PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Glaiza de Castro misses Heidi character in Temptation of Wife; clarifies rumor linking her to a band member

Glaiza says she is not in a hurry to have a relationship.
by Glenn Regondola
Published Apr 10, 2013
Hanggang ngayon ay wala pang bagong relasyon ang aktres na si Glaiza de Castro. Sabi ng ilan ay masyadong siyang takot na makipagrelasyon. Paliwanag naman ng aktres dito: “Yun nga ang tingin nila sa akin—choosy daw ako. Pero, di ba, dapat naman na may i-consider kang maraming bagay sa isang ano… yung panghahawakan mo nang matagal. Natural lang na magkamali ka sa choices mo, pero ang gusto ko, na masabi ko sa sarili ko na handa ako.”

Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nang ipalabas ang huling episode ng GMA-7 primetime series na Temptation of Wife, pero aminado si Glaiza de Castro na nami-miss na niya ang kanyang character bilang si Heidi.

Ang role niya bilang si Heidi ang nagpahirap sa buhay ni Angeline, na ginampanan naman ni Marian Rivera.

Dahil sa pagganap ni Glaiza sa Temptation of Wife ay lalong pinuri ang kanyang kakayahan sa pag-arte. Sa halos lahat ng social media ay sinasabing very effective siya sa kanyang pagganap bilang isang kontrabida.

Sabi ni Glaiza tungkol dito, “Oo nga, e. Sobrang na-attach ako sa character niya, lalo na yung mga huling araw na ang bibigat ng mga eksena.

“Sabi ko nga before na talagang nagulat ako sa reaksiyon ng mga tao.

“Akala ko ay sobrang hate na nila ako pero marami ang bumabati sa akin. Nagku-congratulate."

Dagdag niya, “Sobrang thankful ako kay Direk Dom [Dominic Zapata] at siyempre sa co-actors ko—sina Marian, Dennis [Trillo], at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit yung production people and crew, nakaka-miss, kasi sobrang gaan sila na katrabaho.

“And isang learning experience din siya sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza noong Linggo, April 7, sa Party Pilipinas.

DIVERSE ROLES. Naka-get over na raw siya sa masyadong masamang character ni Heidi. Pero aminado ang Kapuso actress na kahit siya ay naiinis din sa kanyang character na ayaw niyang gayahin sa totoong buhay.

Ani Glaiza, “Oo nga, kasi pag binabasa ko noon yung script, naiinis din ako kay Heidi.

“Hindi pa rin talaga siya tumigil sa mga plano niya.

“Iniisip ko sa sarili ko na sa real life, yung every wrong move mo e may kapalit na karma.”

Gusto ba niyang makagawa uli ng ganung klaseng character?

Sagot ni Glaiza, “Siguro may darating pa rin. Pero, gusto ko diverse ang ginagawa ko. Paiba-iba.

“Ayoko namang ikulong ang sarili ko into playing villain roles.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang dami pa namang possibilities na puwede kong i-explore, di ba?

“Kapag kasi sinabing artista ka, dapat ay may paiba-iba ka ring ginagawa para hindi magsawa ang tao sa ‘yo.

“Kaya nga nung patapos na ang Temptation ay tinanggap namin yung Vampire Ang Daddy Ko na parang kontrabida din pero comedy.”

Dagdag pa ng 25-year-old actress, “Ayun, hinahanap ko pa rin yung maiba ang portrayal ko dun sa Heidi kasi minsan nadadala ko siya.

“That time kasi, nag-o-overlap yung taping ng dalawa na minsan nasa Vampire ako tapos ang naaarte ko ay si Heidi.

“Kaya nga ginagawa ko rin ang lahat na maihiwalay ko yung character ng isa over sa isa.”

SINGING CAREER. Gusto rin daw ni Glaiza na bukod sa pag-arte ay balikan ang kanyang singing career.

“Oo nga, e,” sambit niya.

“Wish ko pa rin na maging active yung singing career ko.

“First love naman yun kaya nga pag may free time ako, lumalabas kami ng friends ko at pakanta-kanta sa banda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Open naman ako sa possibilities na sana masundan yung ginawa kong album noon sa Star Records.

“Siyempre, pag hilig mo talaga, kahit meron ka nang ibang focus, e, hahanap-hanapin mo pa din yun, di ba?”

GLAIZA'S LOVELIFE. Sa puntong ito ay kinumusta naman namin ang kanyang lovelife.

Na-link siya sa isang band member na kamag-anak ni Robin Padilla, si Chris Padilla.

Pero natatawang sabi ng aktres, “Wala, hindi na kami nagkikita nun!

“Hindi na kami masyadong nag-uusap.

“Kasi, parang hindi ko naman talaga siya kinu-consider na parang nanligaw.

“Alam mo naman ang mga tao, di ba, pag nakita lang kayong magkasama ang tingin niya ay kayo na.

“Parang yung kay Dennis [Trillo] nun, di ba, akala nila ay kami na?

“Minsan magugulat ka na lang, e. Hindi mo alam kung saan o kung sino ang source talaga.

“Pero alam mo naman sa sarili mo kung ano yung totoo at yun ang importante, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinahanap na rin ba niya na magkaroon ng isang serious relationship?

Pag-amin ni Glaiza, “A, oo, kasi matagal na rin, di ba? Pero ayokong magmadali.

“Ayokong madaliin na yung isang bagay na hinahanap mo na panandalian lang.

“Gusto ko, pag dumating yung time na magka-boyfriend uli ako, yung sigurado na ako dun sa papasukan ko.

“Hindi naman siya yung basta-basta lang na commitment na basta magkaroon lang ako ng boyfriend o basta magkaroon lang ako na isang partner.

“Ang dami ko pang gustong i-consider.”

Ang sabi ng iba ay masyado pa raw siyang takot sa isang relasyon.

“Yun nga ang tingin nila sa akin—choosy daw ako.

“Pero, di ba, dapat naman na may i-consider kang maraming bagay sa isang ano… yung panghahawakan mo nang matagal.

“Natural lang na magkamali ka sa choices mo, pero ang gusto ko, na masabi ko sa sarili ko na handa ako.”

SIGN OF RESPECT. Naitanong din ng PEP kay Glaiza kung naranasan din ba niya na hindi pansinin ng mga baguhang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Nakakalungkot ngang isipin na may ganun.

“Minsan meron din akong ganung experience na parang, ‘Ay, walang respeto.’

“Kaya natutuwa nga ako kina Ms. Jaya at sina Ms. Reg [Regine Velasquez] na, ‘Ay, sino ba ako na lalapitan pa nila ako, kukumustahin?’

“Yun, natutuwa talaga ako.

“Di ba, ano ba naman yung bati? Ano ba naman yung ‘hi’?

“Kahit nga hindi ka na mag-beso basta i-acknowledge mo yung presence nila.

“Hindi naman kasi yung gusto mog magpapansin sa kanila kundi para sa akin, it’s a sign of respect.

“At yun din ang mga dapat matutunan ng mga baguhan ngayon—how to respect.

“Ang mga projects, nandiyan lang ‘yan sa ngayon, pero hindi sapat na magaling ka para tumagal ka sa industriya.

“Kailangan, marunong ka rin magrespeto lalo na dun sa mga matagal na, yung mga institusyon na at malaki na ang napatunayan.”

MOVING. Ano naman ang opinyon niya sa paglipat ng mga artista o singers ng networks, tulad ni Christian Bautista na kasama na niya sa Party Pilipinas ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Glaiza, “Malawak naman kasi ang chances sa industry natin.

“Hindi naman dapat ikasama ng loob… as long as tama ang pagpapaalam mo.

“Like ako, galing din ako ng ABS-CBN bago ako napunta sa GMA. Hindi na rin bago sa atin ito.

“Sabi ko nga, as long as maayos yung paglipat mo, then walang problema.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hanggang ngayon ay wala pang bagong relasyon ang aktres na si Glaiza de Castro. Sabi ng ilan ay masyadong siyang takot na makipagrelasyon. Paliwanag naman ng aktres dito: “Yun nga ang tingin nila sa akin—choosy daw ako. Pero, di ba, dapat naman na may i-consider kang maraming bagay sa isang ano… yung panghahawakan mo nang matagal. Natural lang na magkamali ka sa choices mo, pero ang gusto ko, na masabi ko sa sarili ko na handa ako.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results