Fourth John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo movie: Is it possible?

John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo, and director Cathy Garcia are all open to have a follow-up movie of the John Lloyd-Sarah loveteam. However, John Lloyd said, “Pero kung sa tingin ko medyo pilit na at weak na, siguro mas maganda kung i-end na natin dito.”


Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa It Takes A Man And A Woman, posible kayang magkaroon ng ika-apat na installment ang pelikulang ito nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo?

Sinasabi kasing huli na ang ikatlong installment ng tambalang ito nina John Lloyd at Sarah.

“Hindi ko alam, e,” ang sagot ni John Lloyd nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa private screening na inihanda ng actor-director na si Rowell Santiago noong Lunes, April 8, sa Shangri-La Cineplex.

Pero ayon kay John Lloyd, maaari naman itong mangyari.

“If we could come up with better script than this one, I don’t mind.

“Pero kung sa tingin ko medyo pilit na at weak na, siguro mas maganda kung i-end na natin dito.”

Para naman kay Sarah, kung sakaling magkaroon ng ika-apat na pelikula ang istorya nina Laida Magtalas at Miggy Montenegro, dapat ay tungkol na ito sa pagiging mag-asawa nila.

Okay ba sa kanya ang magkaroon ng “baby” sa pelikula?

Sagot ng Pop Princess, “Ako, maganda muna yung makita ng mga tao yung buhay mag-asawa nila, yung adjustments, paano nila malalagpasan.”

Samantala, para naman sa direktor ng pelikula na si Cathy Garcia, depende raw ito “Kung gusto n’yo po.”

Dagdag niya, “It’s all in the story naman.

“Kung mayroon pa kaming ikukuwento at gusto n’yo pa, pag-iisipan namin.

“Parang ito pong part three, hirap na hirap kaming makaisip ng magugustuhan ng mga tao.

“Nakakatuwang isiping nanalo kami, I mean, natuwa ang audience.

“Kung magkakaroon man ng part four, gano’n ulit, magsusunog-kilay para makaisip ng magandang kwento.”



BOX-OFFICE HIT. Ayon sa Star Cinema, nasa P267 million na ang kinikita ng It Takes A Man And A Woman as of yesterday, April 9.

Nalagpasan na nito ang unang pelikula nina John Lloyd at Sarah, ang A Very Special Love, na kumita ng P179.5 million noong 2008.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayundin ang ikalawang pelikula nila na You Changed My Life, na kumita naman ng P225.2 million noong 2009.

Sa itintakbo ng It Takes A Man And A Woman ngayon sa takilya, may mga nagsasabi na posibleng mahabol nito ang naitalang record ng highest-grossing Filipino movie sa kasalukuyan na Sisterakas.

Ang 2012 film na ito nina Vice Ganda, Kris Aquino, at Ai-Ai delas Alas ay may kabuuang kita na P342 million.

(CLICK HERE to read related article.)

Pero hindi pa raw naiisip ni John Lloyd ang tungkol dito.

Aniya, “Hindi ko alam. Mahirap sabihin.

“When Sisterakas was shown, film festival.

“Ngayon, matindi ang competition. Ang daming summer big movies na paparating habang nagpe-play kami.

“I don’t know kung ano ang mangyayari.

“But siyempre, nandoon yung umaasa tayo na magtuluy-tuloy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN