pagganap niya sa Songlap.



FOREVER. Ang leading lady ng Forever ay si Heart Evangelista.

Bilang direktor ng naturang serye, paano sinuportahan o inalalayan ni Ricky si Heart sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito?

Sa isang panayam kasi ay sinabi ni Heart na habang nagte-taping siya ng Forever ay doon pumutok ang alitan nila ng kanyang mga magulang dahil tutol ang mga ito sa relasyon nila ni Senator Chiz Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ricky, “Ang hirap kasi every take, iiyak. Hindi pa nagti-take, umiiyak na.

“Di ba, kapag cut, hagulgol, ganoon.

“Hindi na raw siya makahinga, may mga ganoon. Nakakaawa naman.

“E, kaya lang, may trabaho rin kaming dapat tapusin, may isu-showing bukas. May isu-showing sa susunod na araw. E, nakakontrata tayo.”

Mas gumaling ba si Heart sa mga eksenang kailangan nitong maging emosyunal?

“Mas gumaling, pero ang hirap, hindi ka na nag-iisip. Kawawa naman.

“Siyempre, kung yung actor, e, walang problema, maraming magagawa. Maraming nuances na magagawa.

“But she’s so magulo sa pamilya, sa lovelife, etcetera, tapos kami pa, nangungulit sa kanya.

“Nakakaawa. Sa totoo lang, nakakaawa."

Dagdag niya, “She showed strength naman.

“Kagaya ng pinakiusapan niya hanggang 5, pumayag naman kahit na mugtong-mugto na siya.

“Cut, pagkatapos ng take, waaah!”

Naka-relate ba siya kay Heart dahil may panahon na ipinaglaban niya rin ang kanyang pag-ibig?

Natawa si Ricky saka sinabing, “Ganoon ba? Teka muna, Heart ba ang pangalan ko?”

At hindi na ito sumagot.



CRYING MONENTS. Pero may pagkakataon ba na nasa shooting si Ricky at bigla na lang siyang iiyak dahil naging emosyunal siya?

“Hindi naman, naiiyak ako kapag magaling ang artista,” sagot ng actor-director.

Sino na ang mga artistang iniyakan niya dahil ang husay?

“Si Gina Alajar, si Tita Glo [Gloria Romero] dahil naantig ka.

“Si Gina, ito lang, yung Magpakailanman, dahil ang galing-galing niya.

“Sabi nga niya, baka yun daw ang ipadala sa New York [Film and Television Awards].”

Sino ang pinaka mami-miss niya ngayong patapos na ang taping nila ng Forever?

“Si Tita Glo because it’s an honor and a delight to work with her,” sagot ni Ricky.



STILL A KAPUSO. Mabilis naman ang naging sagot ni Ricky nang tanungin ng PEP kung Kapuso pa rin ba siya pagkatapos ng Forever.

“Oo naman,” sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Per show lang ang kontrata ni Ricky sa GMA-7, pero tila kuntento naman ito sa mga ginagawa niya sa network.

Hindi siya lilipat kahit may balita noon na kinukuha siya ng ibang network?

“E, dito kasi may offer na agad.

“Ngayon, wala pang sinasabing kasunod, pero may mga nakakausap ako na sinasabing, ‘O, relax ka muna.’

“Sabi ko, ‘Gusto kong mag-artista, ha.’

“Sabi nila, ‘Sige, hahanapan ka namin.’”

Pagkatapos niyang idirek ang Forever, ang gusto naman daw ni Ricky sa suunod niyang programa ay nasa harap na siya ng kamera.

“Gusto ko naman, actor naman, kasi nakaka-miss, e. Ang last ko pa, Kung Aagawin Mo Ang Langit pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN